Vina Morales good-humoredly recalls her heartbreak over Robin Padilla

Tinatawanan na lang nina Vina Morales at Robin Padilla ang kanilang nakaraan. Sa ngayon ay sobrang okay raw ang kanilang pagkakaibigan.


Nag-level up na raw ang pagkakaibigan nina Vina Morales at Robin Padilla matapos silang nagkasama sa pelikulang Bonifacio: Ang Unang Pangulo.

Dating magkasintahan ang dalawa na itinuturing na isa sa pinakasikat na loveteam noong dekada ’90.

Saad ng singer-actress, “So, talagang thankful na nangyari ito, na long overdue, ‘di ba? Madami ang nag-aantay.”

Maraming blockbuster movies sina Vina at Robin noon. Kasama na rito ang Miss Na Miss Kita: Utol Kong Hoodlum 2 (1992) at ‘Di Pwedeng Hindi Pwede (1999).

Sa Bonifacio, gaganap si Vina sa role ni Gregoria de Jesus, ang itinuturing na great love ni Andres Bonifacio, na ginagampanan naman ni Robin.

Nagpasalamat din si Vina na ang mismong asawa ni Robin na si Mariel Rodriguez ang nagrekomenda sa kanya para sa role matapos hindi matuloy si Iza Calzado sa proyekto.

Ang Bonifacio: Ang Unang Pangulo ay entry sa 2014 Metro Manila Film Festival.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vina matapos ang PEPTalk interview nito, kasama si Robin, na ginanap kaninang hapon, November 19, sa Taste of L.A., Tomas Morato, Quezon City.

FIRST HEARTBREAK. Ayon kay Vina, hindi sila nagkaroon ng samaan ng loob ni Robin noong nagkahiwalay sila.

Inamin din nito na ang kanyang ‘perslab’ na si Robin ang kanya ring ‘first heartbreak.’

Natatawang saad niya, “Oo naman. Sobra!

“Luha ko ’sangkatutak, alam naman ng lahat yun. And never ko namang itinago ‘yan.

“Pero hindi ko naman inaano sa kanya yun.

"Even though he hurt me before, nakalimutan ko na yun. That was the past na naman.

“Kaya nga yung friendship namin ngayon, okay, e.

"Kasi kung nagtanim naman ako ng sama ng loob before, siguro hindi naman kami magkakaroon ng pelikula niyan.”

Ano nga ba ang labis na ikinasama ng loob ni Vina sa dating nobyo? At bakit in-unfollow ni Robin si Vina sa Instagram?

Abangan sa #RobinVinaOnPEPTalk soon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Robin Padilla unfollowed Vina Morales on Instagram? Know full story on #RobinVinaOnPEPtalk

A photo posted by PEPalerts (@pepalerts) onNov 11, 2014 at 11:36pm PST


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN