Pauleen Luna, Vic Sotto understand Isabelle Daza’s decision to leave Eat Bulaga!

Pauleen Luna (right, seated beside Vic Sotto) on Isabelle Daza’s (not in photo) decision to transfer to ABS-CBN: “Bagay naman si Belle doon dahil si Belle ay sobrang competitive din. I’m sure mag-e-enjoy siya.”


Ikinalungkot daw ng Eat Bulaga! Dabarkads ang pag-alis sa programa ng isa nilang kasamahan na si Isabelle Daza.

Ayon kay Pauleen Luna, nalaman nila ang tungkol sa pag-alis ni Isabelle ilang araw bago siya nagpaalam sa longest-running noontime show sa bansa.

Read: Isabelle Daza says goodbye to Eat Bulaga!

“Three years din namin siyang nakasama. Ang bilis, e. Nalaman na lang namin last few days,” sabi ni Pauleen nang makausap siya ng entertainment reporters sa press conference ng Metro Manila Film Festival entry na My Big Bossing, kahapon, November 26.

Gayunman, maluwag naman daw na tinanggap ng mga kasamahan ni Isabelle sa Eat Bulaga! ang kanyang desisyong lumipat sa ABS-CBN.

Sabi ni Pauleen, “It’s okay, we’re happy for her.

"I mean, if she wants to expand her horizon, let her be.

“Bakit mo naman pipigilan ang isang taong gustong mag-grow at mag-improve kung anuman ang gusto niyang i-improve sa buhay niya?”

Halos ganito rin ang naging komento ng My Big Bossing lead actor na si Vic Sotto sa hiwalay na panayam.

Aniya, “Wala namang problema sa amin ’yon. It’s her personal decision and we always have respect for someone looking for greener pastures, it’s understandable.”

Read: Isabelle Daza signs contract with ABS-CBN

Samantala, naniniwala naman si Pauleen na mas mahahasa pa ang talento ni Isabelle sa ABS-CBN, na dati rin niyang home network.

Sabi niya, “Grabe talaga ang competition doon kasi lahat sila competitive.

"Bagay naman si Belle doon dahil si Belle ay sobrang competitive din. I’m sure mag-e-enjoy siya.”

Sa panayam kay Isabelle, matapos siyang pumirma ng two-year exclusive contract sa ABS-CBN at Star Cinema, sinabi ng dating Taste Buddies host ang dahilan ng kanyang paglipat.

Aniya, “Gusto ko ng bagong challenge sa buhay ko.

"Gusto kong subukan yung mga bagay na hindi ko pa nagagawa noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gusto kong palawakin yung karanasan ko bilang isang aktres."

Read: Isabelle Daza on transferring to ABS-CBN: "Gusto ko ng bagong challenge sa buhay ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN