Aiko Melendez’s gift to pregnant Ara Mina: “My prayers.”

Aiko Melendez evasive about the subject of misunderstanding with Ara Mina. “Love, love, love lang at peace lang tayo,” she says.


Umiwas si Aiko Melendez na sagutin ang tanong kung ano ang reaksiyon niya sa pagdadalantao ngayon ng nakaalitan niyang si Ara Mina kay Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses.

Si Mayor Meneses ay ex-boyfriend ni Aiko.

Ngunit sabi ng aktres, “Wala, wala akong reaksiyon.

"Kasi kahit napaka-sincere ang sagot ko, meron pa rin at meron ibang tao na ang feeling, ’Ay, just because may show siya...’

“I’d rather keep quiet, and I think the best gift I can give them is my prayers.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Aiko sa press conference ng The Gift Giver, ang first presentation ng ABS-CBN Christmas Special na Give Love On Christmas Day, na magsisimula sa December 1, kapalit ang Be Careful With My Heart.

Nang usisain kung nagkabati na ba sila ni Ara, sagot ni Aiko, “Hindi pa, pero siguro mas maganda yung kahit ’di nila alam, yun, ipinagdadasal ko sila.”

Inamin ng dramatic actress na nagkaroon ng isang beses na muntik nang magkrus ang landas nila ni Ara, pero umiwas umano siya.

Paiwas din ang tugon ng aktres nang usisain ang pinagmulan ng away nila ni Ara.

Sa tanong kung napatawad na ba niya ang dating kaibigan, sagot ni Aiko, “Napatawad saan?

“Kasi kapag sinabi kong napatawad [ko na], alam ko na ang susunod, e.

"Sasabihin may atraso siya sa akin. ’Pag nakarating na naman sa kanya, baka ma-feel bad siya.

“Siyempre emotional ang mga buntis, so I’d rather just keep quiet na lang, just to give her that sanity during her pregnancy, ’di ba?

“Love, love, love lang at peace lang tayo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN