Christian Bautista has no regrets transferring to GMA Network

Christian Bautista clarifies that he has no regrets transferring networks: "Hindi puwede magkaroon ng regrets kasi talagang ’pag nagkaroon ka ng isang desisyon, kailangan ituluy-tuloy mo yun kahit na anong mangyari."


Mahigit isang taon na ang lumipas nang lumipat si Christian Bautista sa GMA Network mula sa ABS-CBN.

Nakakausap naman daw ni Christian ang mga dating kasamahan niya sa Kapamilya network, ngunit inamin niyang nami-miss din niya ang mga ito.

Kuwento niya, “Last week, pumunta ako sa Myx Mo [concert].

“Katulad ko, sina Erik [Santos], sina Angeline [Quinto]... si Yeng [Constantino] magpapakasal na.

"So, ang dami, ang dami-daming nangyayari.

“Ayun nga, so nami-miss ko rin sila.”

Tatlong programa ang pinagkakaabalahan ngayon ni Christian sa Kapuso network: Sunday All Stars, Marian, at Strawberry Lane.

Kaya naman laking pasasalamat ni Christian sa Kapuso network dahil ngayon lang daw siya nagkaroon ng tatlong shows na sabay-sabay.

Pahayag ni Christian, “I’m very, very grateful, especially this season.

“So, grabe, I never had three shows ever na straight.

"So, nakakapagod, pero you feel the value, so talagang ang sarap na binibigyan ako ng opportunity."

NO REGRETS. Hindi rin daw pinagsisisihan ni Christian ang ginawa niyang paglipat sa Kapuso network.

Paliwanag niya, “Hindi puwede magkaroon ng regrets kasi talagang ’pag nagkaroon ka ng isang desisyon, kailangan ituluy-tuloy mo yun kahit na anong mangyari."

Hindi naman daw niya balak kalimutan ang Kapamilya network at ang iba pang tumulong sa kanya upang marating ang kanyang kinatatayuan ngayon.

Sabi ni Christian, “Hindi mo sila puwedeng kalimutan kasi hanggang ngayon, magkaibigan kami ng mga staff sa ASAP.

“Hanggang ngayon, kaibigan kami nung ibang friends ko sa [ABS-CBN].

“Hindi mo puwedeng putulin yun.”

Nagbigay rin ng pahayag si Christian tungkol sa paglipat ng mga artista ng networks, partikular na ang pagbabalik ni Jolina Magdangal sa ABS-CBN.

Magkasama noon sina Christian at Jolina sa Sunday All Stars.

Sabi niya, “Of course, we miss Jolina for moving...

“Pero kung there are opportunities for her there, e, di go.

“Kasi parang yun din naman yung reason ko why I’m in GMA, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero never cut ties, never cut ties.”

Sa ngayon, naiisip niya bang bumalik muli sa ABS-CBN?

Sagot ni Christian, “We’ll see na lang, we’ll see na lang in two years.

“Pero hopefully, whatever is best for the network and myself, dun tayo.”

Sa 2016 magtatapos ang kontrata ni Christian sa GMA.



CHRISTMAS PLANS. Ano naman kaya ang mga plano niya sa darating na Pasko?

Sagot ni Christian, “Go to Cavite ulit. Nami-miss ko na sila, e, yung pamilya ko, so sana magkita-kita kami.”

Biro pa niya, kabilang daw siya sa SMP o Samahan ng mga Malalamig ang Pasko dahil wala siyang girlfriend ngayon.

“Sabi nga nila, kaliga ko raw mga malalamig ang Pasko ulit.

"Pero okay lang naman kasi madami namang pera," biro ni Christian.

Dagdag pa niya, “Madaming trabaho, madaming trabaho, at yung pamilya ko na hindi ako kinakalimutan, andiyan naman sila."

Mayroon ba siyang nakaka-date ngayon?

“Oo naman, nothing serious pa,” sagot ni Christian.

May natipuhan kaya siya sa GMA Network?

“Ay, marami, marami, pero ’pag sure na, malalaman niyo na.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN