John Estrada limits social life to avoid intrigues: "Yun ang isa sa mga sikreto kasi kayo lang ang nagkikita ng asawa mo."

John Estrada is enjoying domestic bliss despite a heavy work load. He just finished shooting a movie with Viva Films and will soon start a Kapamilya teleserye headlined by Judy Ann Santos and Gerald Anderson.


Excited na si John Estrada sa nalalapit na Kapaskuhan dahil sa pangatlong pagkakataon ay muli na naman silang magsasama-samang magpa-pamilya at kamag-anakan sa bahay nila sa Cavite.

Forty family members ang inaasahan niyang makikipagsalo-salo sa kanila sa December 25.

Banaag ang excitement ni John sa nakini-kinitang kaganapan sa family reunion nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa 28th Star Awards for TV, noong November 23.

Si John ang nanalong Best Drama Supporting Actor para sa pagganap niya sa Ikaw Lamang.

Napangiti si John sa hindi naming mapaniwalaang laki ng buo niyang pamilya.

Paliwanag niya, “Dami talaga. From the sisters of my nanay, kapatid ng tatay ko.

"Siyempre yung mga kapatid ko, mga asawa nila, yung mga anak namin, malaki talaga.”

Makakasama rin daw ni John sa okasyon ang kanyang mga anak sa dati niyang asawa na si Janice de Belen.

Mula nang maayos ang sigalot sa pagitan nina John at Janice ay naging tahimik na rin ang paligid ng aktor.

Saad niya sa sitwasyon, “Masaya, tahimik, napakasaya dahil okey naman na ang lahat. I couldn’t ask for more.”

Paano naman niya naayos ang isyu sa kanila?

“Well, wala namang perpektong marriage, e.

"Hindi ko naman sinasabing sobrang tahimik na tahimik kami. May mga bumps pa rin sa mga kalsada.

“But sabi ko nga, nung lumabas yung tsismis na nagpu-post yung asawa ko [sa social media], sabi ko, it’s not even…

"Para sa akin, walang perpektong marriage, ang importante nandun ako para ayusin.”

Ang tinutukoy ni John ay ang naging kontobersiyal na Instagram at Facebook posts ng asawa niyang si Priscilla Meirelles noong Marso.

Read: Priscilla Meirelles clarifies rumored marital problems with John Estrada



AVOIDING INTRIGUE. Paano naman niya napapanatiling maayos ang pagsasama nila ni Priscilla?

Saad ni John, “Hindi kami lang masyadong… ako na ang nagdesisyon na ayokong masyadong ma-expose sa... showbiz events.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, medyo hindi na sinasadya.

"Kung hindi kailangan talaga puntahan, parang hindi na.

“Kasi ang daming imbitasyon na launch ng magazine dito, launch ng ganito.

"Para sa akin, yun ang isa sa mga sikreto, kasi kayo lang ang nagkikita ng asawa mo.

“Paggaling sa trabaho, uuwi ka agad, wala nang side trip.”

Ayaw na niyang maulit uli ang magkaproblema sa pagsasama nila?

“Naku, ang tagal-tagal na natin sa industry, parang nakakahiya na kung paulit-ulit yung pagkakamali, ’di ba?

“Wala nang pinagkatandaanan. Ayoko namang masabi yun sa akin.

“At the same time, hindi ko sinasabing perpekto na ako, na hindi ako puwedeng magkamali, pero ayoko.

"So, one day at a time."



A GOOD WIFE. Paano niya ilalarawan si Priscilla?

“The best yun! Wala na siguro akong makikita na kasing ganda at kasing bait nun.

"Aminado ako doon, tsumamba lang ako doon!" sabay tawa niya.

Dagdag pa ni John, “Mabait, yun talaga ang para sa akin.

"Pagdating sa pagiging nanay, hands-on siya.

"May yaya yung bata, pero ’pag pinatulog na, change ng diaper, paligo, siya talaga.

“And doon pa lang, medyo tumba na ako ’pag nakikita ko na siya mismo ang gumagawa.

“May post nga ako the other day, binabasahan niya yung anak namin sa kama. Actually, patulog na sila.

"’Pag malapit nang matulog ang anak namin, binabasahan muna niya ng mga books.

“Marami-rami rin yun, ha? Baka mapagod yung bata.

“She’s not only a good wife but a good mother as well.”

DOMESTIC BLISS. Nakabuti ba na hindi nagkaroon ng showbiz interest si Priscilla?

Sagot ni John, “Oo. Hindi, e.

"Nag-aaral siya ng… actually, sinimulan niya sa Salcedo Market yung dream niyang Brazilian bakery, every Saturday ’yan.

“So, medyo busy rin siya.

"Magtu-two months na siya doon [market], sa pagluluto, mag-invent ng bagong Brazilian breads, mga pastries,... nakakatuwa."

Wala ba silang balak bumalik ng Brazil para bisitahin ang pamilya ni Priscilla doon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well, I’m sure next year.

"Medyo sakitin lang ang anak namin, magti-three years old na siya.

"Pinapatibay lang naming yung resistensiya niya... ang bilis, ’no?

“Hinihintay lang namin yung paglakas ng resistensiya ng anak namin. Plano namin talagang bumisita [sa Brazil].”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN