Toni Gonzaga dismisses talks that her Celestine concert bombed

Toni Gonzaga on critics: "I think ’di na matatapos yung ganun, yung negativity ng ibang tao. Kami, nandun kami sa enjoyment na nagawa ng concert na yun. And we’re just really thankful to everybody who bought tickets, celebrated my 15 years in the business, thankful ako dun.”


Nanalo ng apat na awards sa katatapos na 28th Star Awards for TV si Toni Gonzaga.

Inuwi ng Kapamilya TV host/actress/singer ang tropeyo ng Best Female TV Host para sa ASAP; Best Female Showbiz Oriented Talk Show Host para sa The Buzz; at Best Reality Show Host kasama sina Bianca Gonzalez, John Prats, at Robi Domingo para sa PBB All In.

Kasama rin siya sa itinanghal na Best Comedy Show, ang Home Sweetie Home.

Sa kabila ng tagumpay ni Toni bilang TV host at aktres, lumabas naman ang usap-usapang hindi raw kumita ang Celestine concert niya sa Mall of Asia Arena commemorating her 15th year in showbiz.

Nalugi raw ang producer nitong si Pops Fernandez.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal at Cinema News kay Toni sa Star Awards ay kinuha namin ang reaksiyon niya tungkol sa balitang ito.

“Wala, hindi ako magre-react kasi nandun kami, ’tapos alam naman namin ang totoo.

"I think hindi na matatapos yung ganun, yung negativity ng ibang tao.

"They don’t really like to celebrate other people’s victory or happiness.

"They would rather focus on anything that could destroy or ruin other people’s happiness.

"Kami, nandun kami sa enjoyment na nagawa ng concert na yun.

"And we’re just really thankful to everybody who bought tickets, celebrated my 15 years in the business, thankful ako dun.”



TITLE ISSUES. Nagsalita rin daw si Pops sa ilang interviews na hindi dapat ibigay kay Toni ang titulo bilang "Concert Queen" at dapat mag-isip ang kampo nito ng titulo na bagay talaga rito.

Ayon naman kay Toni, wala sa isip niya na kumuha ng titulo ng may titulo.

“Lagi kong sinasabi yun na kung sino ang nagmamay-ari ng titulong Concert Queen, Concert King, Queen of Talk, King of Talk, nag-iisa lang po yun, wala nang makakapantay doon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala akong balak na agawin ang titulo ninuman dahil it’s nice to be the first rather than be the second somebody.

"I’d rather try to make a mark on my own.

"They will serve as an inspiration, pero kahit kailan, hindi natin sila mapapalitan.

"Magsisilbi silang inspirasyon na pag-igihan namin ang aming ginagawa.

"Pero hopefully, one day, marating namin kahit kalahati lang ang lahat ng nagawa nila sa industriya."

MANY THANKS. Sobra-sobrang nagpapasalamat naman si Toni sa karangalang ipinagkaloob sa kanya ng PMPC at sa kanyang mother studio, ang ABS-CBN.

“Nagpapasalamat ako sa aking home network, ABS-CBN, kundi dahil sa mga programang ipinagkatiwala nila sa akin, sa aking kapatid [Alex Gonzaga], hindi magiging posible ito.

"Maraming-maraming salamat mula sa kaibuturan ng aming puso sa PMPC, sa members of the press.

"Alam ninyo, mula nang I transferred to ABS-CBN, this is my first time to receive a Best Female TV Host award.

"May mga taon na ’di tayo pinapalad, pero may mga taon katulad ngayon na muli tayong pinalad na magkaroon ng ganitong klaseng parangal."

Dagdag pa niya, "Sobrang excited namin sa Home Sweetie Home kasi wala pang isang taon yung programa, nabigyan na siya ng pansin ng members of the press.

"Maging magandang ehemplo siya para sa mapamilyang Filipino, mula sa puso namin ni John Lloyd [Cruz], maraming salamat."

ALL HERS. Hindi naman nakarating ang kapatid ni Toni na si Alex Gonzaga upang tanggapin sana ang award nito as Best Talent Search Program Host, kasama si Luis Manzano, para sa The Voice Kids.

Si Toni ang tumanggap ng award para sa nakakabatang kapatid.

“Yes, galing kami ng The Voice The Battles taping, naiwan sila dun.

"Mayroon silang mga recaps na ginagawa, kami tapos na kami dun sa mismong battle, so naiwan pa siya dun.

"Sabi nga niya sa akin, kung sakaling manalo siya, ialay ko raw sa kanya ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Huwag ko raw kunin, so inaalay ko sa iyo ito, ’di ko aagawin,” biro ng ate ni Alex.

Samantala, sa nalalapit na Kapaskuhan, mananatili lang sa bansa si Toni at ang pamilya Gonzaga. Wala rin silang balak mag-out of the country ng kasintahang si Paul Soriano.

“Dito lang kami sa Pasko kasi may The Voice hanggang January, actually hanggang March, so dito lang kami ni Alex magpa-Pasko.

“Wala naman kaming plano, ano pa ang ipaplano namin?

"Marami na ang nagplano, ibigay na natin sa kanila ang mga plano nila.

"Next year, okay kami, magkasama pa rin kami sa Pasko, yung family namin,” sabi ni Toni.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN