Geoff Eigenmann on being friends with ex-girlfriend Carla Abellana: "I don’t think it will happen."

Tila parehong sarado ang mga pintuan, sa puntong ito, ng dating magkasintahan na sina Carla Abellana at Geoff Eigenmann tungkol sa pakikipag-ayos at pagiging magkaibigan. Hangga’t maaari nga ay ayaw nilang pag-usapan ang isa’t isa sa mga interbyu.


Noong nakaraang linggo ay nag-post si Geoff Eigenmann sa kanyang Instagram account ng: “The best thing about being single is sleeping around. You can sleep all over that big lonely bed of yours. Left, right, middle, wherever.”

Pero iba ang dating ng ilang followers ni Geoff, na tila pinaparinggan daw ng aktor ang dating kasintahang si Carla Abellana.

Matagal nang nasusubaybayan ang palitan ng posts sa Instagram account ng dating magkasintahan, pero sinasabi ni Carla na hindi nakakarating ito sa kanya. Hindi naman daw niya pina-follow ang kanyang ex-boyfriend.

Sabi naman ni Geoff, nagiging maingat siya ngayon sa mga ipinu-post niya sa kanyang social media account. Mas mabuting iwasan na rin daw niyang magsalita pa tungkol sa kanila ni Carla.

Pahayag ng 29-year old Kapuso actor sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “I’d rather not say anything.

“Kasi the more I talk, or ano, mas lalala ang sitwasyon.

“Like I said, it’s all in the past. Tapos na.

“If I start talking now, it might open up more things. Huwag na, huwag na.

“Kasi sa akin, for me, whatever I say, that’s still gonna be taken a different way by all the people.

“Huwag na lang.”



HAPPY TO BE SINGLE. Masaya naman daw si Geoff ngayon bilang single at wala pa siyang planong pumasok sa panibagong relasyon.

“I’m happy, single. I’m happy being alone.

“Sanay ako na mag-isa ako. I don’t look for…

“I guess, acceptance na rin.”

Pero patuloy pa ring tinatanong si Geoff tungkol sa dating kasintahan, at naging totoo lang naman daw siya sa kanyang mga sagot.

Diretso ang pahayag ni Geoff na malabo pa silang magkaayos at maging magkaibigan ni Carla.

Nakangiting sabi ng aktor, “I don’t think it will happen. Not anytime soon for sure.

“I don’t know. No plans of thinking about.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayaw rin daw isipin sa ngayon ni Geoff kung ano ang magiging reaksiyon niya kung sakaling magkasalubong sila ni Carla

“I don’t know... we’ll see.

“As of now, hindi ko iniisip yun.

“Kung magkita man kami, magkita kami. Bahala na kung anong mangyari.

“I wouldn’t really know how to react till we’re here.

“Ako, as much as possible, wala, no confrontation. No crossing paths.

“Sana wala. But if it happens, it happens.

“Wala naman tayo magagawa dun.”



CARLA’S STAND. Halos ganito rin ang sagot ni Carla pagdating sa posibilidad na pagkakaayos nila ni Geoff.

Saad ng Kapuso actress sa hiwalay na panayam ng PEP, “Ayoko na siyang pag-usapan.

“Hindi ko alam, we’ll never know.

“We’re talking about God’s plan. We don’t know what God’s plan is for us.

“Sa ngayon, ayoko siyang pag-usapan.”

Ang isa raw sa gustong iwan ni Carla sa taong 2014 ay ang mga negatibong bagay na kinasangkutan niya. Hindi naman niya diretsahang sinabing si Geoff ang kanyang tinutukoy.

“Anybody who’s negative. Lahat ng cause ng pagod natin, lahat ng pagpupuyat.

“Lahat ng reasons bakit tayo hindi nakatulog sa mga araw nitong taon na ‘to. Yun ang gusto mong iwan.

“Siyempre, we all want to start another year, a new year fresh and positive,” pahayag pa niya.

Ayaw naman nang mag-react ni Geoff tungkol dito.

Napapangiti lang ang aktor nang hiningan namin ng reaksiyon tungkol sa napapabalitang relasyon nina Carla at Tom Rodriguez.

“Kung saan sila masaya. I guess, yun lang yun.

“Ako, I’m happy. Wala akong nasasaktan.

“Yun lang yun,” makahulugang sabi ni Geoff.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN