GMA denies "unfair and baseless accusations" of TAG against the network

Part of GMA Network’s official statement reads: "GMA Network gives importance to all its workers, regardless of their employment status. Part of the Network’s efforts for the welfare of its talents is the Project Employment Contract (PEC), which provides a specific set of benefits responsive to their needs and interests."


Inalmahan ng GMA Network ang alegasyon ng grupong TAG tungkol sa diumano’y pagpapabaya at labor malpractice ng TV network para sa talents o hindi regular na empleyado.

Kaugnay ito ng isinampang regularization complaint ng Talents Association of GMA (TAG) laban sa GMA noong Mayo.

Ayon sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presidente ng TAG na si Christian Canluban, wala umano silang natanggap ng anumang benepisyo mula nang manilbihan sila sa GMA.

Ito ay sa kabila ng karamihan sa miyembro ng naturang grupo ay tumagal na sa TV network mula anim na buwan hanggang 15 taon.

Read: GMA Network talents cry foul over alleged labor malpractice; stands by regularization complaint vs GMA

Ganunpaman, iginiit ng GMA na bahagi ng pagpapahalaga ng TV network sa kanilang talents ay ang pagbuo ng Project Employment Contract (PEC) kung saan makakatanggap ng karampatang benepisyo ang complainants at maging ang ibang talents ng kumpanya.

Sa ngayon, ang reklamo ng TAG ay nasa kamay na ng National Labor Relations Commission.

At umaasa ang Kapuso network na dumaan sa tamang proseso ang hinaing ng grupong TAG.

Narito ang kabuuang official statement ng GMA na ipinadala sa PEP ni Angel Javier-Cruz, GMA Vice-President for Corporate Communications, ngayong araw, November 24:

"Contrary to the unfair and baseless accusations made by the complainants, GMA Network cares for its talents, whom it considers vital to its success.

"GMA Network gives importance to all its workers, regardless of their employment status. Part of the Network’s efforts for the welfare of its talents is the Project Employment Contract (PEC), which provides a specific set of benefits responsive to their needs and interests.

"The matter has been brought to the National Labor Relations Commission and we believe that the grievances of the complainants should be aired in the proper forum."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN