Julie Anne San Jose debunks gender rumors: “Never po pumasok sa isip ko na mag-iba ng gender.”

Julie Anne San Jose is tired of the constant intrigue about her gender preference: “Honestly, it’s kind of annoying din kasi kahit na sabihin po na no offense meant, pero parang mayroon pa rin.”


Natatawa si Julie Anne San Jose nang matanong tungkol sa rap artist na si Abra, na kasalukuyang nali-link sa kanya ngayon.

Ayon sa Kapuso singer, wala silang anumang espesyal na relasyon bukod sa pagiging magkatrabaho.

Magkakaroon ng collaboration sina Julie Anne at Abra, at magiging bahagi sila ng Metro Manila Film Festival ngayong taon.

“Abra and I are really good friends. Bihira lang po kami magkita and kung magkita man kami, during work lang,” sabi ng 20-year-old singer nang makausap siya ng entertainment reporters sa press conference para sa Hologram concert niya, kahapon, November 18.

Gayunman, hindi itinanggi ni Julie Anne na hanga siya sa galing ni Abra bilang isang rapper.

“I like his stage presence.

“I like his mind kasi parang ang dali niyang mag-isip.

“Parang lahat ng kinakanta niya, isinusulat niya at nira-rap niya nang freestyle.”

Nang tanungin kung may pag-asang ma-develop siya kay Abra, agad na nilinaw ni Julie Anne, “So far, hindi ko po iniisip ang ganyang bagay, kasi naka-focus po ako sa ginagawa ko, sa concert, and I really have a lot of priorities.

“In fact, I have a full load sa school. I take my time to juggle work and school at the same time.

“’Tapos, busy din po ako sa commitments, araw-araw akong lumalabas ng bahay.

"I’ve been preparing a lot for the concert."

Isa rin si Abra sa mga magiging special guest ni Julie Anne sa kanyang Hologram concert, sa SM Mall of Asia Arena, sa December 13. Kabilang din dito sina Sam Concepcion at Christian Bautista.



LOVELIFE IS NOT A PRIORITY. Hindi raw nagmamadali si Julie Anne na magkaroon ng lovelife.

Bagamat pinapayagan na ng kanyang mga magulang, sabi ng Sunday All Stars performer, "I still don’t know [kung kailan].

"Actually, sinasabi nila, in God’s time.

“Pero kasi, there’s no such thing as in time, e, kasi choice mo naman ’yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ikaw ang gagawa ng sarili mong fate, ’di ba?

"Parang if it happens, it will happen."

Diin pa niya, “I guess, decision ko rin na huwag muna.”

Dahil sa kanyang pagiging NBSB o No Boyfriend Since Birth, may ilang nang-iintriga sa gender preference ni Julie Anne.

Pero mariin niyang sabi, “Never po pumasok sa isip ko na mag-iba ng gender.

“Ang pagiging single o pagiging NBSB ay hindi naman po sukatan ng gender, ’di ba?

“Ayaw ko lang po muna talaga. I’m saving my heart for someone na panghabambuhay.”

Dahil sa paulit-ulit na ang ganitong klase ng intriga kay Julie Anne, inamin niya, “Honestly, it’s kind of annoying din, kasi kahit na sabihin po na no offense meant, pero parang mayroon pa rin.

“Alam mo ’yon, parang you’re judging someone you don’t know personally.”



ELMO NOT INCLUDED. Samantala, nagtaka naman ang ilang entertainment reporters kung bakit hindi kasama sa special guests ni Julie Anne sa concert ang dati niyang onscreen partner na si Elmo Magalona.

Ayon kay Julie Anne, inimbitahan si Elmo na maging bahagi ng kanyang second major concert pero, “I was informed na he has a prior commitment.”

Sa ngayon, tila naka-move on na si Julie Anne sa pagtatapos ng team-up nila ni Elmo.

Aniya, “Well, for me, ang sinasabi ko is I don’t wanna be stopped sa isang loveteam lang po. I want to grow as a solo artist.

“At saka, parang doon din ako naggu-grow, not as a celebrity, but also as an individual.”

Sa kabila nito, aminado si Julie Anne na nakaramdam siya ng panghihinayang sa paghihiwalay nila ni Elmo.

“At some point, oo [nanghinayang ako], kasi marami pong sumusuporta sa loveteam namin at saka may fan base po talaga, e,” sabi niya.

Gayunman, natutuwa si Julie Anne na sa kabila ng paghihiwalay nila ng kapwa Kapuso artist bilang magkapareha, nandiyan pa rin ang mga sumusuporta sa JulieElmo loveteam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung JulieElmo fans, nandiyan lang talaga sila. Kumbaga, nandiyan sila as a tandem and individually.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN