Julie Anne San Jose dreams of singing with Lea Salonga, Martin Nievera, and Gary Valenciano

Asia’s Pop Sweetheart Julie Anne San Jose promises something new in her upcoming concert Hologram at the Mall of Asia Arena. Admitting her clumsiness, she is thoroughly rehearsing her dance numbers to avoid tumbling down. “It always happens to me,” she rues.


Wala raw planong mag-pose se men’s magazines, gaya ng FHM, ang Kapuso singer-actress na si Julie Anne San Jose kahit pa rami ang nagsasabing maganda naman ang kanyang katawan.

“Ayoko po,” mabilis niyang sagot sa tanong namin kung tatanggapin niya sakaling maalok siya.

“I have no plans, I have no plans po.

“Wala po akong thoughts na ganun.

"In the first place, I’m a singer, so iyon po.”

Siya raw mismo ang may ayaw.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Julie Anne sa presscon ng concert niya na Hologram, noong November 19, sa GMA Network Center.

Gaganapin ang concert sa SM Mall of Asia Arena sa December 13.

Guests ni Julie Anne sa Hologram sina Christian Bautista, Abra, Sam Concepcion, at iba pang surprise guests. Ito ay mula sa direksiyon ni Louie Ignacio.

Bukod sa kaabalahan niya para sa kanyang upcoming concert ay co-host din si Julie Anne sa Marian, ang dance show ni Marian Rivera tuwing Sabado ng gabi.

Hindi ba niya nami-miss ang pag-arte sa isang soap opera na dati rin niyang ginagawa?

“Of course, of course, nami-miss kong mag-acting!” bulalas niya.

Wala pa bang plano ang GMA na isama siya sa mga teleserye?

“I still don’t know, but sana po... hopefully, hopefully.

"If ever naman po na magkaroon ulit ako ng project, acting naman.”

May acting project si Julie Anne ngayon pero sa pelikula. Ito ay ang Kubot: The Aswang Chronicles na entry na pelikula ni Dingdong Dantes sa 2014 Metro Manila Film Festival.



ELMO MAGALONA. Sa telebisyon at pelikula ay nakapareha na niya sina Elmo Magalona, Kristoffer Martin, at Abra.

Sino ang susunod niyang gustong maging leading man?

Sabgot niya, “Wala po, none so far. I mean, none in particular pa.

“Pero siguro yung bago po, a new one.

“Basta yung ano po, yung makakatulong din sa pag-acting ko din.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung sa susunod na proyekto ay ibalik ang tambalan nila ni Elmo, papayag siya?

Ayon kay Julie Anne, “I’m not closing my doors naman po, e.

"Kasi nasa isang circle lang naman po kami and hindi po imposibleng magkaroon ulit kami ng project together.

"But yeah, opo, why not?”

Hindi naman daw siya umiiwas kay Elmo.

“Hindi naman po, wala po akong iniiwasang tao!”

Si Elmo ba ay nararamdaman niyang umiiwas sa kanya, nagkikita ba o nagkakasalubong ba ang kanilang mga landas?

“We barely see each other, even sa SAS [Sunday All Stars].”



THE CONCERT. Going back to her Hologram concert, wala raw ideya si Julie Anne kung sino ang surprise guests niya.

“Wala po, e. Wala po akong idea kung sino.”

May mga pasabog daw sa kanyang concert.

“Aside from, of course, yung hologram effect, mas malaki yung venue.

"And may mga numbers pa… may mga gusto pa akong gawin na hindi pa nakikita ng iba."

Kabado ba siya sa laki ng MOA Arena?

“Of course! Kinakabahan po ako kasi malaki nga po yun and hindi ko naman po ini-expect na mapupuno yun, kasi sobrang laki nga po niya.

“Pero ang importante naman po, nandun yung mga taong susuporta sa iyo.”

Bukod kay Lea Salonga, sino pa ang dream guest niya in her concert?

“Well, I haven’t worked with Martin Nievera.

“Si Gary Valenciano, yeah! Nag-usap nga po kami one time kasi nagkita po kami.

"So, ayun po, first time po naming magkita nun.

“Sa PhilPop po yun, ’tapos ano sabi niya, ‘Julie, let’s do something together,’ ganyan-ganyan.

“So, ako, parang, ‘Uy!’ Parang chance na sana.

“Kaso nga po, hindi pa po nabubuo yung Hologram nun na concert, yung concept, so…”

CLUMSY. Si Jonalyn Viray, ang fear as a performer ay ang mga birit songs. Ano naman ang fears ni Julie Anne?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa totoo lang po, hindi naman talaga po ako biritera!” at natawa si Julie Anne.

“Siguro yung ano... kasi clumsy ako, e.

"So, may tendencies ako na mag-stumble or malaglag or something.

“It always happens to me.”

Sa concert dati ng American Idol runner-up na si David Archuleta, kung saan guest siya, ay nadapa si Julie Anne sa stage ng Araneta Coliseum.

“I was doing my headbang thing and then I was like, ‘Oh, my God!’

“And then the people were like just screaming na, ‘You can do it, come on!’

“Alam mo yung ganung vibe?”

Kaya raw paghahandaan niya ang mga dance numbers niya sa Hologram concert para maiwasan niyang madapa o mahulog sa stage.

“Kaya kailangan po talaga na i-rehearse. Kailangang praktisin nang praktisin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN