Bianca Gonzalez enjoys wedding preparation, except for the expenses: "Ang gastos!"

Bianca Gonzalez on her upcoming wedding to basketball player JC Intal: “I’m literally just counting the days. Ganito pala ang feeling, I only heard it from other brides na it’s exciting, hindi ka makakatulog, and totoo pala!”


“I’m excited for the wedding!”

Ito ang bungad ni Bianca Gonzalez nang tanungin tungkol sa nalalapit na pag-iisang dibdib nila ng fiancé niyang si JC Intal.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment reporters si Bianca sa Bridal Launch na inihanda para sa kanya ng iniendorso niyang Facial Care, Martes ng hapon, November 25.

Sabi pa niya, “I’m literally just counting the days.

"Ganito pala ang feeling. I only heard it from other brides na it’s exciting, hindi ka makakatulog—and totoo pala!”

Sa ngayon, nae-enjoy raw ni Bianca ang lahat ng wedding preparations maliban sa isang bagay: “Ang gastos!”

Natatawang ibinahagi ng Pinoy Big Brother host, “Nothing is stressing me out, as I’m really enjoying until the littlest detail.

“Pati sa invites, kasi I wrote on each and everyone inside and outside. Talagang I’m super enjoying.

“Pero when you look at the gastos, ugh, mapapaganun ka.”

Diin pa niya, “Everything is fun. Basically, it’s just the gastos. Parang, wow, ginto ba yung bibilhin ko?

"Aside from that, everything is super fun.”

Tinanong ng PEP kung bakit hindi sila naghanap ng sponsors para sa kanilang wedding.

Palwianag ni Bianca, “We have friends naman who offered good rates.

"I don’t know... for us kasi, a wedding is something personal, so gusto namin it’s something na pinag-ipunan talaga.

“I think we’re so thankful kasi, at least, the ones we got gave us good rates.

"Kasi nga, siguro dala na rin ng nature of our work.”

Dagdag niya, “Our wedding is so personal.

"We wanted na everything that the guests will enjoy in that wedding is pinaghirapan namin, talagang ginawa namin for our guests."



QUIET WEDDING. Hindi kagaya ng ibang celebrities na ikinakasal, mas gusto raw nina Bianca at JC na maging pribado ang kanilang wedding.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Bianca, “It’s the ceremony that we’re really not talking about, kasi ’yon ang family only and very private.

“The reception is bigger kasi we have so many ABS-CBN friends din, like, 30 percent or 40 percent are from the industry.”

Sa Smart-Araneta Coliseum, sa may Cubao, Quezon City, gaganapin ang reception ng kasal nina Bianca at JC.

Pero dahil pareho silang kilala sa kani-kanilang trabaho, magbibigay sila ng ilang detalye sa publiko sa araw ng kanilang kasal, na gaganapin sa December 10.

“Siguro you will see a lot it kasi in the day and age of Instagram,” sabi ng 31-year-old TV host.

Paniniguro pa niya, “We will have our photographer and videographer give naman footage and photos to people who asked.

"We’re sharing it naman."



READY FOR A NEW LIFE. Para kay Bianca, handang-handa na siya sa magiging pagbabago ng kanyang buhay pagkatapos ng kasal nila ni JC.

“At my age, 31, talagang time na,” nakangiting sabi niya.

“I’m excited for the [life after our wedding]. JC and I have been together for a long time.

“Iba pa rin when you get married. Parang may iba siyang dimension that will bring to your relationship, so excited na ako.”

Nang tanungin tungkol sa titirhan nilang bahay, sinabi ni Bianca na naninirahan na ngayon si JC sa kanyang sariling bahay.

“Actually, even before the proposal, JC moved in to his own house na.

"So, he was building it for a year na. Dinesign na niya lahat.

“He didn’t get an interior designer. He just got an architect and a contractor ’tapos siya na ang lahat, pati ilaw siya ang bumili.

“Kumpleto na siya.

"When he was building it, he asked my opinion, but it was all him. Na-impress nga ako.”

Pagdating sa kanilang mga career, balik-trabaho raw sila agad ni JC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil daw sa kanilang wedding expenses, nagbiro pa raw si Bianca kay JC ng: “Uy, may buhay pa tayo pagkatapos ng wedding, kailangan ng ipon.”

Kaya naman sinabi raw niya sa kanyang talent manager na si Boy Abunda, "Tito Boy, I want to work pa rin, ha!"

Dagdag niya, “In fact, after our wedding, we both have work.

"JC has training, I have taping.

“Our honeymoon will be next year pa.”

Kung sakali, sa South America ang balak na destinasyon nina Bianca at JC para sa kanilang honeymoon.

“Sana everything goes well. Yung malayo at saka mahal, habang wala pang anak,” pagbibiro ni Bianca.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN