Kim Rodriguez on status of relationship with Kiko Estrada: “Parang sobrang close lang namin, na sobrang kumportable lang.”

Isang asong Shih Tzu ang iniregalo ni Kiko Estrada sa nali-link sa kanyang si Kim Rodriguez. Kuwento ng young actress, “Kasi may Shih Tzu ako dati, ikinukuwento ko sa kanya nawala, nalungkot ako, sabi ko. Pero matagal na po yun. ’Tapos dati binigyan niya ako ng Siberian na ano lang, stuffed toy, yung malaki, pinakamalaki. ’Tapos iyon, ito daw muna pansamantala kasi biglang nawala yung aso ko. ’Tapos sobrang tagal na nun, ngayon po naalala niya, &a


Muling iginiit ni Kim Rodriguez na wala pa silang relasyon ng nali-link sa kanyang si Kiko Estrada higit pa sa pagiging magkaibigan.

“Hindi po talaga,” sabi ng Kapuso young actress sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa set ng Strawberry Lane kahapon, Miyerkules, November 19, sa Multinational Village, Parañaque City.

Ano ang status nila ni Kiko ngayon?

Ayon kay Kim, “Hindi ko masasabi na kami na, na hindi. Na oo o hindi. Mahirap po, e.”

May MU o mutual understanding na ba sila?

“Hindi po, e.”

So, mag-ano sila ni Kiko?

“Siguro ano, bilang sa Strawberry Lane lagi kaming nagkikita na, e, dati hindi naman, siguro parang mas nagiging close kami ngayon nang dahil sa Strawberry Lane.”

Kaya parang mag-MU na sila?

“Ang hirap po!” tawa ulit ni Kim. “Parang sobrang close lang namin, na sobrang kumportable lang.”

Kaya nga, konting-konti na lang at mag-MU na sila?

“Parang ganun.”

Ano ang ugali ni Kiko na pinakagusto ni Kim?

“Ay, mabait siya! Gentleman, sobra.”

Si Kiko ay anak ng actor-politician na si Gary Estrada, na noong binata ay lapitin ng mga babae. May imahe pa nga noon si Gary bilang playboy.

Wala bang kaba si Kim na baka ganoon din si Kiko?

Sagot ng dalaga, “Ano po, hindi.

“Kasi nagkukuwento siya sa akin, about sa family niya, sobrang open niya sa akin.

“Nagulat nga ako nagkukuwento siya tungkol sa Papa niya, sa Mama niya, sa mga kapatid niya.

“Tapos ako, ‘O, bakit mo sinasabi sa akin ’yan?’

“’Tapos parang, ‘Ay, kasi nagtitiwala siya sa akin!’

“Parang ganun.”



OPENING UP. Noong presscon ng Strawberry Lane ay tinanong si Kiko kung bakit siya nagdesisyon na bumalik sa GMA mula sa ABS-CBN, ang sagot ng binata ay “I feel safer here.”

Tinanong ng PEP si Kim kung nagkuwento sa kanya si Kiko tungkol dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Oo raw, ayon sa dalaga.

“Ako, hindi ko tinanong, pero nag-open siya sa akin.”

Pero hindi nagdetalye sa amin si Kim kung ano ang ikinuwento sa kanya ni Kiko.

Guwapo si Kiko at maraming nagkakagusto, nagseselos ba si Kim sa ganoon?

Tugon niya, “Siguro kahit sino namang tao selosa, pero selosa na nasa lugar.

“Pero sa akin naman, wala naman akong karapatan na magselos.

“Siguro kung magseselos ako, parang, akin na lang yun.”

Si Kiko ba ay seloso?

“Pakiramdam ko po, feeling ko.”

May agreement na ba sila ni Kiko na hindi puwedeng magpaligaw si Kim sa iba, at si Kiko naman ay hindi na manliligaw sa iba?

“Hindi ganun, pero merong parang, ‘Ano ha, hindi ka puwede, bawal ka sa iba.’

“Parang ganun!” tawa ni Kim.

Ano naman ang isinasagot niya kay Kiko?

“E, siyempre, natutuwa rin ako, ibabalik ko sa kanya yung tanong ko rin na, ‘Kung ako, hindi mo papayagan sa iba, bakit ikaw?’

“Parang ganun!” tawa niya.

Never pa raw silang nag-date o lumabas na silang dalawa lang, palagi raw silang may kasama.

“Pero minsan kapag on the way siya sa taping, isinasabay niya ako sa kanya.”

Susunduin daw siya ni Kiko sa bahay niya.



DOG FROM KIKO. Ikinuwento naman ni Kim na niregaluhan siya ni Kiko kamakailan lamang.

“Binigyan niya ako ng Shih Tzu,” banggit ng Kapuso young actress.

Chewy ang pangalan ng naturang three month-old male Shih Tzu.

Paliwanag ni Kim, “Kasi Chewbacca yung pangalan niya, yung sa Star Wars.

"Kasi Shih Tzu siya na mahogany ang kulay, kamukha daw ni Chewbacca.

"Pero Chewy yung pinalayaw namin sa kanya."

Walang okasyon pero niregaluhan siya ni Kiko.

Paliwanag ni Kim, “Yung una, tinatanong niya kung ano raw ang gusto ko.

“Kasi may Shih Tzu ako dati, ikinukuwento ko sa kanya nawala, nalungkot ako, sabi ko. Pero matagal na po yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Tapos dati binigyan niya ako ng Siberian na ano lang, stuffed toy, yung malaki, pinakamalaki.

“’Tapos iyon, ito daw muna pansamantala kasi biglang nawala yung aso ko.

“’Tapos sobrang tagal na nun, ngayon po naalala niya, ‘Di ba, sabi ko sa ‘yo, pansamantala muna yung stuffed toy na ibinigay ko?’

“’Tapos ibinigay niya yung Shih Tzu!”

Dala-dala nga ni Kim ang naturang Shih Tzu sa taping ng Strawberry Lane.

“Kapag may trabaho ako, kasi ako lang mag-isa sa bahay, ’pag may trabaho po ako, walang magbabantay, so dinadala ko.”

Minsan din daw ay si Kiko muna ang nag-aalaga kay Chewy kapag hindi ito maisasama ni Kim sa taping.

Pero kapag may trabaho rin si Kiko ay inihahabilin muna ito ng binata sa bahay sa Alabang ng kanyang ina na si Cheska Diaz.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN