Wenn Deramas says same-sex marriage not for him

Director Wenn Deramas on same-sex marriage: “Tayo naman, ako ay naka-base sa Pilipinas kung saan very conservative at hindi naman ako... hindi sa hindi naniniwala. Hindi ko kailangan at the moment, hayaan na natin yung kasal doon na pinapayagan ng kanilang bansa at saka sa babae at lalaki. Ako, okey naman ako na wala ‘yon.”


Masaya ang box-office director na si Wenn Deramas sa ilang araw na pagpunta niya sa Amerika kamakailan.

More than anything else, masaya dahil nakapagpahinga raw siya.

“Una muna, nagpunta ako doon para um-attend sa wedding ng kaibigan ko, best friend ko yung ikinasal.

"Magkaibigan na kami mula noong 13 years old. Best man ako,” bungad ni Direk Wenn nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Whistlestop, last November 13.

November 6 daw ang wedding at kinabukasan ay nag-four-day cruise sila sa Mexico.

Kuwento ni Direk Wenn, “Habang nasa barko, sobrang pahinga. Apat na araw na puro tulog, kain.

"Napakaganda ng Princess cruise na ‘yan. Parang Titanic sa laki at sobrang marangya.

"Pang-mayaman, hindi mo naman maa-afford kung hindi ka mayaman."

Did he pay for his cruise?

“Hindi, yung ikinasal, yun naman ang treat nila sa akin.”

Mayaman ba yung best friend niyang nagpakasal?

“Tama lang. Talagang inayos nila yun... ang ganda!

“Tulog ako nang tulog kasi maganda yung cabin. Kain, kaya nga ngayon dume-diyeta ako.

"Kain ka nang kain kasi libre lahat, e.”

Dagdag niya, “First time ko kasi sa cruise, ganoon pala.

“So, ang susunod kong adhikain, bukod sa ano… yung mga anak ko, isama ko sa cruise kasi very relaxing, educational, at the same time, tubig.

"Safe naman yung tubig basta may lifevest ka. May swimming pool, sobra.

"Yung swimming pool, nasa ibabaw ng barko."



SAME-SEX MARRIAGE? May plano rin ba siyang pakasal sa same gender, ’tulad ng best friend niya?

“Hindi,” mabilis na sagot niya.

“Kasi sila sa States, citizen sila. Meron silang laya at karapatan na gawin yun.

“Tayo naman, ako ay naka-base sa Pilipinas kung saan very conservative at hindi naman ako... hindi sa hindi naniniwala.

“Hindi ko kailangan at the moment, hayaan na natin yung kasal doon na pinapayagan ng kanilang bansa at saka sa babae at lalaki.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako, okey naman ako na wala ‘yon.”

Pagbalik niya ng Pilipinas, um-attend agad si Direk Wenn ng grand presscon ng Flordeliza. Kinabukasan, hinarap naman niya ang production meeting para sa week four ng Flordeliza.

After ng production meeting niya, the next day, nag-resume na si Direk Wenn para sa movie niya na The Amazing Praybeyt Benjamin.



MARVIN-JOLINA TANDEM. Tungkol naman sa kanyang bagong teleserye sa ABS-CBN, ang Flordeliza, marami na ba siyang nakunang episodes?

“Yes, at nakakatuwa kasi sobrang niri-rave nina Ma’m Charo [Santos].

"Napanood na nila, e. Sabi nga nila, e, ano raw, inspired daw ako."

Kailan na ang timeslot ng Flordeliza?

“Hindi ko pa rin alam. Kasi, originally... I’ll be very, very honest.

"Noong pinag-present ako ng ABS, ang ini-expect nila pang-hapong programa, okey. So, nagbigay ako sa kanila.

"In-approve nila. Pero nag-iba ang lahat noong napanood na nila, tingnan natin kung ilalagay sa primetime.

"Kasi ako, ang alam ko, pang-hapon kami... basta ang ginagawa lang namin ngayon, shoot nang shoot para maganda ang mangyari.”

May magic pa rin ba ang Jolina Magdangal-Marvin Agustin tandem?

“Hindi mawawala ang magic, tandaan ninyo ‘yan.

"Ang magic nae-enhance... ang magic nananahimik. Parang magic wand ni Harry Potter.

"Itinatabi lang sandali at kapag ginamit… at alam mo na kung paano ‘to gamitin, mas marami kang magagawang wonders sa magic na ‘yan.

“At ganoon ang Jolina-Marvin dahil yung talent naman nila ay hindi kumukupas. Hindi nawala, hindi inabuso.

"Ibig sabihin, mas pinolish pa ng time lalo na’t may kanya-kanya na silang anak, pamilya.

“Hindi lahat kasi meron yung ganoon, e.

"Yung iba tinutulungan pa ng sobrang makinarya ng kung ano’ng network, nung production.

"Pero yung sa kanila, kinagat ng tao kasi naramdaman na ginagawa lang nila yung alam nilang tama.

"And, unknowingly, nakakapagpasaya sila ng milyun-milyong tao.

"At ganito ulit, yun yung naramdaman ko noong sinabi nila Jolina-Marvin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko iisipin na, ‘Naku, ang ginagawa nito, tsuba-tsu-tsu.’

"Dapat isipin mo na ang tao ay tumatanda. Lume-level up, hindi ba?

"Hindi naman sila pipitsuging artists, [na] hanggang doon lamang ang kaalaman.

"So, it’s so refreshing na makita mo na yung dating mga bagets na nagtsutsuba-tsuba-tsu-tsu ay mga nanay na ngayon nitong mga bata.

"’Tapos ang huhusay nila. Iku-quote ko si Ma’m Charo, ‘Mahuhusay sila. Let’s go back to the reliables.’

"‘Yan ang linya niya. ‘Wenn is so inspired,’ sabi niya [Charo]. ‘Beautiful, congratulations.’

"‘Yan ang mga lines na namutawi sa ating mahal na presidente ng ABS-CBN."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN