Rochelle Pangilinan and Arthur Solinap not pressured to join celebrity engagement bandwagon

Hindi raw apektado ang magkasintahang sina Arthur Solinap at Rochelle Pangilinan sa sunud-sunod na proposals at engagements ng celebrity couples. Saad ni Arthur, “Sa amin kasi, hindi naman dahil marami na, e, nape-pressure kami na kami na yung next. Basta sa akin kasi, basta okay na yung lahat, settled na lahat, kahit anong oras, puwede. Kahit may kasabay man o wala, basta settled kami, go-go kami.”


Panonood ng sine ang isa raw sa bonding moments ng celebrity couple na sina Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap.

Kaya naman hindi nila pinalagpas ang imbitasyon para sa VIP special screening ng Hollywood movie na You’re Not You na ginanap kagabi, Nobyembre 18, sa SM Megamall Cinema 6.

Pinagbibidahan ito nina Hilary Swank, Emmy Rossum, at Josh Duhamel.

Hangang-hanga nga sina Rochelle at Arthur sa galing umarte ni Hilary bilang isang ALS (amyotrophic lateral sclerosis) patient.

Sabi ni Rochelle, “Sobra, ‘eto na yung date namin.”

Dagdag ni Arthur, “At least once week kami [manood ng sine]. We make sure na meron sa isang linggo.

“’Pag walang work, siyempre mas napapadalas.”

Singit pa ni Rochelle, “’Tapos ang mapapanood mo pa si Hilary, ang galing niya, grabe siya!

“Noong una, sabi ko, ‘Paano niya ito ginagawa? Ay, inuurong niya yung dila.’

“Sabi ko, dapat ’pag inuurong mo yung dila mo, tumutulo na yung laway mo, pero siya hindi, ang galing talaga niya.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Rochelle at Arthur pagkatapos ng movie screening.

Kasama rin nilang nanood ang co-artists nila sa PPL Entertainment Inc. na sina LJ Reyes at Carlo Gonzalez.



NO PRESSURE. Siyempre, hindi puwedeng hindi matanong ng PEP sina Rochelle at Arthur tungkol sa kanilang anim na taong relasyon.

Hindi ba sila nape-pressure, lalo na si Arthur, sa sunud-sunod na wedding proposals at engagements sa showbiz ngayon?

Tugon ni Arthur, “Hindi naman.

“Sa amin kasi, hindi naman dahil marami na, e, nape-pressure kami na kami na yung next.

“Basta sa akin kasi, basta okay na yung lahat, settled na lahat, kahit anong oras, puwede.

“Kahit may kasabay man o wala, basta settled kami, go-go kami.”

Ayon pa kay Rochelle, hindi naman nila kailangang sumakay sa nauusong proposals ngayon sa mga celebrity couples.

“At saka kung ibibigay talaga ni God yung time na iyan para sa amin, amin iyan, kukunin namin iyan,” sabi pa ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aminado naman silang napag-uusapan na rin nila pagpapakasal.

Saad ni Rochelle, “Yes, napag-uusapan namin, kung paano, kung saan, and yung plano na huwag masyadong magarbo.

“Kasi hindi naman kami doon nagpo-focus talaga sa kasal, nagpo-focus kami after ng kasal.

“Kung magbe-baby, yung ganun.”

So, ano na ba ang naisip nilang plano para sa kasal nila?

“Simple lang, Christian wedding kami for sure.”

Hindi pa raw sila nagkakasundo kung beach o garden wedding ba ito, ani Arthur.

Pero si Rochelle ay tinutulan agad ang beach wedding.

“Ayoko nga nun!” sabay tawa ng dating miyembro ng SexBomb Girls.



DINGDONG & MARIAN. Isa sa celebrity couples na malapit nang ikasal ay sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Nagkataon namang pinsan ni Arthur si Dingdong habang isa naman sa malapit na kaibigan ni Rochelle si Marian.

Kaya kinumpirma nilang may partisipasyon sila sa kasal ng dalawa sa Disyembre 30 bilang bahagi ng groomsmen at bridesmaids.

Ano naman ang wish nila para kina Dingdong at Marian?

Ani Arthur, “Ang wish ko talaga magkaroon na ng pamangkin. Gusto ko talaga magka-baby agad sila.”

Sabi naman ni Rochelle, “Ako siyempre, yung maging maayos pa sila, yung talagang maging masaya.

“Kung may darating na problema, maaayos nila.

“Kasi hindi naman sa kasal natatapos ang lahat, actually diyan pa lang magsisimula ang lahat.

“Ibang stage ng buhay iyan siyempre.

“Alam ko naman kaya nilang malagpasan lahat ng magiging pagsubok sa kanila. Basta kapit lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN