Governor Vilma Santos denies snubbing "Senior Prom" party with stars; clarifies health issues

"Nung time na hindi ko kayo nakita, humingi naman ako ng paumanhin. Sabi ko, yung health ko naman, in a way, talagang naningil, e. Bumaba yung immune system ko, naging very sickly ako," says Batangas Governor Vilma Santos, whose health concerns were triggered by the death of her longtime aide Aida Fandialan.


Pinabulaanan ni Batangas Governor Vilma Santos, 61, na inisnab niya ang “Senior Prom” na inorganisa ni Sampaguita Pictures producer Mrs. Marichu Vera-Perez at pinangunahan ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada.

Ilan sa mga dumalo sa naturang reunion ng mga artista noong dekada ’50, ’60, at ’70 ay ang showbiz rival ng Star For All Seasons na si Superstar Nora Aunor at ang kanyang perennial leading man na si Christopher De Leon.

Read: Stars of the ’50s, ’60s, and ’70s reunite at "Senior Prom"

Paliwanag ni Vilma, nagkataong nagpagamot siya ng infection sa kanyang ilong sanhi ng insect bite noong November 16, na siya ring petsa kung kailan ginanap ang “Senior Prom.”

“It’s just with the situation ng nose ko, ni-laser yung ilong ko, at yun ang schedule that day.

“Kapag ni-laser yun, because of this insect bite na ‘di ko alam kung sa’n nanggaling, hindi puwedeng lagyan ng kahit ano, ng makeup, or anything.

“So, hindi ko inisnab.

“Nagkataon lang na that was the same day ng laser ko na sa gabi, hindi puwede hawakan [o] lagyan ng kahit ano dahil bagong laser.

“Because I wanted to get better na at kapag pinatatagal ko pa, lalo at lagay ako nang lagay, the more it would get infected at lalong tatagal ang gamutan,” saad ni Governor Vi.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Governor Vi sa kanyang belated birthday presscon sa 38 Valencia Events Place, Quezon City, ngayong araw, November 24.

Kasabay nito ay itinanggi ni Vilma ang espekulasyong may hindi sila pagkakaunawaan ni Manay Ichu (kilalang tawag kay Marichu) sa showbiz circles.

“But definitely not Manay Ichu. Manay is like a second mother to me. Hindi lang talaga puwede [sa schedule ko],” giit niya.

HEALTH REASON. Bukod dito, naikuwento ni Vilma na naging masasakitin siya mula nang pumanaw ang kanyang longtime aide na si Aida Fandialan noong July 20.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Governor Vilma Santos mourns death of longtime aide

Ito ang dahilan kung bakit hindi naging aktibo ang governor-actress sa mga press events nitong mga nakaraang buwan.

“Hindi ko kayo masyado nakikita lately because alam niyo na what happened, especially sa person na very close to me at naging close din sa inyo, tama po ba?

“Medyo I was affected. Medyo bumaba ang ating immune system at may mga sakit na bumalik sa akin like my ulcer.

“So, medyo nag-lay low muna ako because health is wealth.

"Inuna ko muna magpalakas ulit," paglilinaw ni Governor Vi.

Ayon pa sa actress-politician, tatlong araw siyang naospital dahil sa kanyang ulcer, sanhi na rin ng pagod at stress sa trabaho.

Sumailalim din siya ng executive checkup upang siguruhing maayos ang kanyang kalusugan.

Sabi niya, “Ang pinakaimportante, binigyan ko ang sarili ko na magpahinga. I prioritized na maging stress-free.

“But I thank God. God is good. OK naman lahat.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN