Nadine Lustre on bashers: "Lahat naman ng sumisikat, merong haters."

Nadine Lustre on maintaining professional relationship with James Reid: "Mas gusto ko na friends lang kami kasi maganda yung… kunwari, kung hindi man maging kami, okey lang. Kasi yung foundation ng friendship, mas matibay, mas tumatagal. What if kung may shoot kami or may gagawin kaming project together? Kailangang sweet kami. E, kung magkaaway kami, maaapektuhan yung work. Sa ngayon, ayaw naming mag-take ng risk."


Kahit ayaw tantanan ng bashers sa social media ang tambalan nina Nadine Lustre at James Reid, tuluy-tuloy pa rin ang daloy ng projects sa dalawa.

Pagkatapos ng back-to-back hit movies nilang Diary Ng Panget at Talk Back and You’re Dead, sunod silang mapapanood sa Hopeless Romantic, kung saan kasama nila ang tambalan nina Julia Barretto at Iñigo Pascual.

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Nadine sa 28th Star Awards for TV nong Linggo, November 23, sa Solaire Resort & Casino Grand Ballroom, sinabi niyang sanay na siya sa mga bumabatikos sa kanya.

“Nandiyan pa rin naman sila, hindi na mawawala ‘yan, ‘til the end na ‘yan.”

Naaapektuhan pa rin ba siya kahit paano ng mga batikos?

Ayon kay Nadine, “Well, siguro ako, hindi ako naaapektuhan kundi yung mga supporters.

“Kapag nakikita nilang inaaway ako, inaaway din nila. Nag-aaway-away silang lahat.

“Ewan ko… pero one time, nung nag-mall show ako, parang meron daw nagtaas ng banner ng ‘Kathryn.’

“Sabi pa, ‘Baba ka diyan [sa stage]!’

“So, hindi ko naman napansin yun. Okey lang.”

Nakakatulong ba ito para maging matatag siya?

Saad ng 21-year-old actress, “Yung nakakatulong naman... I won’t say na nakakatulong siya.

“Definitely po kasi, para sa amin, doon po namin nakikita na medyo tumataas ng konti yung level namin ni James.

“Kasi lahat naman ng sumisikat, merong haters.

“Wala naman akong kilalang artista o celebrity na walang haters. Lahat naman talaga meron.”



ROLE MODELS. Ano naman ang reaksiyon nila ni James kapag ang loveteam nila ang ginagawang role model ng mga sumusulpot na loveteams sa industry, katulad nina Alexa Ilacad at Nash Aguas?

Ayon kay Nadine, “Naririnig ko nga yung kay Nash at Alexa.

“Kasi bata pa si Alexa, malit pa siya, nakakasama ko na siya sa mga fashion shows.

“Nakakatuwa naman kasi nagti-text siya sa akin, kinukumusta niya ako, binabati niya ako… mabait na bata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakakatuwa naman kasi nilu-look up kami ng ibang loveteams.

“Siyempre, as role models, parang maraming nagta-tag sa akin sa Instagram na, ‘Thank you so much kasi yung mga inspiration ko ang mga tumulong sa akin,’ ang tataas ng grades nila.

“’Tapos kami raw ni James yung inspiration niya.

"Nakakatuwa, kasi nagtatrabaho lang kami. We didn’t expect na makaka-inspire pala kami ng ibang tao.

“So, ako, kapag nagpe-perform ako, lumalabas ako, I make it a point na may napapasaya ako. Gusto ko may nakikita akong ngumingiti.

“Doon ako masaya kahit pagod ako, lalo na sa mga fans ko. Close po ako sa mga fans ko.

“Gusto ko lang talaga ng masaya.”

Dahil halos lahat ng fans nila ay kabataan, hindi ba sila nahihirapang gumalaw ni James? Kailangan ba nilang palaging mag-ingat sa mga kilos nila dahil iniidolo sila ng mga kabataan?

Tugon ni Nadine, “Kailangan talagang pili yung gagawin mo.

“Siyempre, mostly yung mga fans namin, bata. So, bantay talaga.

“Mahirap. Kasi siyempre, ang layo ng age namin ni James, e.

“Siyempre, yung edad namin, ‘eto na yung ma-explore sa lahat ng bagay.

“Like ako, wala naman akong ginagawang ano. Super simple lang… bahay, gym.

“Pagdating sa akin, yung pagiging conservative sa damit.

“Mahilig kasi ako sa shorts, crop tops, heels… medyo American.

"Medyo nabago na yun. Tina-try naming baguhin.

“Pero hindi naman agad-agad kasi twenty-one na ako, matanda na. Dapat nagma-mature rin ng konti.

“Ayun po, mahirap, pero okey lang. Worth it naman.”

ROMANTIC RELATIONSHIP. Ang pagiging role model ba nila ni James sa kabataan ang dahilan kung bakit ayaw nilang magkaroon ng romantic relationship? Dahil baka gayahin sila ng mga kabataan?

Saad ni Nadine, “Nakakatuwa po, kasi yung mga fans namin, gusto nilang maging kami.

“So, ‘pag kinikilig sila, sinasabi nilang maging kami na.

“Ako naman kasi, with what’s happening to us, ayokong naabot namin… or yung daloy ng career namin, ayokong bumagal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“In a way kasi, kapag naging kami, ‘tapos nag-away kami, problema kasi ‘yan, e.

“Ayokong mag-slow down yung career namin.

“Mas gusto ko na friends lang kami kasi maganda yung… kunwari, kung hindi man maging kami, okey lang.

“Kasi yung foundation ng friendship, mas matibay, mas tumatagal.

“What if kung may shoot kami or may gagawin kaming project together? Kailangang sweet kami.

“E, kung magkaaway kami, maaapektuhan yung work.

“Sa ngayon, ayaw naming mag-take ng risk.

“Basta trabaho lang, go lang kami nang go.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN