Vic Sotto clarifies rumor that he’s building a house for girlfriend Pauleen Luna

Why is Pauleen Luna always included in the MMFF movies of Vic Sotto? The Eat Bulaga! host explains, “Kulang kasi ang pelikula kapag hindi siya nag-guest, kulang sa box-office. Siya ang suwerte, she serves as my lucky charm.”


Sa ikatlong pagkakataon, makakasama ni Vic Sotto ang kasintahan niyang si Pauleen Luna sa kanyang Metro Manila Film Festival entry

Ngayong taon, isa si Pauleen sa leading ladies ng comedy movie na My Big Bossing.

Bago ito, naging bahagi rin ang Eat Bulaga! mainstay sa mga nakaraang MMFF movies ni Vic—ang Iskul Bukol 20 Years After (2008) at Enteng ng Ina Mo (2011).

Dahil dito, tinanong ng entertainment reporters Vic kung bakit tila hindi nawawala sa cast ang kanyang girlfriend sa tuwing gagawa siya ng pelikula.

Sagot niya, “Siya ang suwerte, she serves as my lucky charm.

“Alam mo, sa lahat ng pelikula ko, kahit na tindera lang sa bakery, basta ang importante lang ay kasama siya. Kahit anong role, kahit cameo role.

“Kulang kasi ang pelikula kapag hindi siya nag-guest, kulang sa box-office.

"Siya ang suwerte, she serves as my lucky charm.”

Dahil December 25 ang opening ng mga kalahok sa MMFF, maaari raw na magkasama sila ni Pauleen sa darating na Pasko.

Saad ni Vic, “Parati namang may trabaho kapag Pasko. Wala namang magiging difference.

“Natataon lang na may trabaho parati kapag Christmas.

“But we see to it that we spend time together with the families, her family, my own family and children.

"Wala namang bago."

Dagdag pa niya, “Sa parada, it’s the first time she will join the parade again after a long while.”



MY BIG WEDDING. Dahil sa pagsasama nina Vic at Pauleen sa pelikulang My Big Bossing, ’di naiwasan ng media na tanungin kung ang kasunod nito ay "My Big Wedding" na.

Pabirong sagot si Vic, “Si Marian ’yon at Dingdong. Ninong lang ako dun!”

Dagdag na biro pa niya, “We will have another presscon for that. Hindi kayo mahuhuli sa tsismis.”

Dahil sa madalas na natatanong sa magkasintahan ang tungkol sa pagpapakasal, naiisip daw minsan ni Vic, “Ewan ko nga kung bakit sila naiinip. E, ako nga, hindi naiinip!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At dahil palagi raw silang natsitsismis, minsan daw sa set ng Eat Bulaga!, sabi ni Vic, “Pinagtsitsismisan na lang namin ang mga tsismis.”

Samantala, nilinaw ng comedian-TV host ang usap-usapan tungkol sa diumano’y pinatatayo niyang bahay para kay Pauleen.

Aniya, “Hindi naman.

“May sarili naman siyang bahay na sila ang nagpatayo, siya at ang kanyang mga magulang.

“Sila ang nagpatayo noon, wala naman akong kinalaman doon.

“If ever na magpapatayo, kami. Hindi yung magpapatayo ako ng bahay para sa kanya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN