Beauty Gonzales prefers older men: "Kasi gusto ko bini-baby ako, mature ang kausap ko. Ayoko ng masakit sa ulo."

Beauty Gonzales on her current boyfriend: "He’s very artistic. Very different kind of world kasi he’s into art collection. He’s full of wisdom."


Noong October ay nagliwaliw ang Kapamilya actress na si Beauty Gonzales sa Paris, France, kasama ang kanyang art collector-boyfriend.

Tumangging magkuwento si Beauty kung anu-anong memorable at romantic moments nila ng boyfriend, na nakilala niya sa pamamagitan ng kaibigang si Ellen Adarna

Nakangiting sambit lang niya, “Basta, kumikinang-kinang yung Eiffel Tower!”

Hindi ba siya nakatanggap ng marriage proposal habang nasa Paris sila?

“Ay, no… no. Not yet.


“It was our first date there. Yun na muna.”

Paglilinaw pa niya, “We go out with friends but we never had a chance to go out together.

“So, basically, it was our first date in Paris.

“We really never had a chance.

"Either it’ll be with his friends or with my friends or with the family. There was no time.

“Yung pagpunta ko sa Paris, that was our first date together.”

AGE DOES NOT MATTER. Tumawa lang si Beauty nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung gaano na sila katagal ng kanyang boyfriend.

Nais daw niyang isikreto ang bahaging ito ng kanyang romantic relationship.

Nilinaw naman ni Beauty na hindi nag-ovelap ang previous relationship niya sa kanyang boyfriend ngayon.

Saad niya, “Nung nag-break up kami [ng ex-boyfriend ko], I kept it to myself.

“Siyempre naman, isisigaw ko pa ba naman sa mga tao na, ‘Hey, I’m single! Wala na akong dyowa.’

"So, nung nag-interview ako sa Kris TV, doon sila na-shock na single na uli ako for quite some time."

Diin ni Beauty, “Hindi po nag-ovelap yung relationship ko.”

Gaya ng mga naunang boyfriends ni Beauty, malaki rin daw ang agwat ng edad niya sa kanyang boyfriend ngayon.

“I’m very happy now.

“Nagkataon or maybe I really like more mature man than younger man.

"Kasi gusto ko bini-baby ako, mature ang kausap ko.

“Ayoko ng masakit sa ulo, ganun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pangmatagalan na kaya ito?

Sagot ni Beauty, “I hope so.


“Lahat naman ng ginagawa natin na sana tumagal. I hope and I pray na sana ito na nga.”

Ano ang pagkakaiba ng boyfriend niya ngayon sa mga nagdaan niyang karelasyon?

Ayon kay Beauty, “Well, he’s very artistic.

“Very different kind of world kasi he’s into art collection.

“He’s full of wisdom.”

SUPPORTIVE BOYFRIEND. Gaano ka-supportive sa career niya ang kanyang Filipino-Spanish boyfriend?

Tila kinikilig na sagot ni Beauty, “Kasi he’s very supportive in always naman.

“I mean, like… lahat ng bagay. Simple lang.

“Ang nakakaiba lang naman, there’s no drama.

“We talk things maturely. Kasi he’s mature na.

“Wala naman, e. Lahat naman ng pagmamahal, risk ‘yan, e.

“Pero mukhang okey naman.”

Siya ba ang tipo ng babaeng nadadala sa grand gestures ng nanliligaw o karelasyon niya?

Sabi ni Beauty, “No. Actually, yung pagpunta ko doon [sa Paris], it was a quick decision of mine.

“I’ve never been out of the country. First trip to Paris alone.

“I talked to him about him. ‘I’ll go to Paris.’

“Sabi niya, ‘Oh, yeah, I’ll be in Europe at that time for some shows. See you there.’

“I was not expecting to see him there. Kasi, the purpose I went there, for myself.

“Kung anuman ang grand gesture na ginagawa niya, ang suwerte ko. Kasi, thank you na lang, hindi ko naman hinihingi.

“Ang haba naman ng hair ko, ‘di ba?

“Lahat naman ng boyfriend ko, may grand gesture, pero hindi ko hinihingi kasi kaya ko naman.

“Kung ano’ng ibinibigay nila, bonus na lang yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN