Gab Valenciano and Tricia Centenera will have two wedding ceremonies in 2015

Gab Valenciano says wedding preparations with fiancée Tricia Centenera is not stressful: “It’s not stressful at all kasi we have a very good team behind us. We have a good wedding planner.”


Dalawa ang magiging wedding ceremonies nina Gab Valenciano at ng fiancée nitong si Tricia Centenera.

Nitong nakaraang Mayo inanunsiyo ng dalawa ang kanilang engagement. Sa March 2015 naman nakatakdang ganapin ang kasal ng dalawa,

Read: Gab Valenciano and Tricia Centenera engaged; put off wedding plans until next year

Kaya naman tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press kung kumusta na ang wedding preparations nila.

Ayon kay Gab, hindi sila masyadong stressed sa kanilang wedding preparations dahil buo ang tiwala nila sa mga taong tumutulong sa kanila para dito.

“It’s not stressful at all kasi we have a very good team behind us. We have a good wedding planner.”

Dagdag pa niya, “At saka yung stress, nangyari na yun sa wedding ng kuya ko [Paolo Valenciano].

“Alam mo yun, parang test run?

“So, my brother told me, at least ngayon, everybody knows what to do.

“Hindi parang yung dati, parang medyo nangangapa pa, kasi first wedding in the family.

“But now it’s a little better and also with her [Tricia’s] family.

“It’s got into a point where… you know, they’re much ahead of us in experience.

“Her dad is, what, 20 years older that my dad [Gary Valenciano], so for them, ‘We’ve been there, we’ve done that, don’t worry.’

“So, right now, medyo smooth-sailing kami.

“Hopefully, it will stay that way until the day itself.

“Alam mo naman, mga three weeks before the wedding, baka may mag-cancel or mag-late or whatever, and people start killing each other.

“Sana hindi naman mangyari yun.”



WEDDING THEME. Inusisa rin ng press kung ano ang magiging theme ng kanilang kasal.

Planong gawin ng dalawa ang kanilang kasal sa Tagaytay at sa Boracay.

Ang fiancée ni Gab na si Tricia na mismo ang nagbigay ng detalye tungkol dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Tricia, “For Tagaytay, it’s very… tuxedo, ballgown, old Hollywood style.

“So, it’s very, very formal.

“Big band, stage, lots of lights, and the color is… there’s gonna be white flowers everywhere."

Dagdag niya, "And then for our Boracay wedding, it’s gonna be Bohemian beach."

Sino naman kaya ang mga napili nilang principal sponsors?

Sabi ni Gab, “More people that I grew up with.

"Pero the funny thing is, a lot of people I grew up with—like ninongs, titas, titos or whatever—are also kind of in the industry.

“In a way, but more behind the scenes. Like producers or directors, not really the artist themselves.

“But right now, we’re slowly going to them one by one, pero hindi pa napa-final.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN