Wenn Deramas lambasts bloggers criticizing his movies: "Kapag sinabi nilang pangit, at least yung sa akin, trabaho ko lang. E, sila?"

Wenn Deramas to critics of his movies: "Madali lang magsalita, pangit ‘to... Ang tanong, kaya mo ba na gumawa nang maganda? Hindi na ako naaapaketuhan ng ganyan. Trabaho siguro nila ‘yon, manglait. Sino’ng mas moron kung pinatulan mo, ‘di ba? Moron nga, e. Mas moron ka."


Parehong may entry sa 2014 Metro Manila Film Festival (MMFF) ang box-office directors na sina Wenn Deramas at Joyce Bernal.

Si Wenn ang direktor ng Praybeyt Benjamin 2 na pagbibidahan ni Vice Ganda, at si Joyce naman ang direktor ng My Big Bossing nina Vic Sotto at Ryzza Mae Dizon.

Sa isang panayam ay sinabi ni Direk Joyce na ang pelikula niya ang magna-number one sa takilya.

Ipinagkikitbit-balikat lang naman ito ni Direk Wenn.

Sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Kami ni Joyce, dyusko, nagmamahalan kami niyan, ‘no!

"Wala akong ano sa mga kapwa ko direktor dahil alam kong ano, e...

"Ang hirap kaya maging direktor. Hindi kaya madali ‘yan.

“So, for every work na gagawin nila at gagawin namin, malaki ang respeto ko dahil, una, mahirap magkuwento.

"Magkuwento ka lamang ng dalawang oras ay mahriap na, ita-translate mo pa ‘to sa big screen.

"Magpapaarte ka ng mga artista. Sasabihin mo ang bawat karakter nila para ultimo sa kahuli-hulihan, ikaw ang nagpapatakbo noon.

“At the same time, ikaw yung nag-e-edit, nagmu-music, naglalahad.

"So, para makagawa ka ng isang pelikula, dugo, pawis, utak ang pinipiga."

CRITICS. Pagkatapos nito ay muling naglabas ng kanyang saloobin ang direktor tungkol sa mga kritiko ng mga pelikula niya.

Pahayag ni Direk Wenn, "Diyan sa mga baguhang ‘yan na akala mo nakahawak lang ng computer, laptop, naging blogger, akala mo ay alam na nilang lahat.

“Ang sa akin, gumawa muna kayo ng pelikula bago kayo magtawag na ’basura’ ang isang trabaho namin.

"Gumawa muna kahit isang script. Tingnan natin kung makapasa.

"Kasi madali lang magsalita, ’Pangit ‘to, ganito, ganyan.’

"Ang tanong, kaya mo ba na gumawa ng maganda?

“At kapag nakagawa ka, papanoorin ba ng tao? Meron ka bang lakas o power ka para papasukin sila sa sinehan.

“So, kung ang sagot mo lahat ay wala, manahimik ka!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy niya, “Sa akin naman, hindi na ako naaapaketuhan ng ganyan.

"Kapag sinabi nilang pangit, at least yung sa akin, trabaho ko lang. E, sila?

“Sa akin, trabaho siguro nila ‘yon, manglait. Maghanap ng logic sa isang walang logic na pini-present mo nang walang logic.

"Kaya nga moron, ‘di ba? Sinong mas moron kung pinatulan mo, ‘di ba? Moron nga, e. Mas moron ka!

“Well, to each his own. Basta sa akin ay alam ko na isa akong mabuting mamamayan ng Pilipinas na nagbabayad ng buwis.

"Tumutulong sa lahat ng mga… I just hope, alam din nila ‘yon at ginagawa rin nila ‘yon bilang mamamayan ng Pilipinas.

"Hindi lang yung makapagsabi ng basura. Na hindi dapat mag-expect ng kahit ano kapag work ni Wenn Deramas."



PERSONAL PHILOSOPHY. On a personal note, kahit pagod, kita pa rin sa mga mata ni Direk Wenn ang happiness.

Sabi niya, “Wala naman akong dahilan para maging malungkot, ‘di ba?

"Kasi ganoon lang naman ang buhay. Itulog mo, bukas gigising ka... gumising ka para maging maayos ang lahat.

"Pero ang totoo, hindi kasi ako... anong tawag doon? Mabilis akong makuntento.

“Not really being shallow, but mas appreciative and positive ako.

"Kapag na-worry ka dahil may nangyaring hindi maganda, may maitutulong ba? Wala naman, e.

"So, maghintay ka… kung problema ‘yan at kaya pa ng powers mo, solusyunan mo. Pero kung hindi, hayaan mo.

"Matulog ka, baka bukas may ibang mangyari.

"Ganoon lang ako lagi sa buhay ko.

"Basta maayos ang pamilya ko, okey naman ako.

"Sa personal kong ano, sa sarili ko, okey naman. Wala naman, e.”

Si "Braveman" ba ang dahilan? "Braveman" ang pet name ni Direk Wenn sa bago niyang karelasyon ngayon.

“Okey, andiyan, ‘di ba? Date kami. Pagdating ko noong araw, kinagabihan, date kami.”

Ano ang pasalubong niya kay Braveman mula sa bakasyon niya sa Amerika?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Basta,” pa-sweet na sagot niya. “’Tapos siya may gift din sa akin.

"Ano’ng magagawa ko, gusto niya akong bigyan? Ha-ha-ha!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN