Niño Muhlach not bothered by package deal insinuation with son Alonzo

To avoid any talks about him being a stage father, and for his own peace of mind, Niño Muhlach has chosen a trusted talent manager for his son Alonzo.


Kitang-kita ang pagiging bibo ng anak ni Niño Muhlach na si Alonzo sa ginanap na press conference ng My Big Bossing isa sa official 2014 Metro Manila Film Festival, noong November 26.

Hindi raw inakala ni Niño na papasukin din ng anak ang showbiz.

Saad niya, “Marami lang ang nagsasabi na kamukha ko, carbon copy, pero hindi ko naman binalak na gagawin ko siyang artista.

"Kung ganun, di sana tinuruan ko na lang ng Tagalog.

“Kaya ngayon, mula nang mag-artista siya, kinakausap na namin sa bahay ng Tagalog.”

Patuloy niya, “Nagsimula lang talaga ‘yan noong mag-Bet On Your Baby kami.

"There was a time sa PBB [Pinoy Big Brother], kailangan nila ng limang bata na papaalagaan sa mga housemates.

“Tinawagan kami ng ABS kung puwede raw na for one week, papasok sa loob si Alonzo ng four hours a day.

"Noong ano, okey naman, bakit naman hindi, ‘di ba?

"Tinanong ko si Alonzo kung gusto niya, so yun, pumasok siya.

“Nagkataon naman na siya ang pinag-usapan nang pinag-usapan sa PBB, so doon nagsimula.”



THROWBACK. Si Niño ay nagsimula rin sa showbiz bilag child actor.

Sa katunayan, noong late ’70s hanggang early ’80s ay siya ang itinuturing na "Child Wonder" dahil halos lahat ng pelikula niya ay patok sa takilya.

Noong bata ba siya ay hinayaan lang din siya ng kanyang mga magulang sa hilig niyang mag-artista?

Sabi ni Niño, “Well, wala naman talaga kasing…

"Well, I don’t think na meron talagang, ’O, ‘eto, gagawin kong superstar ‘to.’

"Wala naman sa ganun, kumbaga, it just happened.

“Nagkataon lang na mas madali sa mga artistang nangyayari yung ganun kasi nandoon ka na, e.

"Kumbaga, yung opportunity, mas madaling lumapit.”

Hindi naman maitatanggi na hanggang ngayon, siya pa rin talaga ang kilalang “child wonder” ng showbiz.

Sa pagpasok na rin ng anak sa larangan ng pag-arte, okey rin sa kanya kung sakaling pagdaanan din ni Alonzo ang lahat ng pinagdaanan niya noong bata?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Niño, “Ako kasi, noong bata talaga ako, hindi ako nagkaroon ng problema sa English at Tagalog.

"Yung tantrums, hindi rin ako nagkaroon ng problema dun.

"Kung anuman ang pinagdaanan ko, wala akong masamang pinagdaanan as a child star.

“Napakaganda po ng naging experience ko.

"Naging maganda rin ang nagawa para sa akin.

"Nakapag-ipon po ako, nagkaroon po ako ng building.

"Kumbaga, hindi po masama, so why would I deprive naman my son to experience something like that, ‘di ba?

"Pero siyempre, aalagaan mo rin, kailangan mo talagang i-guide.

"Dalawa ‘yan, e. Puwedeng mapariwara, puwedeng hindi.”

HANDLING ALONZO. Stage father ba siya sa anak?

“Ayoko, ayokong sabihin.

"Kaya nga nandiyan si Tita Aster [Amoyo], alam ko na ‘yang ganyan, stage father.

"Pero siyempre, tatay ako, e. I will always look out after his welfare.

“’Tulad sa akin, kung ano ang ginawa ng daddy ko [Alex Muhlach].

"Kung hindi rin naman dahil sa daddy ko, wala rin naman ang kinita ko, wala ang El Niño, wala ang lahat na ‘yan.

"So, I make sure, kung ano yung kinikita niya, pagdating ng araw, ibibigay ko sa kanya nang buong-buo.

"Na, ’Anak, ‘eto yung kinita mo.’”

Sabi pa niya, “Kaya rin si Tita Aster ang kinuha ko, parang nanay talaga.

"Iba ang babae, iba ang manager na babae.

"She will always look after her talent as anak, hindi negosyo.

“So, noong kinuha ko si Tita Aster, kumbaga, parang inentrega ko na rin si Alonzo kay Tita Aster.”

DEAD RINGER. Alam din daw ni Alonzo na artista si Niño at may mga pelikula raw siya noong bata siya na napanood ng anak.

Ano naman ang reaksiyon ni Alonzo sa mga nagawa niyang pelikula noon?

“Ano lang, noong una, kapag nakikita niya, ’Papa, that’s me! That’s me!’

"Kasi, ultimo siya, may mga picture ako noong bata ako, na nalilito siya kung sino, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parehong-pareho talaga.”

Sa isang banda, sinasabi na ba niya sa anak kung paano ang showbiz?

“Nakasanayan na niya, e. Sa shooting, sa set.

"Ayoko naman siyang i-deprive sa paglalaro.

"Kumbaga, kung gusto niyang maglikot-likot, okey lang naman, bata naman siya.”

NO PACKAGE DEAL. Iniiwasan din daw ni Nino na isipin ng iba na sa mga proyekto ng anak ay “package deal” sila.

Sa My Big Bossing, ang anak lang talaga ang orihinal na kasama sa pelikula kasama sa episode na “Prinsesa.”

Pero kay Vic Sotto na rin nanggaling si Niño ang gumanap ng kontrabida na nakakatawa pa rin.

Sabi niya, “Yun nga ang inaaalala ko, package deal kami ni Alonzo, pero hindi totoo ‘yan.

“Ngayon, magkakaroon na siya ng show sa isang network na hindi ako kasama.

"Siya lang yun.”

Baligtad na nga, siya na ang pinag-iisipan na ka-package deal sa anak. Naapektuhan ba siya ‘pag ganun?

Natawang sabi niya, “Hindi naman totoo yun.

"Nagkataon lang talaga sa story ng movie, anak ko si Alonzo at nagkataong bagay ang role.

"Pinalit ko siya kay Ryzza kasi gusto kong maging tagapagmana ng trono si Alonzo.

“Pero during their growing-up years, naging magkaibigan sila, so lumabas din ang katotohanan.”

Pinasalamatan din ni Niño si Ryzza dahil parang naging “ate” raw ito kay Alonzo.

Madalas nga raw ay si Ryzza raw ang nagtuturo kay Alonzo ng mga dapat gawin sa set.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN