Meryll Soriano agrees to manage dad Willie Revillame’s property business

Meryll Soriano defends spending habits of father Willie Revillame: "Kung anuman ang gusto niyang gawin sa pera niya, wala naman tayong say doon. Pinaghirapan niya ‘yon."


Kinumpirma ng aktres na si Meryll Soriano na pumayag na siyang sundin ang kahilingan ng kanyang ama na si Willie Revillame na maging tagapamahala ng negosyo ng TV host.

Noon kasi, panay ang tanggi ni Meryll na i-manage ang Wil Tower Mall na nasa tapat ng ABS-CBN at Wil’s Events Place sa Sgt. Esguerra St., Quezon City.

Sabi ng aktres, “Nag-usap na kami bago ako umalis at saka pagdating ko from London. Kaya masayang-masaya ako.

“Pumayag na ako kasi ready naman na ako.

"It’s about time na I helped my father and, kumbaga, nagawa ko na rin naman yung gusto ko.

“Nakapag-aral ako and, I mean, hindi na rin kami bata na dalawa.

"It’s important for me to be with my father, to learn whatever he wants to teach me.

"Kailan pa, saan ko pa ba matututunan ‘yon?

“I mean, he’s gonna be the best teacher for me. And I’m ready to learn.”

Sa ngayon, mina-manage ni Meryll ang hotel sa Tagaytay na si Willie rin ang may-ari.

Siya ba ang gagawing chief executive for operation (CEO) ni Willie?

Natatawang sagot ni Meryll, “Hindi!

"Kung ano yung kailangan ko pang matutunan, hindi naman puwede ng CEO agad!

“Hindi ko pa alam kung ano’ng ibibigay niya na posisyon. Mag-uusap pa kami.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Meryll sa labas ng studio ng It’s Showtime pagkatapos niyang maging hurado sa "Magpasikat" segment ng ABS-CBN noontime show.

FIRST MOVE. Sino ang unang tumawag kanino?

“Ako, siyempre. Ako, ako ang tumawag sa kanya.

"After noong book launch, dinalhan ko siya ng libro," pagtukoy ni Meryll sa kanyang photography book.

Ano ang sabi ni Willie sa libro niya?

“Tuwang-tuwa, ’tapos sabi niya, ‘O, ikaw ba talaga ang gumawa niyan? Parang hindi naman!’

“Sabi ko, ‘Well, that’s the best compliment,’ ‘di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba pinakyaw ni Willie ang libro niya?

“Hindi, binigyan ko lang siya. Binilhan ko siya ng copy.

"Kasi dalawa lang yung free. Isa sa akin, isa sa mommy ko."

Napag-usapan din ba nila ng ang tungkol sa pag-aaral niya sa London? Bibigyan na ba siya ng suporta ni Willie sa pag-aaral niya, financially?

“Hindi pa, hindi pa namin napag-usapan ‘yon.”

Ngayong tinanggap na niya ang pagma-manage ng business ng kanyang ama, titigil ba muna siya sa kanyang pag-aaral sa London?

“Yes, sa ngayon,” sagot ni Meryll.



ABOUT HER BOOK. Nasa ikalawang taon na si Meryll sa kanyang kurso sa London if ever ipagpatuloy niya ito.

“Noong umalis ako doon, hindi ko pa tapos yung first year.

"Meron pa akong ilang unit na tini-take. Kaya magse-second year pa lang ako next year.

"Then, another two years pa ako bago matapos,” sabi niya.

Bumalik ng London si Meryll pagkatapos ng huli niyang teleserye sa ABS-CBN, ang Ikaw Lamang. Six weeks daw siya doon.

“May kailangan lang akong tapusin na hindi ko natapos noong first year ako.

"Natapos ko na. Tinapos ko siya ng five weeks. "

Habang nasa London ay nakagawa si Meryll ng kauna-unahan niyang photography book, ang Playground London.

“A, oo. Kapa-publish ko lang ng book ko.

"Ginawa ko noong nasa London ako, mga kuha ko yung mga picture na nandiyan.”

Paano niya naisip gawin ang Playground London?

“Habang nasa London ako, picture-picture. ’Tapos I collaborated with Five Ports Publishing, ’tapos yun na.

"Bale 750 pieces yung for sale.

“Hopefully, first siya sa city series ko.

"Kapag nabenta namin ang 750 copies, punta na ako sa ibang city. Sana, sana matuloy,” asam niya.

Matagal na ba niyang hilig ang photography?

“Oo, matagal na. Kaya lang, hindi ko nga... hindi ko lang sinasabi. Parang hobby lang.

"Finally, after kong mag-aral, sabi ko, kailangan ko nang gawin yung pangarap kong iba.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ini-launch na raw sa Mini Cooper showroom ang libro niya noong September 25.

“’Tapos nag-book launch din ako sa London, sa Philippine Embassy, October 20 ba yun or 22? Something like that.

“Pumunta ako doon and they were very welcoming, sinuportahan nila ako.

"Nag-host sila ng launch ko and ‘yon."

Wala raw sa immediate relatives niya ang nakarating sa kanyang book launch sa London.

“Wala, pero meron akong mga London kids.”

Maski raw ang anak niyang si Elijah ay hindi niya naisama.

“Hindi, hindi ko kaya, ang mahal, e [ng pamasahe].”



ISSUES ON ASSETS. Ano naman ang masasabi ni Meryll na hindi tumitigil ang isyu ng pagbebenta diumano ng properties ni Willie?

“Alam mo, nabenta na niya yung mall at saka yung Events Place, kasi naintindihan na niya ngayon na hindi na niya yun forte.

"Yun lang ‘yon, at walang ibang ibig sabihin.”

Nabalita rin na pati yate ni Willie ay wala na sa dati nitong pwesto sa isang kilalang yacht club. Totoo ba?

“Dalawa yun, pero hindi ko alam yung sa yate, ha, kung nabenta na.

"Ngayon ko lang narinig ‘yan. Hindi ko alam," sabi ni Meryll.

May mga nagsasabing dapat lang alamin ni Meryll ang mga pag-aari ng kanyang ama, since siya ang pinakamalapit at mapagkakatiwalaan nang husto ni Willie bago pa man mawala ang mga ito.

Ano ang reaksyon niya rito?

“Yun nga.... kaya nga. I mean, hindi naman sa ganoon.

"I think, ever since naman, alam ng tatay ko ‘to, alam ng buong pamilya ko na hindi naman ako after that.

“What I really want is always a relationship with him and that has always been my longing.

"Yun lang ang sole purpose ko.

"I just feel and believe that it’s time for me to make time for him and he’s ready to make time for me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, masayang-masaya ako."

Bukod sa mga pag-aari ni Willie, hindi rin mamatay-matay ang tsismis na pagkatalo ng TV host ng milyun-milyong piso sa casino.

Tinanong ba niya si Willie tungkol dito?

“Hindi," mabilis na sagot ni Meryll.

“Kakausap lang namin after a long time.

"Ang akin lang, ang lagi kong sinasabi sa lahat ng interview ko, kung anuman ang gusto niyang gawin sa pera niya, ‘di ba?

“Kung gusto niyang enjoy-in sa ganoong pamamaraan, wala naman tayong say doon.

"Ang importante, ‘di ba, nagtrabaho siya.

"Hindi niya ninakaw or anything and, you know, pinaghirapan niya ‘yon.

“Although, of course, concern din naman ako sa kanya, iniisip ko rin yun.

"But then again, lagi ko ring naiisip, pera lang ‘yon.”

TV COMEBACK. Samantala, nabanggit din ba sa kanya ni Willie kung kailan ito babalik sa telebisyon?

“Napag-usapan na, pero hindi pa concrete kasi kakauwi ko lang, as in kakauwi ko lang noong Sunday.

“Alam mo naman, nagpapahinga lang din ‘yon ngayon. So, excited na rin siya.

“I’m sure bored na bored yun.

"Alam mo naman ang DNA ng tatay ko ay magtrabaho nang magtrabaho.”

Pagdating niya ng Pilipinas, ang first TV appearance ni Meryll ay bilang celebrity judge sa It’s Showtime.

Incidentally, ang timeslot ng It’s Showtime ang dating oras ng programa noon ni Willie sa Kapamilya network, ang Wowowee.

There was a time, nagtapatan pa ang programa ni Willie sa TV5 na Wowowillie at ang It’s Showtime.

Alam ba ni Willie na guest siya sa It’s Showtime?

Sabi ni Meryll, “Oo, sabi niya, ‘Uy, batiin mo naman ako.’

"Ayoko! Nahihiya ako!"



ELIJAH AND BERNARD. On a more personal level, kumusta naman ang lovelife niya?

“Wala, zero. Huwag na yung mga lovelife,” pag-iwas ni Meryll.

Marami naman ang nag-react sa picture na lumabas noong dinalaw niya sa ospital ang bagong silang na si Jerilka Ejercito, ang partner ngayon ng ex-hubby niyang si Bernard Palanca, na ama naman ng anak niyang si Elijah.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Meryll, “Kapatid naman kasi ni Eli yun, si Isaiah.

"‘Tsaka, ano ba, matatanda na kami.”

Ano ang sabi ng seven-year-old son niya sa bago nitong kapatid?

"Ay, ang gwapo! Alam mo naman ang dyunakis namin? Mga guwapo!" tawa ni Meryll.

Okey naman si Eli kay Jerika?

“Love niya si Eli. Lagi ngang nagte-text ‘yon, e, ‘Kailan ba namin makikita si Eli?’

“Wala kaming problema.”

Mas okey na rin ngayon ang relasyon ni Bernard kay Eli?

“Yes, of course. Close silang mag-ama,” sabi ni Meryll.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN