Kristoffer Martin douses talks about reconciling with Joyce Ching

Kristoffer Martin says he and Joyce Ching have always been playful with each other even after they’ve broken up: "During Tween Hearts, ganun na kami. Hangang sa naging kami at naghiwalay, may mga time na nagkukulitan pa rin kami... Baka nami-misinterpret lang nila."


Sa muling pagtatambal ng dating magkarelasyong sina Kristoffer Martin at Joyce Ching sa bagong teleserye ng GMA, ang Tunay Na Ina, may mga nagsasabing baka magkabalikang muli ang dalawa lalo na’t pareho pa ring single ang mga ito at wala pang karelasyon.

Pero ayon sa young actor, "Naku, ’wag muna nating isipin yung tungkol sa posibleng pagkakabalikan.

"Mas gusto muna naming mag-concentrate sa trabaho .

"Mahirap kasing samahan ng ganun yung trabaho lalo na’t ngayon lang kami ulit magkakatrabaho sa isang teleserye.

"Hayaan na lang natin na tumakbo yung soap, bahala na kung anong mangyari.

"Pero ang mahalaga, balik-tambalan na naman kami at matutuwa ang mga fans namin, ang KrisJoy.

"Matagal na rin silang nagre-request kung puwede ulit kaming magtambal ni Joyce, at ito na nga yun."

NO AWKWARD MOMENTS. Ayon pa kay Kristoffer, at ease sila ni Joyce sa isa’t isa.

"Wala naman, kasi napanatili naman namin yung friendship after breakup, kaya nagagawa pa rin naming magsama sa mga guestings.

"Siguro kung hindi maganda yung breakup namin, baka magkaroon ng ilangan or baka ayaw na niya akong makatrabaho.

"Pero katulad ng nasabi ko, okey naman kaming naghiwalay.

"Nag-usap kami at pareho naman naming desisyon yun."

GIGGLY MOMENTS. May mga nakakapansin naman sa pagiging playful nila ni Joyce sa workshops.

Komento ni Kristoffer, "Ganun ba? Normal lang naman kasi sa amin ni Joyce na naghaharutan.

"Pero nandun din si Krystal [Reyes], kasama naming nagbibiruan,

"During Tween Hearts, ganun na kami.

"Hanggang sa naging kami at naghiwalay, may mga time na nagkukulitan pa rin kami.

"Yung sinasabi nilang may mga sweet moments kami, sweet naman kasi ako sa lahat ng mga babaeng close ko.

"Baka nami-misinterpret lang nila."

Plano ba niyang suyuin at ligawan ulit si Joyce?

Diin ni Kristoffer, "Mas magandang magtabaho muna kami.

"Mahirap kasi na samahan ng ganyan, mas magandang maging magkaibigan na lang muna kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Para walang hassle sa trabaho… ’tsaka mahirap din na baka isipin ng tao na nagkabalikan kami kasi para sa promo ng show.

"Hayaan na lang natin na panahon ang magtakda kung magkakabalikan ba o mananatiling magkaibigan.

"Kasi kung yun ang gusto ng Diyos, dun din naman babagsak yun.

"Pero sa ngayon, trabaho muna talaga."

PRIORITIES. Bukod sa trabaho, gusto rin daw ni Kristoffer na bigyan ng panaho ang kanyang pag-aaral.

Saad niya, "Gusto ko kasi talagang matapos ng pag-aaral habang pinagsasabay ang pag-aartista.

"Alam ko kasing hindi lifetime ang pag-aartista, para may fallback ako kapag naging matumal ang dating ng project sa akin.

"Kasabihan nga na hindi lifetime artista ka.

"Mas magandang nakatapos ka ng pag-aaral at puwede kang maghanap ng trabaho na ayon sa kursong kinuha mo.

"Studies muna at career, ’tsaka na muna ang lovelife.

"Ang lovelife, kusa namang dumarating ’yan.

"Ang career, hangga’t maganda ang trabaho mo, may project ka.

"Kapag nagwalang-bahala ka, wala kang project.

"Kaya hinay-hinay lang muna ako pagdating sa lovelife, trabaho at studies muna."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN