James Yap approves of Ai-Ai delas Alas’s 20-year-old boyfriend

James Yap on how he keeps romance alive in his relationship with Michela Cazzola: “Kailangan may oras kayo para sa isa’t isa. Pinakaimportante ang bonding,” says the PBA player in an interview with PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).


Suportado ni James Yap ang pakikipagrelasyon ng kanyang BFF (best friend forever) na si Ai-Ai delas Alas kay Gerald Sibayan.

Ayon sa basketbolista, hindi hadlang ang age gap ng dalawa upang maging masaya ang kanilang pagsasama.

Si Ai-Ai ay 50 years old, habang si Gerald ay 20.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si James sa baptismal party ni Baby Aria, anak nina Elvis Gutierrez at Alexa Uichico, noong November 16.

Dito ay tinanong ng PEP si James kung ano ang impresyon niya kay Gerald.

“Okay naman. Mabait naman,” tugon niya.

Nagkaroon ng pagkakataon si James na makasama ang boyfriend ni Ai-Ai sa ginanap na 50thbirthday party ng Comedy Queen, noong nakaraang linggo.

Kasama pa ni James na dumalo ang kanyang Italian girlfriend na si Michela Cazzola.

Happy Birthday @aiaidelasalas, have a blast! Salamat sa pag invite. God Bless!!

A photo posted by @jamesyap18 onNov 11, 2014 at 8:27am PST

Kung mayroon mang birthday wish ang basketbolista para kay Ai-Ai, iyon ay ang patuloy na maging maganda ang takbo ng lovelife nito.

Sabi pa niya patungkol sa Comedy Queen, “Stay happy!”

Sa parte ni James, ibinahagi niyang smooth-sailing pa rin ang relasyon nila ni Michela.

Sa katunayan, kahit na abala ang basketbolista sa isinasagawang Philippine Basketball Association (PBA) conference ay hindi siya nawawalan ng oras pagdating sa kanyang lovelife.

Nitong nakaraang linggo lang ay may ilang dinaluhang social events sina James at Michela.

Sabi ni James, “Of course, ’yan naman ang pinakaimportante. Kailangan maghanap ka ng time para sa partner mo.

“More on dinner [ang typical date namin].

“Kung merong mga nire-recommend ang friends na bagong restaurant, tina-try namin.

“Pero mostly sa bahay lang talaga.”

Ano ang advice niya sa ibang couples para mapanatiling masaya ang isang relasyon?

Sagot ni James, “Kailangan may oras kayo para sa isa’t isa. Pinakaimportante ang bonding.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN