Pokwang hints at possible romance with American leading man Lee O’Brian

Pokwang on possibility of long-distance relationship with American actor Lee O’Brian: “Namroblema akong bigla, a! Ako, naniniwala na kung talagang kayo, kayo, kesehodang kung gaano kayo kalayo. Saka doon ninyo malalaman kung gaano kayo katatag in the near future kung makakatiis kayo ng ganyan.”


Pagpasok ng 2015 ay magiging visible na agad ang Kapamilya comedienne na si Pokwang.

Ipalalabas na kasi sa January 14 ang ikalawang pelikula niya sa TFC, ang Edsa Woolworth.

Kasalukuyang ipinapalabas na ito sa Amerika at sa ibang lugar sa Europe.

At base raw sa mga naglabasang reviews tungkol sa pelikula, nagpapasalamat si Pokwang na nagustuhan ito ng mga kritiko doon at ng mga kababayan natin.

Hindi nga lang daw siya nakadalo sa premiere showing ng movie sa USA dahil kinakailangan na niyang bumalik ng Pilipinas.

Tatlong linggong nag-show si Pokwang sa States para sa Four Da Laughs, na kinabibilangan din nina K Brosas, Pooh, at Chokoleit.

Paliwanag pa niya, “Kailangang umuwi na ako para sa taping ng bago kong teleserye, yung Nathaniel. Baka sa first quarter ng 2015 ito ipalalabas.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Pokwang pagkatapos ng production number niya sa 28th PMPC Star Awards for TV noong Linggo, November 23, sa Grand Ballroom ng Solaire Resort and Casino.



LEE O’BRIAN. Matutuloy ba ang pagdating sa Pilipinas ng American leading man niya sa Edsa Woolworth na si Lee O’Brian?

Photo: From Lee O’Brian’s Facebook account

Ayon kay Pokwang, “I think uuwi siya to promote the movie maybe end of December or first week of January. Pero malamang mga first week of January.

“Gusto lang naman niyang makakain ng adobo.

“Kasi nung nagsu-shooting kami sa Amerika, ipinagluto ko silang lahat.

“Meron akong day-off, nagluto ako doon. Naloka siya sa adobo!

“Saka gusto niyang mamasyal sa Pilipinas dahil nabalitaan niyang marami tayong magagandang beaches, yung mga sikat nating mga resorts.

“Mga Cebu, Palawan… excited siyang makarating.”

Kinumpirma rin ni Pokwang ang pagkikita nilang muli ni Lee sa Amerika noong nandoon siya.

Kuwento niya, “Sobrang pinuntahan niya ako sa San Diego, sa show namin sa Four Da Laughs.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Akala mo ba, after the shooting [ng Edsa Woolworth], hanggang doon na lang yun? Wait, there’s more!

“Nag-effort naman siya. From San Francisco… tiga-doon siya, e, pinuntahan niya ako sa San Diego. Nanood siya ng show.

“And then, diretso kami ng TFC para sa promo interview ng movie namin.”

Patuloy pa ni Pokwang, “Alam mo, hindi siya mahirap mahalin kung sakaling may mabuo, ha! Kasi hindi talaga siya mahirap mahalin…

“Pero ayoko ng assuming, ha! Mahirap din namang umasa.

“As of now, nae-enjoy namin yung friendship namin… friendship lang muna.

“Hindi natin alam sa mga susunod.”

May paramdam na ba o intensiyon ng pagkagusto sa kanya?

“In all fairness naman, umi-effort naman siya,” sabi ni Pokwang.

Nag-date ba sila sa San Diego?

“Nanood siya ng show ‘tapos naki-bonding siya sa mga kasama ko, kina Pooh, Chokoleit.

“Kinilala rin naman niya ang mga friends ko, nag-bonding naman kami.

“Kasi walang time, e. May trabaho rin siya the next day. Kailangan niyang bumalik ng San Francisco.”



NEW RELATIONSHIP? Ibig sabihin ba nito ay handa na siyang pumasok sa bagong relasyon?

Pahayag ni Pokwang, “Sabi ko nga sa inyo, patapusin ko muna yung anak ko [Rie Mae].

“Kung makakapaghintay siya ng another two years... alam naman niya yun.

“Kasi kapag nasa shooting kami, nagkukuwentuhan kami tungkol sa mga buhay-buhay namin.

“’Tsaka pamilyar na rin siya sa buhay ko, kasi nga nag-research. Pinanood niya yung mga pelikula ko.”

Ano yung memorable moments sa pagkikita nila ni Lee para masabing nag-e-effort o boyfriend-material ito?

“Basta, every day nagti-text siya.

“’Pag nakikita niya sa Instagram ko na may trabaho ako, ‘O, ingatan mo ang katawan mo, huwag masyadong magpakapagod. Hindi masamang magtrabaho pero isipin mo ang katawan mo.’

“Very concerned citizen siya,” biro pa niya na ang tinutukoy ay ang malasakit sa kanya ni Lee.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naiisip niya ba kung paano nila itatawid ang long-distance relationship kung sakali?

Sabi ni Pokwang, “Namroblema akong bigla, a!

“Ako, naniniwala na kung talagang kayo, kayo, kesehodang kung gaano kayo kalayo.

“Saka doon ninyo malalaman kung gaano kayo katatag in the near future kung makakatiis kayo ng ganyan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN