Bianca King thankful to TV5 for giving her noteworthy projects: “They really make me feel like an artist.”

Hindi na raw masyadong umaasa ng trabaho mula sa showbiz ngayon ang aktres na si Bianca King. Abala rin daw kasi siya sa kanyang mga negosyo at pag-aaral.


Medyo naging emosyunal si Bianca King sa presscon ng Wattpad Presents Batch 3 shows ng TV5 kagabi, November 20.

Naramdaman daw kasi nito ang pagpapahalaga sa kanya ng Kapatid network.

Saad niya, “Definitely talaga, as in they really make me feel like an artist.

“I feel the respect, I feel the love, I feel like I’m appreciated.

“And yun yung motivation ko talaga na mag-perform nang maganda, kasi sila talaga yung nagparamdam sa akin na importante ako.

“So, I’m happy.”

Noong pumasok siya ng TV5 bilang freelance artist seven months ago, unang naging proyekto ni Bianca ang Obsession.

Nakasama niya rito sina Martin Escudero, Neri Naig, at Marvin Agustin.

Dapat ang kasunod daw nito ay soap opera, pero naurong kaya inuna muna niyang gawin ang weekly teen show series ng istasyon.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Bianca sa grand presscon ng show na ginanap sa Aristocrat restaurant, Jupiter St., Makati City, kagabi, November 20.



FREELANCER. Bukod sa Wattpad episode niyang "His Secretary" kasama si John James Uy, na mapapanood na sa December 1, ibinalita ng 28-year-old actress na malapit na rin nilang simulan ang isang soap opera.

Ani Bianca, “Yung susunod kong soap, medyo nadi-delay lang siya nang kaunti. Actually, it’s in the works na.

"Actually, dapat mag-storycon na kami, medyo namu-move lang ang date dahil sa availability ng artist.”

May mga nakapansin namang medyo matagal-tagal ang pagitan ng mga naging proyekto niya sa telebisyon.

Pero ayon kay Bianca, “Usually, ganun naman talaga yung gap ko ever since nasa GMA pa ako.

“Bihira lang yung nangyaring magkasunod na isang buwan lang, bihira yun.

“Wala talagang… ito lang yung timing ni Lord para sa akin na pumasok sa showbiz.

“And hindi naman… wala na ako sa posisyon na umiikot na yung buong mundo ko sa showbiz, so hindi siya naging kaso sa akin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon daw, mas okay sa kanya ang schedule niya dahil may mga inaasikaso rin siyang negosyo at bumalik pa siya sa kanyang pag-aaral.

Saad niya, “Actually, winelcome ko yung break kasi naka-focus ako sa napakapadaming bagay talaga.

“Napakarami kong magandang pinagkaabalahan na hindi ko magagawa kung hindi ako binighyan ni Lord ng oras.”

Read: Bianca King not ready to settle down: “Gusto ko muna i-enjoy yung young adulthood...”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN