Ai-Ai delas Alas confirms plan to migrate in the U.S.

Ai-Ai delas Alas on relationship with 20-year-old boyfriend Gerald Sibayan: “Pinag-pray ko ‘to... Sabi ko kay Lord, ‘Sana bigyan Niyo naman po ako ng ganito…’ Nakalimutan ko yung edad. Pero swak sa lahat, e. Nakalimutan ko yung age. Yung sana medyo kaedad ko, pero okey naman din.”


Kinumpirma ni Ai-Ai delas Alas ang plano niyang pagma-migrate sa Amerika upang makapiling ang kanyang mga anak.

Sabi ni Ai-Ai sa panayam sa kanya ni Boy Abunda sa The Buzz kahapon, November 23, “Oo, magma-migrate ako, pero yung mga dates, aayusin ko pa rin.

“Kasi, marami nga akong gagawin next year, dahil 25 years ko [sa showbiz].

“Kung kailan, hindi ko pa alam.”

Kailangan din daw maintindihan ng mga tao ang desisyon niya dahil ang dalawa niyang anak kay Miguel Vera na sina Sophia at Nicolo ay sa Amerika na nakatira.

“Opo, ang dalawa kong anak, doon na nakatira at kailangan kong dalawin every time.”

Ang panganay na anak naman ni Ai-Ai na si Sancho ay nasa Pilipinas kasama ng Comedy Concert Queen.



WHY AI-AI IS HAPPY. Bukod sa mga anak ni Ai-Ai, 50, ang isa pang nagpapasaya sa kanya ay ang 20-year-old non-showbiz boyfriend niyang si Gerald Sibayan.

Tinanong ni Boy si Ai-Ai kung bakit tila hindi siya tumatanda.

Sagot ng aktres, “Sabi nila, Law of Osmosis.

“Ano raw, yung kapag meron kang… siyempre, ayoko namang i-brag.

“Kapag meron kang karelasyon na medyo mas bata sa ‘yo…

“Huwag na tayong magpaka-plastic, hindi medyo… talagang bata!

“Napaka-thankful ko kay Lord na binigyan Niya ako ng ganoong chance na maging maganda pa rin at this age.

“Kahit hindi magandang-maganda, yung fresh na lang.

“Yung inner peace, talagang thank you, Lord, sa lahat.”

Paano nalaman o nasabi ni Ai-Ai na ang kasalukuyang relasyon niyang ito ay nakatadhana simula pa lamang?

Sagot niya, “Pinag-pray ko ‘to.

“Hindi naman siya yung talagang ano ko, nakipag-date rin naman ako sa kanya before.

“Sabi ko kay Lord, ‘Sana bigyan Niyo naman po ako ng ganito…’

“Nakalimutan ko yung edad. Pero swak sa lahat, e.

“Nakalimutan ko yung age. Yung sana medyo kaedad ko, pero okey naman din.”

Kumusta naman ang relasyon niya sa mga magulang ni Gerald?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Ai-Ai, “Okey naman, basta sila, sinasabi nila palagi kay Gerald na, ‘Malaki ka na. Alam mo na ang tama at mali.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN