Yeng Constantino includes no celebrities in her wedding entourage: "Parang ang pangit kapag mag-i-invite ka lang for the sake of inviting people."

Yeng Constantino on why she decided not to include celebrities on her wedding entourage: "I think sobrang special ng friends ko na non-showbiz kaya gustung-gusto ko talagang sila ang nandun. Gusto kong ma-enjoy nila ang moment dahil nakita nila akong mag-grow, nakita nila ang mga pinagdaanan ko sa buhay. Yun ang purpose nun. Hindi yung mag-invite ka lang, magpaparampa ka lang just to say na, ’Hey, look at my entourage, puro celebrity.’ Ang pangit naman nun. Hindi d


“Walang showbiz. Non-showbiz friends ko lang talaga.”

Ito ang sabi ni Yeng Constantino nang tanungin tungkol sa mga magiging bahagi ng kanyang wedding entourage sa February 14, 2015.

Ayon kay Yeng, halos lahat ng taong kasama sa kanyang entourage at principal sponsors ay mga taong kakilala na niya bago pa siya pumasok sa showbiz.

“Feeling ko, ang circle ko talaga is non-showbiz. Parang ang pangit kapag mag-i-invite ka lang for the sake of inviting people,” sabi ni Yeng sa press launch ng bago niyang album, ang All About Love, na ginanap kahapon, November 27.

Dagdag pa niya, “I think sobrang special ng friends ko na non-showbiz kaya gustung-gusto ko talagang sila ang nandun.

“Gusto kong ma-enjoy nila ang moment dahil nakita nila akong mag-grow, nakita nila ang mga pinagdaanan ko sa buhay.”

Diin pa niya, “Yun ang purpose nun. Hindi yung mag-invite ka lang, magpaparampa ka lang just to say na, ’Hey, look at my entourage, puro celebrity.’

“Ang pangit naman nun. Hindi dapat ganun.

“It has to come with sincerity because these are the people who watched you grow.”

Sa kabila nito, nilinaw naman ni Yeng na imbitado pa rin sa kanyang kasal ang mga kaibigan niya sa showbiz bilang special guests.

“Invited lahat ng kapatid ko from ASAP, kapatid ko from Star Magic,” sabi ni Yeng.



WEDDING SONGS. Kasama sa bagong album ni Yeng ang dalawang kantang nilikha niya para sa kanyang fiancé na si Yan Asuncion.

Ito ay ang “Ikaw,” na inilabas bilang carrier single ng All About Love; at ang “Dance Without the Music.”

Sa presscon, nabanggit ni Yeng na ilang beses niyang kinailangang ipahinto ang recording ng melodramatic song na “Ikaw” dahil hindi niya mapigilang umiyak.

Kaugnay nito, tinanong ng entertainment reporters si Yeng kung kakantahin niya ang “Ikaw” sa kanyang kasal.

Natatawang sagot niya, “Hindi ko po alam kung good po ’yon!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Baka habang lumalakad ako, masira na ang makeup ko.

“Hindi ko na lang po siya tatangkaing gawin.

“Siguro kakantahin ko na lang po kapag tapos na ang martsa. Siguro po sa martsa po talaga, maglalakad lang ako.

“Sa reception na lang para kahit masira na ang makeup ko, okay lang, kasi nakuha na po ang mga dapat litratuhan.”

Para sa kanyang wedding march, iniisip pa ni Yeng kung ang kantang isinulat para sa kanya ni Ebe Dancel, ang “Una’t Huling Pag-ibig,” ang pipiliin niya.

LIFE AFTER THE WEDDING. Samantala, tuloy pa ring ang showbiz career ni Yeng pagkatapos ng kasal nila ni Yan sa susunod na taon.

Saad niya, “Wala po akong planong umalis sa show business, sa music industry, dahil ito po talaga ang passion ko.

“I’m really grateful na si Yan po ay very, very supportive na partner.

“Hindi niya po gugustuhin talaga na hindi ko gagawin ang something na nakakapagpasaya sa akin.

“Ako din, the same way, support ko lang din kung ano ang passion niya—his ministry, yung charity works namin.

"We just support each other."

Sabi pa niya sa huli, “Hangga’t mahal pa po ako ng mga tagahanga ko, ako po ay hindi aalis.

"Dito lamang po ako at gagawa nang gagawa ng musika."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN