Carmina Villarroel comments about Xian Lim replacing John Lloyd Cruz in Bridges

Carmina Villarroel says what she admires most about Xian Lim is his seriousness when it comes to his work. “He’s very hardworking as an actor. Kasi ’pag nakikita mo naman na nag-e-effort ang isang tao, maa-appeciate mo talaga, kasi alam mong he’s very dedicated. Makikita mo na he’s very passionate.”


Ayaw sabihin ni Carmina Villarroel na nadismaya siya na hindi na niya makakatrabaho si John Lloyd Cruz sa upcoming ABS-CBN teleserye na Bridges, matapos tanggihan umano ng aktor ang role at napunta kay Xian Lim.

“Na-sad lang ako ng konti,” paglalarawan ng aktres, na nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press sa launching ni Carmina bilang newest ambassador ng Knorr nitong Huwebes, November 20.

Ayaw munang magdetalye masyado ni Carmina sa kanyang gagampanang role sa teleserye, pero sinabi niyang hindi siya masyadong mabait, pero hindi rin masyadong masama sa soap opera.

“Ako kasi, nag-tape na ako, pero I think they’re still fixing the script for the second week,” sundot ni Carmina.

Sa pagkakaalam daw niya ay magsisimulang ipalabas ang kanilang teleserye early 2015.

CHALLENGE FOR XIAN. Inusisa rin ng PEP kay Carmina kung kumusta katrabaho si Xian at kumusta ang pagganap nito sa nasabing role na unang inalok kay John Lloyd.

Sabi ng actress-TV host, “It’s something new for Xian kasi napapanood natin kay Xian, rom-com, medyo light nang konti.

"Ito talaga, as an actor, mapapatunayan niya ang sarili niya."

Inusisa rin si Carmina kung kamusta ang pagganap ni Xian sa papel na unang in-offer kay Lloydie.

“Masyado pa kasi maaga, kasi isang taping pa lang ako with him. Naka-taping ko na siya.

"I don’t wanna say anything first because it’s too early pa to say something."

Pero dugtong ng aktres, nakikita niya ang pagpupursige ng binata para magampanan nang mabuti ang karakter.

“Nakikita ko kay Xian he’s trying his best.

“He’s very hardworking as an actor.

"Kasi ’pag nakikita mo naman na nag-e-effort ang isang tao, maa-appeciate mo talaga, kasi alam mong he’s very dedicated.

“Makikita mo na he’s very passionate.”

Kinailangan ba niyang gabayan si Xian sa kanilang mga eksena?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Carmina, “Yung mga scenes namin, hindi naman.

"No need for me to guide him because na-sense ko naman, na-feel ko naman na hindi niya kailangan ng guidance.

“If he asks me, then fine, but ayoko namang magbigay ng unsolicited advice.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN