Rita de Guzman denies gap with Julie Anne San Jose

Rita de Guzman on Julie Anne San Jose’s major concert: “Siyempre, I’m happy for her. Sa lahat ng singer, isa ‘yan sa pinaka-biggest dreams. At saka hindi lahat, alam mo yun, na naa-achieve yung ganyan. Kaya bongga for her.”


Ayon kay Rita de Guzman, walang intriga sa pagitan nila ng kapwa niya Kapuso talent na si Julie Anne San Jose.

Magkalaban kasi ang dalawa noong mga bata pa sila sa Pop Star Kids, kung saan si Rita ang nanalo at runner-up lang niya si Julie Anne.

Nagkasama rin ang dalawa sa dating grupo ng young singers na Sugarpop, na dating nagpe-perform sa defunct musical-variety show na SOP.

Ngayon ay mas nauna pang nagkaroon ng major concert si Julie Anne, ang Hologram: The Concert na gaganapin sa SM Mall of Asia Arena sa December 13, kaysa kay Rita.

“Grabe kayo, wala!” ang bulalas ni Rita nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung may gap sila ni Julie Anne.

Diin pa niya, “Wala, walang gap, siyempre.”

Bakit tila ayaw niyang manood ni Rita ng concert ni Julie Anne, gayong sa presscon ng huli para sa Hologram ay sinabi nitong alam niyang manonood ang mga dati niyang kasamahan sa Pop Star Kids?

Paliwanag naman ni Rita, “Hindi sa ayaw ko. Hindi, kasi ayoko lang din magsalita din ng tapos kasi nag-i-school ako.”

Christmas break na ang December 13, hindi ba?

“Uy, hindi, ha? Sorry, pa-finals na yun.

“At saka kasi MWF, ito taping, ‘tapos TTh ako sa school.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rita sa taping ng Strawberry Lane, sa Multinational Village, Parañaque City, noong November 19.

Ano ang nararamdaman ni Rita na may concert na si Julie Anne?

“Siyempre, I’m happy for her.

“Sa lahat ng singer, isa ‘yan sa pinaka-biggest dreams.

“At saka hindi lahat, alam mo yun, na naa-achieve yung ganyan.

“Kaya bongga for her.”



OPENING ACT. Last year ay si Rita ang opening act sa Foursome concert nina Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Pops Fernandez, at Martin Nievera.

Next year kaya ay siya ulit ang opening number sa Ultimate concert kung saan sina Regine, Martin, Gary Valenciano, at Lani Misalucha naman ang main performers?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko po alam, wala pa pong sinasabi si manager,” sabi niya.

Ang manager ni Rita ay ang concert producer na si Anna Puno ng Starmedia, na siyang producer ng Foursome at Ultimate.

Dapat ay ipag-produce na rin si Rita ng manager niya ng solo concert.

Sabi ng Kapuso artist tungkol dito, “Ako, naiintindihan ko din yung ano ni Miss Anna na ako, kung tatanungin ako, parang hindi pa ako.

“Kasi gusto ko kapag nangyari iyon, alam mo yung well-groomed na ako.

“Yung talagang kaya ko na talaga. ‘Di ba?

“Mas maganda yung prepared ka kesa sa yung ipu-push o ipipilit mo lang na basta magkaroon ka lang ng concert. Mas gusto ko po yung ganun.

“Kaya naiintindihan ko po si Miss Anna na ’pag ipo-produce niya ako, yung talagang ready na ako.”

Kasalukuyang nagre-recording si Rita para sa kanyang album.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN