Ruffa Gutierrez reveals how boyfriend Jordan Mouyal deals with her mom Annabelle Rama

Ruffa Gutierrez compares current boyfriend Jordan Mouyal to her former Filipino suitors. Ruffa says Jordan always greets her mother, Annabelle Rama. “He just smiles, hello-hello... Hello lang siya nang hello.”


“A few months. This year,” sagot ni Ruffa Gutierrez nang tanungin kung gaano na sila katagal ng kanyang French boyfriend na si Jordan Mouyal.

Nakapanayam si Ruffa nina Boy Abunda at Kris Aquino sa episode ng Aquino & Abunda Tonight kagabi, Lunes, November 17.

Sa tanong kung si Jordan na ba ang “the one” para sa kanya, sagot ni Ruffa: “I don’t know, time will tell.

"But, as of now… I guess, right now, our focus is really work first. Saka na ‘yan, ’di ba?

“Ang inspirasyon naman, importante sa buhay, but I think, for me, work muna and our priorities in life.”

Inusisa rin ang former beauty queen kung “what’s so special” kay Jordan.

Ani Ruffa, “What’s really special about him is ’andiyan siya kahit ano pang mangyari.

“He’s there to hold my hand and then support me along the way.

"Hindi siya nakikialam sa showbiz intrigues or what happens, he’s just there and does his own thing."

Nauunawaan din daw ni Jordan ang trabaho ni Ruffa at hardworking din umano ito.

JORDAN ON ANNABELLE AND RUFFA’S KIDS. Matatandaang nagkaroon ng hidwaan kamakailan si Ruffa at ang kanyang ina na si Annabelle Rama dahil hindi boto ang huli kay Jordan.

Nagkaroon ng sagutan ang dalawa sa Twitter, pero ’di nagtagal ay nagkabati rin ang mag-ina.

Read related articles: Annabelle Rama on daughter Ruffa Gutierrez’s lovelife: "Surrender na ako."

Ruffa Gutierrez on gaining Annabelle Rama’s approval for her boyfriend Jordan Mouyal: "Well, she has no choice, ’di ba?"

Kumusta na ngayon ang samahan nina Jordan at Annabelle?

Ayon kay Ruffa, “’Di ba, yung mga Pinoy, ’pag inaaway na ni Mommy, nawawala na parang bula?

“Ay, wala siyang [Jordan] paki! As long as I’m nice to him."

Pagdating naman daw sa kanyang ina, “He just smiles, hello-hello... Hello lang siya nang hello.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipinaliwanag din ni Ruffa na open siya sa mga anak na sina Lorin at Venice pagdating sa kanyang bagong pag-ibig.

Sa katunayan, magkakaibigan umano ang kanyang mga anak at si Jordan.

“They told me kasi, ‘If there’s someone in your life, you have to let us know first ayaw naming mababasa…’

"Kasi they’re matatalino and that’s what I did, so I’m always honest with them first.

“Mabuti na they know from me rather than they know from someone else.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN