Nikki Gil in a "healthy relationship" with non-showbiz guy

Nikki Gil is thankful for 2014: “My 2014, it was more steady. Kumbaga, kung last year bagyo, yung 2014 ko is like it’s more calm, it’s steady. It was a year of healing and then a lot of processing for me. And of course, work, parang work has become very therapeutic for me. And I spent a lot of my 2014 working.”


Marami raw dapat ipagpasalamat si Nikki Gil ngayong 2014 sa lahat ng aspeto ng kanyang buhay.

In terms of her career, naging abala siya sa kabi-kabilang mga proyekto. Nagkaroon siya ng teleserye (Hawak Kamay), stage musical (The Last Five Years), at kasama pa siya sa Metro Manila Film Festival 2014 entry na My Big Bossing.

May mga product endorsement ding dumating sa kanya, katulad na lang ng anti-obesity capsule na Reducin.

Sabi ni Nikki, “Mabait talaga ang Panginoon, yun lang ang masasabi ko.

“Ako naman, ever since I got in the industry, open arms lang ako, tinatanggap ko lang kung ano yung ibinibigay sa akin.

“Hindi naman ako naghahangad ng kahit ano.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Nikki sa presscon at contract signing niya at ng iba pang artists para sa ineendorso nilang ATC Healthcare International products, kabilang na ang Reducin.

Ginanap ito kahapon, Nobyembre 25, sa Garden Ballroom ng Edsa Shangri-la Hotel.

Isa nga raw sa personal achievements ni Nikki ngayong 2014 ang pananatili niyang fit.

“Well, showbiz is a very competitive business, so you really have to look good.

“Ako kasi, may tendency talaga akong maging chubby-lita, kaya I push myself to be fit talaga.

“At saka I do it for me because it makes me happy. When you’re healthy, you’re happy.

“Ako kasi, mahilig akong magbihis, so maganda yung fit ng mga damit sa akin.”



YEAR OF HEALING. Maging ang kanyang lovelife ay maganda rin ang takbo dahil sa non-showbiz guy na nagpapasaya sa kanya ngayon.

Kumbaga, tuluyan nang gumaling ang nasugatan niyang puso sa nangyaring breakup nila ni Billy Crawford noong 2013, kaya muli niyang binuksan ang kanyang puso para muling umibig.

Malaking tulong daw ang trabaho para maka-move on siya sa hindi magagandang karanasan noong isang taon.

Sabi nga ni Nikki, “My 2014, it was more steady.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kumbaga, kung last year bagyo, yung 2014 ko is like it’s more calm, it’s steady.

“It was a year of healing and then a lot of processing for me.

“And of course, work, parang work has become very therapeutic for me. And I spent a lot of my 2014 working.”



“HEALTHY FRIENDSHIP.” Nananatiling matipid si Nikki sa pagbibigay ng detalye tungkol sa kanyang non-showbiz suitor.

“Baka maudlot e,” sambit ng actress-TV host. “’Pag confirmed na confirmed na at saka ko itsitsika.”

Ano ang ibig niyang sabihin sa “confirmed na confirmed?”

Paliwanag ni Nikki, “Parang masyado pa po kasing maaga.

“Siguro pagdating po ng panahon, I will be more comfortable discussing it.

“Pero kasi they’re very private people, yung pamilya kasi nila is non-showbiz.

“So, parang gusto ko namang respetuhin yung privacy nila.”

Paano niya ilalarawan ang status ng relationship nila ngayon?

“We’re sharing a very healthy friendship, healthy relationship.

“Definitely, we’re serious.”

So, nandoon pa rin sila sa exclusively dating status na inihayag niya noon?

“Parang ganun na nga. Kasi those are just labels, ayoko rin kasing label-an, e.

“Basta for me, it’s a healthy friendship.”



CHRISTMAS GIFT FOR SELF. Ngayong nalalapit na ang Pasko, ano ang balak niyang iregalo sa kanyang sarili?

Sagot ni Nikki, “I’m giving myself two weeks in Europe. So, magbabakasyon kaming pamilya.

“Pagkatapos ng Pasko na. Aalis kami ng 26.

“Kasi nga, may MMFF pa, e, I will be busy promoting ng movie namin nina Bossing [Vic Sotto] at Ryzza Mae [Dizon], yung My Big Bossing.

“At saka iba pa rin yung Pasko dito sa atin, e.”

Hindi ba sasama ang non-showbiz suitor niya sa kanilang Europe vacation?

“Hindi naman, family lang talaga,” sagot niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN