Yassi Pressman still not on speaking terms with ex-boyfriend Sef Cadayona: "I just don’t need negativity in life."

Mas gumanda raw ang career ni Yassi Pressman ngayong single siya dahil mas nakaka-focus ito.


“We don’t talk.”

Ito ang sagot ni Yassi Pressman sa tanong kung on friendly terms na ba sila ulit ng ex-boyfriend na si Sef Cadayona.

Halos isang taon nang hiwalay si Yassi kay Sef pero hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw ang totoong dahilan ng pagtatapos ng short-lived relationship nila.

Read: Yassi Pressman admits breakup with Sef Cadayona; says Andrea Torres partly caused it

Bakit hindi pa sila nag-uusap?

Tugon nito, “Wala lang. We just don’t talk, yun lang. And it’s in the past na.”

Pero sa kakukulit ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sinabi din nitong, “I just don’t need negativity in life.

“Basta, I don’t need him or anything like that right now.

"Ngayon, I’m super happy with the projects, the focus on projects, on TV, then sa movies.

"Siyempre, the project from TV5, projects coming from places na hindi ko ini-expect.

“So, feeling ko, mas maraming blessings ngayon na dapat dun ako mag-focus.”

Palagay ba niya sinuwerte yung career niya nung naghiwalay sila?

Natatawa nitong sagot, “Suwerte ako ngayong taon. Yun na lang.”

Nakausap ng PEP at ilan pang media si Yassi sa grand presscon ng Wattpad Presents batch 3 episodes kagabi, November 20, sa Aristocrat Restaurant, Jupiter St., Makati City.

MR. POPULAR MEETS MS. NOBODY. Dahil sa naging success ng part 1 ng Wattpad Presents Mr. Popular Meets Miss Nobody, marami ang nag-request na magkaroon ng part 2.

Ang part 1 nito ay pinagbibidahan nina Mark Neumann at Shaira Mae.

Sa part 2, papasok ang character ni Yassi kung saan guguluhin nito ang pagmamahalan ng characters nina Mark at Shaira.

Saad niya, “I played Mandy, happy ever after na natapos yung first book, apparently, I come back from the States.

"And siyempre, gusto kong kunin yung sa akin, what was mine.

“Dun siya magkakagulo.”

Kontrabida ang role ni Yassi sa show. Mas gusto ba niya ang ganitong klaseng role?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Gusto ko yung nag-i-explore ako ng character. I want to try new things, to play different roles.

“Masaya din kasing magkontrabida, something that you’re not.”

Sa Lunes, November 24, 9:30 p.m., na mapapanood ang Mr. Popular Meets Miss Nobody (Part 2) sa TV5.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN