FIRST READ ON PEP. Aljur Abrenica hints at return to GMA; denies Alden Richards is the reason for filing a complaint

Nagpapahiwatig si Aljur Abrenica na malapit na siyang bumalik sa GMA Network. May mga kahilingan lang daw siyang nais plantsahin. Hindi naman niya itinagong may pagsisisi kahit paano sa kanyang hakbang laban sa home network niya.


Matapos ang ilang buwang pagiging mailap sa publiko, natiyempuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aljur Abrenica sa Music Museum, sa Greenhills, San Juan City, Miyerkules ng kagabi, November 26.

Nagkataon kasing guest si Aljur sa concert ng isa sa mga Himig Handog interpreter at singer na si Michael Pangilinan, ang Michaelabot ng mga Kolehiyala.

“Maayos naman,” bungad niya nang kumustahin namin siya.

Ngayong hindi siya visible sa telebisyon at kadalasan ay out-of-town shows ang pinagkakaabalahan niya, kumusta naman kaya ang pagtanggap ng mga tao sa kanya?

Tugon ni Aljur, “Okay naman.

"I feel blessed kasi marami akong nakikilalang mga tao. Bagong kaibigan, lalung-lalo na sa bandang Visayas, Mindanao.

“May mga itinuring akong pamilya, ’tulad sa Sultan Kudarat, so I’m very blessed.

"And I got the chance to spend more time with my family, especially with my mom.

"’Pag nag-out of town ako, kasama ko siya."

Bukod sa mga raket sa probinsiya, isa raw sa mga pinagtutuunan niya ng pansin ay ang kanilang entertainment lounge at resort sa Batangas City.

Dagdag pa niya, “Meron kaming dalawang swimming pools. May restaurant.

"Ngayon, may opportunity ako na maasikaso siya.

"As much as possible, if a find a chance, pupunta ako, tinutulungan ko si Daddy na mag-entertain ng mga tao."



GOING BACK TO THE CORE. Matatandaang nitong Hulyo 2014 ay naghain ng reklamo si Aljur laban sa kanyang home network, ang GMA, upang ipawalang-bisa ang kanyang kontrata na magtatapos sa 2017 pa.

Pero hanggang ngayon, wala pa ring balita kung ano na ang estado ng reklamong kanyang inihain.

Read: Aljur Abrenica files complaint to terminate contract with GMA Network

Kumusta na siya ngayon?

Nakangiting sagot ni Aljur, “Oo nga, maraming nagtatanong.

"Right now, I feel blessed despite of that circumstances na dumating.

"Kasi laging plus or minus ‘yan, pros and cons ‘di ba? Yung process?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I got the chance to cope up with my family.

“Yun, family. I get to know more my mom, my siblings...

"Ang hirap, kasi before, parang... ’di naman mahirap, pero siguro way na rin ‘to ng tadhana para makilala ko ulit yung mga kapatid ko.

“Hindi ko namalayan, may college na pala akong kapatid.

"So, I’m learning a lot, especially yung how to value yung core, yung sinimulan mo, like my family.

“And yung bumalik ka sa pinanggalingan mo and makita ulit yung mga dahilan kung bakit ka ngayon nandito sa kinakatayuan mo, which is family talaga.

"Family and old friends."

Nagsisi ba siya sa naging hakbang niya? Ano ang realizations niya pagkatapos maghain ng reklamo sa GMA?

Tugon ng 25-year-old actor-singer, “As a man, sometimes hindi ka tao kasi kung… hindi ka tao kung hindi tayo nagkakamali.

"And, yes, meron akong pagsisisi and meron din akong pagpapasalamat.

"Pero on the other side, as a whole, mas nagpapasalamat ako na nangyari ‘to.

“I got the chance to be in the field kung saan mas importante.”

Tuloy ang kaso?

Ayon kay Aljur, "Ang kaso lang naman, e, yung lagi kong sinasabi, hindi ko naman ‘yan isinampa para makipag-away.

"Isinampa ko ‘yan para marinig lang ako. Marinig lang ako. At bilang talent nila."



ONGOING CASE. Nitong nakaraang buwan, may mga naglabasang balita na diumano’y iuurong na ng kampo ni Aljur ang reklamo laban sa GMA. Pero kaagad din itong pinabulaanan ng kanyang abugadong si Atty. Ferdinand Topacio.

Read: Aljur Abrenica camp denies withdrawing complaint vs GMA; open to mediation procedures

Wala ba talagang katotohanan ang balitang ito?

Seryosong tugon ni Aljur, “Hindi pa siya totally nauurong... hindi na magtatagal ‘yan, oo.”

Ano ang ibig niyang sabihin na "hindi magtatagal"? May usapin na ba ng out-of-court settlement?

Saad niya, “Siguro, for now, yun na muna ang masasabi ko, just wait na lang kung ano, kasi… for further na mangyayari .

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi ngayon, medyo critical pa siya.

“In time, yun yung ipinagpapasalamat ko sa GMA, sa kabila ng lahat is ’andiyan pa rin sila for me.

"They keep on sending me schedules, trabaho. Hindi nila ako pinabayaan.

“So, ayun, meron lang akong munting kahilingan na mapagbigyan man o hindi, sana maayos din lahat.

"Hanggang dun na muna po.

"Sa kaso, kagaya ng sinabi ko, matatapos din ‘yan, pero hanggang dun muna."

May pag-uusap talagang nangyayari between his camp and GMA?

Sabi ni Aljur, “Opo. Opo, nag-uusap-usap naman po kami.

"Never naman nawala yung communication ko with GMA."



HAPPY FOR ALDEN. May mga nagsasabi ring, diumano, kaya nagreklamo si Aljur laban sa GMA dahil kay Alden Richards.

Mas nabibigyan daw kasi ngayon ng Kapuso network ng magagandang break si Alden.

Pero mariin itong itinanggi ni Aljur.

Paliwanag niya, “First of all, no... first of all, hindi.

“Walang iba akong idinadahilan, walang ibang dahilan na talent ng GMA.

"In fact, I’m happy for Alden sa lahat ng nangyayari sa career niya, kasi pare-parehas rin naman tayong talent at naghahanap-buhay.

“Just like Alden, nanggaling din ako sa probinsiya, so yung kung anuman yung tinatamasa niyang tagumpay ngayon, dahil yun sa paghihirap na ginawa niya, sa pagsusumikap niya.

"At nakita ko naman yun sa kanya.

“So, ang sa akin lang kasi, iba yung akin kasi. Iba yung sa kanya.

"Iba naman yung alam natin na path niya, and iba din yung path ko.

“Meron kasi akong at heart na inilalaban na, sad to say… na ikinalulungkot ko lang na kailangan lang umabot sa ganito, para marinig lang ako.

"Pero it felt ano, e, sa puso ko, kailangan talagang mangyari, e.

“Mali man, pero at least sa lahat ng nangyayaring ito, meron tayong natutunan.

"Meron akong natutunan, meron din akong pagsisisi, meron din akong pagpapasalamat.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

VERY SOON. Sa huli, nagpaabot ng mensahe si Aljur sa kanyang mga tagasuporta at tagahanga.

“Sa lahat po ng nandiyan, lalung-lalo na po sa ALAB [Aljur Abrenica fans club], sa lahat po, maraming-maraming salamat po sa suportang ibinibigay po ninyo.

“Sa mga nabigo, nasaktan, nagulat, pagpasensiyahan niyo na po, humihingi po ako ng sorry, tao lang naman.

"Ipinagpapasalamat ko lang po is marami po akong natutunan and, very soon, babalik din po ako.

"At, as always, I love entertaining and performing for people.”

Dahil sa nabanggit niyang "babalik din po ako," nagpahabol kami ng tanong kung babalik na nga ba siya sa GMA.

Tugon ni Aljur, “Yes, that’s my mother network. My mother network.

"I have nothing against GMA, gaya ng lagi kong sinasabi, ang problema ko lang is management.

“So, sa mga nakakapanood, very soon po, nandito lang ako sa mga naniniwala, I will always be…

"Hindi mawawala sa akin yung Aljur na mahal na mahal mag-perform sa mga tao.

“Sa mga patuloy na sumusuporta, maraming-maraming salamat, God bless you.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN