Julie Anne San Jose on Marian-Dingdong relationship: “I was in awe.”

Julie Anne San Jose says she has witnessed Marian Rivera and Dingdong Dantes’s deep love for each other: “Alam mo yung nakikita mo talaga na sobrang in love sila sa isa’t isa. And they must be really blessed and lucky to have each other.”


Uso sa mga concerts ngayon na paseksihan ng suot ang female performers.

Kaya natanong namin si Julie Anne San Jose kung ano ang pasabog na sexy outfits niya sa kanyang nalalapit na Hologram concert.

Sagot niya, “Pinaka-daring?

“I still don’t know po kasi kung ano yung eksakto na magiging costume ko. Pero may isa po kasi akong number, it’s actually a Beyonce medley.”

At alam naman nating lahat na sexy ang mga isinusuot ni Beyonce sa mga concerts nito.

Si Julie Anne ba ay papayag na magsuot ng daring outfits?

“Well, let’s just see! Let’s just see.

“But for me hindi naman din po nakikita sa suot, ’di ba? It just [enhances] yung mismong performance.

“So ayun po.

“If it’s worth the risk and as long as hindi naman po bastusing tingnan, ’di ba?” dagdag pa niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Julie Anne noong Miyerkules, November 19, sa GMA Network Center sa presscon ng Hologram: The Concert.

Gaganapin ang concert sa SM Mall of Asia Arena sa December 13.

Makakasama niya dito sina Christian Bautista, Abra, Sam Concepcion at iba pang surprise guests.

May mga production numbers ba siya na naka-harness siya habang kumakanta?

Pagsang-ayon niya, “Well, actually nasa concept po namin ’yan. Nasa concept namin.

“Pero hindi po namin napa-finalize lahat so hopefully, this week ma-finalize na po talaga namin lahat.

“Kasi mag-i-start na po kaming mag-shoot ng Hologram effects so…”

Physically ay pinaghahandaan rin ni Julie Anne ang concert niya.

Lahad pa ng Kapuso singer, “I’ve been working out, I’ve been taking up voice lessons and dance lessons para lumakas yung stamina.”

Si Louie Ignacio ang director ng Hologram.

TIME MANAGEMENT. Paano ba niya nababalanse ang oras niya? Co-host siya sa Marian, regular performer siya sa Sunday All Stars, at ngayon nga ay abala siya sa preparasyon para sa Hologram.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “It’s just a matter of time management.

“And in fact, full load ako ngayon, ngayong sem.”

Nag-aaral ang aktres sa Angelicum, kumukuha ng kursong Communication Arts.

Paliwanag niya, “Kasi related po sa field ko, e. So I think it will be easier for me na kung ito na po yung kunin kong course since nandito na rin ako, di ba?”

Bakit hindi Music ang kursong kinuha niya?

“Kasi, Music, first choice ko yan po talaga. First choice ko ’yan.

“I was supposed to study at UP or UST talaga. Pero hindi umabot yung application ko,” at natawa si Julie Anne.

“Na-late! I think I was out-of-the-country yata nun.

“I was out-of-the-country and then iyon hindi umabot so sayang!”

Hindi na raw siya magsi-shift ng course.

“Pa-thesis na ako,” at natawa ang singer/actress.

EDUCATION A PRIORITY. Importante raw para kay Julie Anne ang edukasyon.

“Kumbaga yung showbiz, yung industry na ito, hindi naman po ito forever, e.

“Kumbaga for me as long as may education ka parang... alam mo yun? Magiging proud ka na nakatapos ka.

“Yung pag-aaral, yung makatapos ka ng pag-aaral, magandang regalo yun sa mga magulang mo,” diin niya.

ON DINGDONG-MARIAN. Naging witness si Julie Anne sa sweetness nina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa Dubai nang magtungo sila doon kamakailan para sa isang Kapuso show.

Kinilig ba siya? Nainggit ba siya sa dalawa?

“Hindi naman po nainggit,” at tumawa ito.

“Pero I was in awe. Kasi, I mean, like the whole time, the whole stay sa Dubai kasi, grabe!

“Alam mo yung nakikita mo talaga na sobrang in love nila sa isa’t isa. And they must be really blessed and lucky to have each other.”

NOT READY FOR LOVE. Hindi ba siya nag-wish na sana ay makakita na siya ng Dingdong Dantes niya, na magkaroon na rin siya ng bonggang lovelife tulad ni Marian?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well, wala namang ano, well… yeah! May certain times na ganun, but still wala, ano po, hindi ko pa po kasi talaga iniisip.

“And choice ko din po, and decision ko din na huwag muna.”

Marami ba siyang manliligaw?

“Ah hindi ko po alam kung nanliligaw sila,” at tumawa si Julie Anne.

“But I have a lot of friends, I have a lot of friends.

“I have non-showbiz and showbiz friends pero [I have] more non-showbiz friends.”

Wala raw dumadalaw na manliligaw sa bahay nila.

BEAUTY PAGEANTS. Samantala, natanong naman namin kung open si Julie Anne sa pagsali sa isang beauty pageant.

“Actually, ayoko,” at muli siyang tumawa.

“Ayoko talaga, yeah, ayoko talaga.

“But if it’s worth the try, I would love to, I would love to naman.”

So ine-entertain niya ito sa isip niya?

“Opo,” pag-amin niya.

Next year ba ay sasali na siya either sa Binibining Pilipinas o sa Miss World-Philippines?

“I still don’t know. Kasi depende pa rin po yan sa takbo ng career ko.

“So we have to gauge muna kung ano yung dapat na i-prioritize na projects,” lahad niya.

COMPETING WITH JANINE? So may chance kaya na magkakalaban sila ni Janine Gutierrez next year sa isang beauty pageant?

Marami kasi ang kumukumbinsi kay Janine dahil beauty queen material ang dalaga.

“Ay, wala naman po akong... hindi naman po ako nakikipagkumpitensiya,” at tumawa ang aktres.

Si Julie Anne ang dating ka-loveteam ni Elmo Magalona na ngayon ay ka-loveteam at kasintahan na ni Janine.

Kaya may nagtanong kay Julie Anne kung nanonood ba siya ng More Than Words na primetime series nina Janine at Elmo.

Ani Julie Anne, “Well, I was out [of the country] nung pilot episode nung show po nila.”

Going back to beauty pageants, ready ba si Julie Anne na rumampa ng naka-two-piece swimsuit?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I don’t know pero siguro nasa process naman po yun, e. Nasa process po yan. And tine-train naman po kapag beauty queen, ’di ba?” patuloy pa niya.

At kung sakali ay pinaghahandaan naman iyon.

“Oo, paghahandaan talaga,” muli niyang pagsang-ayon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN