Kapuso actor Ken Chan reveals he mistook Kapamilya star Liza Soberano for a Hollywood actress

Ken Chan’s wish for his self-titled album: "Hindi naman po ako nag-i-expect ng ano pa man, pero sana nga po ay mag-Gold na ang album ko. Yun, kahit anong pagdarasal at pagpu-promote ay ginagawa ko."


Matapos ma-link noon kay Bea Binene, wala nang iba pang naugnay sa singer-actor na si Ken Chan.

Pero nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Kapuso young actor sa kanilang tahanan sa Tandang Sora, Quezon City, kahapon, November 19, inamin niyang dalawa ang crush niya sa showbiz ngayon.

Una, ang Kapuso actress na si Rhian Ramos, at ang pangalawa ay ang sumisikat ngayong Kapamilya teen actress na si Liza Soberano.

Nahihiya pero nakangiting rebelasyon ni Ken, “Sobrang nagagandahan talaga ako kay Rhian.

“At saka, sobrang bait niyang katrabaho.

“Nakatrabaho ko na siya sa isang movie, yung My Kontrabida Girl [2012], sobrang bait talaga niya.

"And, akala talaga ng mga tao ay maarte siya, yung sosyalera… hindi, e.

"Sobrang marunong siyang magkamay [’pag kumakain], alam mo yun?

"Nakakahalubilo siya kahit kanino, lalo na sa mga staff.

"Sobrang hinangaan ko talaga siya."

Iba nga raw ang dating sa kanya ng Kapuso actress.

Nakangiting saad ni Ken, "Last time, nag-guest ako sa Idol Ko Sa Kusina, nagkita kami, nag-’hi-hello’ kami.

"Natutuwa naman ako na nakita ko ulit siya."

RHIAN IS SINGLE. Nabanggit namin sa kanyang hiwalay na si Rhian at ang huling boyfriend nitong KC Montero noong isang taon pa.

Reaksiyon ng 20-year-old Walang Tulugan mainstay, "Ay, ganun? ’Di ko alam, so may chance na pala ako?

"Hindi, biro lang, sobrang crush ko lang po talaga siya.

"Ang tawag ko pa nga sa kanya minsan ay ’Ate Rhian.’

"Natatawa lang siya, e, makulit din siya."

Puwede naman daw niya itong mahalin.

Aniya, "Bakit ba hindi?

"Aware naman ako sa mga pinagdaanan niya, at kung mahal mo naman ang isang babae, hindi mo na papansinin ’yan, e.

"Alam mo naman yung kantang ‘Maging Sino Ka Man’, ganun po yun."

LIZA SOBERANO. Kasunod nito ay nagkuwento naman siya kung paano niya nagustuhan din ang 16-year-old na si Liza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag ng Kapuso talent, "Minsan kasi, napadaan ako sa Edsa, nakita ko yung billboard niya.

"Sabi ko, ‘Sino kaya itong Hollywood actress na ’to?’ Akala ko talaga ay Hollywood actress siya.

"’Tapos, nakita ko siya sa isang commercial, local brand ng isang shampoo.

“Sabi ko, ’Oy, ’di pala siya Hollywood actress, tagarito pala siya!’

"Gandang-ganda talaga ako sa kanya, ’Wow, ang ganda talaga niya!’

"Sobrang hinahangaan ko na siya."

Pero hanggang paghanga lang daw naman ang nararamdaman niya para sa dalawang naggagandahang aktres na ito, dahil trabaho ang focus ni Ken ngayon.

Lalo na’t ngayon pa lang talaga siya nabibigyan ng maraming pagkakataon upang ipakita ang kanyang kakayahan bilang isang aktor at singer.

Pagsang-ayon niya, "Tama po yun.

"Lalo na’t busy pa rin ako sa pagpu-promote ko ng album kong Ken Chan.

"Dahil po rito, kung saan-saan na ako napupuntang bansa.

"Like, pupunta po ulit ako sa Australia by February [2015] para sa isang show, at may Singapore pa po kami.

"At sana, matuloy yung New York namin at Japan.

"’Tapos, sunud-sunod din ang TV guestings ko, at ipapalabas na yung tineyp namin ni Ms. Jackie Rice this December."



OKAY WITH JAKE. Sa puntong ito ay tiniyak ni Ken na tapos na ang naging hidwaan nila noon ni Jake Vargas dahil kay Bea Binene.

Giit ni Ken, "Okey naman po kami ni Jake na.

"’Pag nagkikita naman kami ngayon, para na rin kaming magkapatid ulit.

"Noon kasi, parang mga batang-isip lang kami.

"Wala na yun, sobrang okey na kami."

Dahil malapit na ang Christmas, ano naman ang wish niya para sa kanyang sarili?

Saad ni Ken, "Yun po, sabi po kasi ng PolyEast [Records], may sorpresa raw sila sa akin.

"Ayaw pa nilang sabihin pero sa parents ko ’ata sinabi na nila.

"Hindi naman po ako nag-i-expect ng ano pa man, pero sana nga po ay mag-Gold na ang album ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yun, kahit anong pagdarasal at pagpu-promote ay ginagawa ko.

"At, siyempre, para sa family ko rin na sana, patuloy pa rin ang good health ng parents at mga kapatid ko po."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN