Aiko Melendez on rumored relationship with varsity player Michael Pate: "Ang pangit naman na ako yung magsasalita knowing that I’m the girl."

Magkaibigan lang daw si Aiko Melendez at ang non-showbiz guy na si Michael Pate. Hindi rin daw niya alam kung nliligawan ba siya nito.


Nagpaliwanag na si Aiko Melendez tungkol sa nali-link sa kanya ngayong younger guy na diumano’y nanliligaw sa kanya.

Sa exclusive interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nilinaw ng 38-year-old actress-politician na kaibigan lang niya si Michale Pate.

Si Michael ay dating miyembro ng basketball team ng College of Saint Benilde Blazers. Nasa early 20s lamang ito.

Saad ni Aiko, “Mike Pate? He’s a good friend. And we go out on gourps lagi, like sina Edwin Tan, my friends... Pepsi [Herrera].”

Nagsimula ang usap-usapan tungkol kina Aiko at Michael nang nag-post si ang huli sa kanyang Instagram account (@mikepate14) noong November 3, 2014 ng larawan niya kung saan ang caption ay may nakasulat na: “#truelove @aikomelendez

Nag-comment naman ang aktres dito ng: “Hahahaa😊 can i melt????”

#truelove @aikomelendez

A photo posted by Mike Pate (@mikepate14) onNov 11, 2014 at 11:26am PST

Nakausap ng PEP si Aiko sa 25thanniversary celebration ng Backroom Artists kagabi, November 25, na ginanap sa Astoria Chardonnay, Pasig City.

TRUE LOVE? Inusisa ng PEP si Aiko kung bakit may ‘true love’ na nakasulat sa caption ni Michael.

Paliwanag niya, “Oh, no, he just tagged me that he said true love.

“Kasi naman, hindi naman… ang pangit naman na ako yung magsasalita knowing that I’m the girl.

"So, it’s better na, you know, just leave it that way.

“Basta ang pagkakaalam ko, magkakaibigan at magkakabarkada kami.”

Tanong ulit ng PEP kung nililigawan ba siya ni Mike.

Natatawa nitong sagot, “Hindi ko alam sa kanya. Hindi ko alam!”

Sa Instagram ni Aiko, mapapansing madalas silang magkasama ni Mike sa mga gimikan.

#Repost from @peterserrano888 with @repostapp — Ganda mo marsie @aikomelendez Ikaw pa ba? Yes!:-)

A photo posted by Ms Aiko Melendez (@aikomelendez) onNov 11, 2014 at 2:09am PST

Paliwanag ni Aiko tungkol dito, “Kasi nga ano, very, very close… kasi nga si Edwin Tan is my best friend.

"So, sobrang madalas kaming magkasama, when we go out, sumasama sila.

“And it’s just not the two of us who go out. And then, eventually, they have this Sunday basketball team, and gusto rin nilang i-recruit si Andrei,” pagtukoy ni Aiko sa kanyang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi naman ni Edwin sa PEP, magkabarkada lang daw talaga sina Aiko at Mike.

Panghuling sabi ng aktres, “Wala, wala. There’s nothing na yung relationship or hindi ko siya boyfriend.

“And it’s not proper for a girl to talk about it ,‘di ba? Or kung anumang meron or whatever.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN