Lauren Young accidentally reveals having a non-showbiz boyfriend

Sa wakas ay umamin na rin si Lauren Young tungkol sa pagkakaroon niya ng non-showbiz boyfriend. Magkababayan daw sila sa Subic ng hindi pa rin niya pinangalanang nobyo na kaklase din niya sa De La Salle University.


Nadulas si Lauren Young sa panayam sa kanya at inamin nitong may boyfriend na siya.

Nabanggit kasi niyang mas wise na siya ngayon sa kanyang buhay.

Ibig sabihin ba nito ay wiser na rin siya pagdating sa pag-ibig?

Nakangiting sagot ng 21-year-old Kapuso actress, “Yes, yes. Actually, I think, I shouldn’t…

"I think with love naman, I’m more on nasa… it’s not about who you’re with, but it’s about who you are as well.

“And right now, I also learn to love myself.

"And now that I love myself more, it’s easier for me to be in a healthier relationship.

“And that’s what I’m having. I’m in a very healthier relationship and... yun lang.”

Dahil sa kanyang pag-amin, inusisa na ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang TV crew mula sa GMA ang tungkol sa katauhan ng nobyo.

“Bago lang, non-showbiz!” ang natatawa nitong sagot.

Detalye pa niya, “We’re friends here in Manila, and we are also both from Subic and we both go to La Salle, so it’s very convenient.”

Ginawa ni Lauren ang pag-amin sa birthday celebration niya kasama ang mga batang may cancer ng Child Haus sa Quezon City, kaninang hapon, November 27.

(Lauren Young with kids with cancer from Child Haus. Photo by Noel Orsal.)



A WHOLE PACKAGE. Paano ba naging inspirasyon sa kanya ang bagong kasintahan?

Pagmamalaki ni Lauren, “Because he’s a very smart guy, and he’s not a boy, he’s a man.

“So, he’s very mature, he knows what he wants in life and he really…

"Ako kasi, my world is very different from his, you know, showbiz.

“He really brings me down and wala... and parang ano lang, he just makes me very happy.

"He really pushes me kasi to work harder, not just with my career but the importance of my school.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And what I like about it is it’s not just one thing, it’s a whole na pagdating sa mga kaibigan ko, pagdating sa family ko, when it comes to my work ethic and my school, work.

“So, that’s what I like about our relationship, na it’s a 100 percent thing that we have together.”

NO HURT FEELINGS. Noong Oktubre ay umamin sina Elmo Magalona at Janine Gutierrez na magkarelasyon na sila.

Dati, matunog ang usap-usapang may espesyal na namagitan kina Lauren at Elmo. Mas lumakas pa ang bulung-bulungan na sila na nga dahil sa paglipat ng dalaga sa GMA mula sa ABS-CBN.

Ibig bang sabihin nito ay sinagot ni Lauren ang non-showbiz guy na manliligaw niya dahil umamin na sina Elmo at Janine?

Natatawa nitong sagot, “Wow, talaga!

“No, there’s no hurt feelings.

"I mean, we have our own lives, and I am very happy with my life.

“And whatever I do, you know, walang ano, parang hindi siya puwedeng isabit kung anumang meron sila.

"Because he’s not part of my life anymore, we’re not part of each other’s lives anymore.

"So, kung anuman yung ginagawa ko, it’s not he’s doing this, and kung ano man yung ginagawa niya, it’s because I’m doing this right now.”

HAPPY TO BE WITH KIDS. Noong nakaraang November 8 pa ang talagang kaarawan ni Lauren. Pero ngayon lang naganap ang selebrasyon na inihanda para sa kanya ng Artist Center.

Masaya naman daw siya sa una niyang birthday charity kapiling ang mga batang may cancer na nasa pangangalaga ng Child Haus.

Saad ni Lauren, “Siyempre, I’m very happy because I feel… I’m very blessed with so many things in the family.

"A little part of my birthday is to be with them, so I hope I make them happy, because they made me so happy right now.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Good health and more work daw ang wish niya para sa sarili.

Ano naman kaya ang birthday wish ng Ate Megan Young niya para sa kanya?

Ani Lauren, “Wish niya just to continue to work hard, be happy, and speak who I am and I’m doing it.

“Now, I’m very happy.

"Every year naman na I get older, I’ll get a little bit wiser, and I get more mature.

“I want to be happy with what I have in my life, and each and every year, I am slowly getting towards that happiness.”

(Lauren Young wishes for more projects and happiness before she blows her candle on the occasion of her birthday charity held earlier today, November 27, at Child Haus in Quezon City. Photo by Noel Orsal.)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN