Jose Manalo denies rumor that he has a live-in partner

Jose Manalo on fighting his urges: "Ako naman, mabibig lang ako, madaldal lang ako tungkol sa mga ganyan. Sabi nga nila, bastos yung bibig ko, hanggang doon lang ako. Pero hindi ako yung tipo ng lalaking mahilig, na gustong laging ganun. Takot din akong magkasakit. Isa pa rin yung pumasok sa panibagong problema. Ayusin mo muna lahat. Kasi mula nang pumasok ako sa showbiz, hindi nawawala yung problema, e. Tapusin mo muna ang problema at saka ka maghanap kung meron."


Magtatatlong buwan nang humiwalay si Jose Manalo sa poder ng kanyang ina sa Novaliches, Quezon City.

Sa isang townhouse sa Quezon City na naninirahan ngayon ang comedian-TV host.

Ito raw ay para mas maging praktikal ang kanyang pagpasok sa Eat Bulaga! at pumunta sa iba pa niyang mga performing engagements; gaya sa Klownz at Zirkoh Comedy bars, maging sa taping ng iba pa niyang mga programa sa GMA Network ‘tulad ng Celebrity Bluff at Vampire ang Daddy Ko, lalo na ang shooting ng MMFF 2014 movie entry nilang My Big Bossing.

Paliwanag pa ni Jose, “Nagtitipid ako sa gasolinang kinakain ng sasakyan ko araw-araw, malayo rin ang Novaliches.

“Ang ginagawa ko lang naman, magtatrabaho, uuwi, magtatrabaho, tutulog, trabaho uli.

“Ganun lang ang routine ng buhay ko araw-araw.

“Pero ‘pag weekend, nandun uli ako sa nanay ko.

“Malayo kasi talaga sa trabaho. Kailangan kong kumuha [ng bahay] na malapit sa trabaho ko.

“Alam mo naman na ang call time sa Eat Bulaga!, maaga.

“Medyo ma-trapik sa lugar ng nanay ko. Alam mo naman, ayokong nali-late sa trabaho.

“’Tapos Juan For All [segment sa Eat Bulaga!], ang layo ng mga pinupuntahan namin.

“Ang call time, 5-6 o’clock ng umaga. Yung rush hour sa lugar namin ang nakaka-trapik.”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jose sa 28th PMPC Star Awards for TV, na ginanap sa Solaire Grand Ballroom, noong November 23.

Siya ang nanalo sa kategoryang Best Single Performance By An Actor, ka-tie si Arjo Atayde, para sa pagganap niya sa Lenten presentation ng Eat Bulaga!

Read: Jose Manalo laughs off online death hoax; wins acting award for a dramatic role



LIVE-IN PARTNER RUMOR. Kasabay ng desisyon niyang pagbukod ng bahay ay ang isyung mayroon na raw kasing live-in partner si Jose.

Bali-balitang ang matagal nang nang-link sa kanyang dancer ng Eat! Bulaga!, na hindi na active ngayon sa show, ang kanyang kasintahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit diin ni Jose, “Wala akong dyowa ngayon. Wala talaga.

“Alam mo naman ang mga artista, kung ano ang mga isyu, yun at yun din naman ang ipinupukol sa iyo.”

Itinanggi rin ni Jose ang balitang may nakakita raw sa kanyang mga residente sa isang subdivision habang nagdya-jogging kasama ng kanyang diumano’y live-in partner.

“Ay, hindi! Wala pa tayong ibinabahay.

“Hindi pa natin kayang magbahay… marami pa tayong obligasyon.”

Ibig sabihin, tuluy-tuloy pa rin ang financial support niya sa kanyang mga anak?

“Hindi naman mawawala yun,” sabi ni Jose.

Settled na ba ito out of court o dinidinig pa sa korte?

“Nasa court na ‘yan. So, hindi pa ako puwedeng magsalita kasi bawal pa.

“Pero yung sustento sa bata, nandun yun… hanggang ngayon pa rin pala.”

Nilinaw naman ni Jose ang naging pahayag ng anak niyang si Nicco Manalo na nag-uusap na raw sila ng kanyang estranged wife.

Ayon kay Jose, sa korte lang sila nag-uusap ng misis niya sa harap ng judge at sa mga abugado nila.

Hindi raw sila nag-uusap nang wala sa korte. At apat na taon na nila itong ginagawa.



JOSE’S INSPIRATION. Gaano na siya katagal walang girlfriend?

“Mula pa nung nahiwalay ako, magpu-four years na.”

Hindi ba niya kailangan ng inspirasyon para sa araw-araw niyang pagtatrabaho?

Saad ni Jose, “Hindi, e. Ang inspirasyon mo, e, yung mga magulang mo.

“Sa edad ko, hindi ko kailangan ng ganun.

“Mahirap pumatol nang pumatol, hindi ka sigurado sa ganun. Mamaya maligwak ka pa.

“Tama na muna ito, ayusin ko muna yung trabaho ko, mag-ipon muna ako.”

Paano napaglalabanan ni Jose ang urges niya?

Sagot niya, “Wala. Ako naman, mabibig lang ako, madaldal lang ako tungkol sa mga ganyan.

“Sabi nga nila, bastos yung bibig ko, hanggang doon lang ako.

“Pero hindi ako yung tipo ng lalaking mahilig, na gustong laging ganun. Takot din akong magkasakit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Isa pa rin yung pumasok sa panibagong problema. Ayusin mo muna lahat.

“Kasi mula nang pumasok ako sa showbiz, hindi nawawala yung problema, e.

“Tapusin mo muna ang problema at saka ka maghanap kung meron.”



DAILY ROUTINE. May takot pa rin ba siya sa commitment o sa pakikipagrelasyon?

Pag-amin ni Jose, “Oo, sobrang na-trauma ako.

“Kung puwede naman palang walang asawa, e, mabubuhay ka naman pala.

“Ganun ang nangyayari sa akin, na sa araw-araw, paggising mo sa umaga, papasok ka sa Eat Bulaga!.

“’Tapos pag-uwi, tutulog ka, ‘tapos gigising ka sa gabi para magtrabaho ka.

“Pagkatapos, uwi ka, tulog ka.”

Ano ang ginagawa niyang libangan o pang-relax?

“Pinaka-relaxation ko na lang yung paglalaro ko ng basketball.

“Mahilig akong mag-basketball, thrice a week.

"Every laro ko, three games, four games. Lakas kong maglaro.

“Yung stress mo, doon ko ibinubuhos.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN