Kathryn Bernardo apologizes for missing Marian Rivera’s wedding to Dingdong Dantes

Kathryn Bernardo has released her self-titled debut album, which includes a revival of Sharon Cuneta’s hit song "Mr DJ."


“Dream come true.”

Ito ang sagot ni Kathryn Bernardo nang tanungin kung ano ang kanyang pakiramdam sa bagong career na tinatahak niya—ang pagkanta.

Ibinahagi ni Kathryn sa ilang miyembro ng press ang panibagong blessing na natanggap niya para sa taong ito, ang kanyang self-titled debut album na Kathryn, na ni-launch kahapon, November 25, sa The Lounge, Tomas Morato, Quezon City.

Ang kanyang self-titled album ay iri-release online ng Star Music simula sa Linggo, November 30, sa pamamagitan ng starmusic.ph. At mabibili naman ito sa record bars nationwide simula December 5.

Sa album na ito ay sinagot ni Kathryn ang kanta ng ka-loveteam niyang si Daniel Padilla na "Nasa Iyo Na Ang Lahat."

Ang title naman ng kanta ni Kathryn ay “Nasa ‘Yo Din Pala.”

Sa totoong buhay ba ay sinagot na rin niya si Daniel?

Mabilis na sagot ng tinaguriang Teen Queen, “Hindi... sa kanta lang.”

MARIAN-DINGDONG WEDDING. Samantala, ipinaliwanag ni Kathryn ang dahilan kung bakit hindi siya makakarating sa kasal nina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa December 30.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Marian sa PEPtalk ay nabanggit niyang kasama sana ni Kathryn sa bridesmaids niya para sa nalalapit nitong kasal. Ngunit wala raw ang 18-year old Kapamilya actress sa araw ng kasal ni Marian.

Kuwento naman ni Kathryn, “Actually, nung sinabi yun sa akin, nag-sorry talaga ako, kasi wala ako dito nun.

“Gusto ko talaga pumunta, kasi super idol ko talaga si Ate Marian, pero yun, naintindihan naman niya.

“Gusto ko silang i-congratulate kasi super-fan ako ng DongYan, and I am sure naman na marami pa silang years together.

“They look very happy and in love and nakaka-inspire sila.”

Naging malapit sa isa’t isa sina Kathryn at Marian dahil nagkasama sila sa dating GMA drama series na Endless Love (2010), kung saan gumanap na batang Marian si Kathryn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkatapos nito ay inilunsad ng ABS-CBN si Kathryn para maging isa sa top teen stars ng network.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN