Gov. Vilma Santos respects son Luis Manzano’s decision to reject movie with her and Angel Locsin

From her son Luis Manzano, Ate Vi wants a grandchild. To her younger son Ryan Christian, she bequeaths her political savvy.


Ang muling pagbabalik bilang mayor ng Lipa City ang isa sa mga anggulong unang natanong kay Batangas Governor Vilma Santos sa birthday celebration na ibinigay sa kanya ni Mother Lily Monteverde, kasabay na rin ng presscon para sa Ala Eh! Festival, noong Lunes, November 24.

Napabalitang hinihikayat ng mga tiga-Lipa City si Vilma na tumakbo uli sa iniwang posisyon na mayor ng kanilang syudad.

Hindi naman ito itinanggi ng actress-politician.

Nakangiting saad ni Ate Vi, “Opo, pinupuntahan po ako ng mga mayors, councilors from Lipa.

"Gusto nila after my three terms as governor, sinabi nila, ’Balikan mo kami sa Lipa, Governor Vi.’

“Siyempre, hindi ako puwedeng mag-commit, kailangan pag-aralan ko uli yun.

"Lagi ko ngang sinasabi, hindi naman ganong kadali magsilbi talaga.

“If it’s meant, it will happen. So, wala pa.

“Pero hindi ko dini-deny para malaman nila.

“Maraming salamat sa mga Lipeños sa tiwala, maraming salamat sa inyo. Pag-aralan po nating mabuti.”

MOVIE WITH ANGEL. Sinagot din ni Vilma ang balitang dapat ay kasama ang anak na si Luis Manzano sa movie project nila ni Angel Locsin, ang kasintahan ng kanyang anak.

Pag-amin niya, “Oo nga, e. Totoo naman.

"Originally, dapat kaming tatlo. Pero parang ang anak ko, parang ayaw na muna niya.

"Hindi ko alam kung ano’ng itatawag dun, yung sa relationship nila, ibebenta ng ganun.

“Masyadong malaki ang respeto ni Lucky sa relationship nila ni Angel na parang ayaw niya na ma-commercial ba.

"Yung ibig kong sabihin ayaw niya kahit paano na mapaglaruan.

"It’s a respect, and the good thing is nirerespeto naman namin yung desisyon ni Lucky."

Tungkol naman sa pelikulang pagsasamahan nila ni Angel, bagamat hindi pa naman kumpirmadong may matitinding eksena sila, wala pang maibigay na impormasyon si Ate Vi sa takbo ng istorya sa nasabing project.

“Hindi ko pa alam. Iba ang istorya, maski yung character ko, naiiba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung sampalan issue, tingnan natin, depende sa eksena.

"Pero nung nag-usap kami at nag-meeting, I told them I want something new.

“Kaya I think, pati buhok, iba, e. Parang Meryl Streep na parang ganun ang karakter niya.

"’Pag final na, doon ko na sasabihin."

PROPOSAL. Ano ang reaksiyon ng anak sa pahayag niya kamakailan na hihinilingan na niya si Luis ng anak kay Angel?

Ani Governor Vi, “Tawa sila nang tawa kapag niloloko ko.

“’Pag nagdi-dinner kami sa bahay, sabi ko, ’Nak [Luis], Gel [Angel], baby na!’

"Tatawa lang siya. ’Don’t worry, Mom, huwag kang mainip.’"

Sa presscon, natawa lang si Ate Vi sa tanong kung may ideya ba siya na posibleng itaon sa Ala Eh! Festival ang wedding proposal ni Luis kay Angel.

“Wala akong alam diyan! Wala akong alam na isasabay sa Ala Eh! Festival ang pagpu-propose ni Lucky kay Angel.

“Kung isasabay? E, di pati ako magugulat.

"Hindi namin pinag-uusapan ng anak ko ’yan, private yun, e.

“I know my son. Hindi siya yung type na... hindi, e.

“Hindi, wala. Yung Ala Eh! Festival is for the province of Batangas.”

RYAN CHRISTIAN. Ang bunso naman ni Ate Vi na si Ryan Christian ay napapansin na rin ng media na posibleng sumunod sa yapak nila ni Senator Ralph Recto sa pulitika

Nananalaytay raw sa dugo ng binatilyo ang pagiging public servant gaya ng kanyang ama at ang lolo niyang si Claro M. Recto, isa sa naging bantayog ng Philippine Congress at Supreme Court bilang senator at associate justice nuong kapanahunan niya.

Pahayag ni Ate Vi, “Sa nakikita ko sa anak ko, baka doon siya pupunta.

"Although intresado rin siya sa show business dahil idol niya yung kuya niya, si Lucky. Idol niya.

“Nag-aaral din siya ng drums, gusto rin niya ang kamera.

"Kaya lang, sa tingin ko sa kanya, sa seryoso ng galaw, sa pag-aral niya sa Ateneo now, sa palagay ko doon rin siya pupunta in a way [sa politics].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Saka yung charm sa tao, nandun kay Ryan.

"Sa palagay ko, doon din siya pupunta.”



AIDA FANDIALAN. Sa kalagitnaan ng presscon, muling ipinaalala kay Ate Vi ang pagpanaw ng kanyang longtime personal assistant na si Aida Fandialan.

Sinasabi ni Vilma na isa sa malaking dahilan ng pagbagsak ng health niya ay ang biglaang pagpanaw ng kanyang nasabing assistant.

Pahayag pa ni Vilma, “Kasi hanggang sa malibing siya, hindi ko na siya tiningnan.

“The hardest part, we were in London nung maospital siya.

"Pauwi na ako nang malaman kong itinakbo [sa ospital].

"Pagbalik ko, akala ko aabutan ko pa siya sa ICU, not knowing all the while, alam na pala nila na wala na.

“So, nasa eroplano ako, hindi ko alam, until pagbaba ko ng sasakyan, nagbukas ako ng cellphone, lahat nagku-condolence.

“Kasi plano ko, diretso na ako ng ICU, yun nga nagku-condolence.

"Until dumating ako sa bahay, ‘Anong nangyayari?’

"’Hindi mo ba nakuha yung text ko, Tita Vi?’ Yun pala, wala na si Ate Aida.

“So sudden, I was really affected.

“Kilala niyo naman sa akin na nakatira si Ate Aida, 38 years, 40 years.

"Twenty-four years old pa lang ako, nasa akin na si Ate Aida, siya ang nag-aasikaso ng financial matters ko.

"Siya ang guardian nina Ryan, ng mga anak ko, so she was family.

"Maybe hindi ko pa rin kaya in a way."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN