Andre Paras has chosen to prioritize his showbiz career over basketball: "At least Kobe is there and I’m really proud of it."

Andre Paras on his ideal girl: "Basta one who can understand my career, sana athlete din ’cause I’m an athlete. If I’m not here for her, she will understand."


Very proud si Andre Paras sa pagkakapasok ng nakababata niyang kapatid na si Kobe bilang scholar sa Cathedral High School sa Los Angeles, California.

Nagti-training din ngayon si Kobe upang maging bahagi ng UCLA Bruins sa 2016, na malaking achievement hindi lamang para sa kanya at sa Paras family kundi maging sa ating bansa.

"I am his number one fan," sambit ni Andre sa pakikipag-usap niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News noong nakaraang Linggo, November 23, sa 28th Star Awards for TV.

“I’m really proud ’cause both of us want to make it in basketball and kahit na ’di ko naabot, at least Kobe is there and I’m really proud of it.

“He’s in high school now, third year, if I’m not mistaken.

"UCLA, he’s already committed."

Kumusta na si Kobe?

Ayon kay Andre, “He’s great. Actually before I got here, I was kinda late, we were on the phone, we were talking about what he is doing there.

"We just talk about basketball, he gives some tips normal things, we keep in touch.

“Nami-miss ko yung pagkakulit niya."

Hindi rin sigurado kung makakauwi ngayong Pasko si Kobe kung kaya’t baka raw siya ang bumisita sa kapatid sa Amerika.

“I’m not sure, it’s really hard ’cause they don’t really have breaks there, more on tuloy-tuloy kasi ang basketball nila.

"I really understand, hopefully, if he’s not visiting, I can visit him.”

PRIORITY. Kinakitaan din ng husay sa basketball si Andre,’ tulad ng kapatid at ng amang si Benjie Paras, pero sa ngayon ay mas kinakikitaan ng interes ito sa pag-arte at paghu-host.

Pangarap man daw niyang ma-achieve ang mga nagawa ni Kobe, ang prayoridad niya talaga ngayon ay ang kanyang showbiz career.

“Yes, it’s part of my plan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Every morning naman I have training, I’m not getting tired and sick of it.

"But it’s great, I’m able to balance everything.

“Wala kaming season ngayon, we’re off season, kaya I’m pretty much free for this.

"I can balance both naman, which is very good on my part.

"I’m young and I’m able to balance stuff like this.”

HOPEFUL. Regular na napapanood sa teleseryeng Half-Sisters ng Kapuso network, masaya si Andre na paunti-unti ay may kinapupuntahan ang kanyang showbiz career.

“I feel great, like every day, small workshops.

"It realy pays off, mga hardwork, yung mga mistakes.

"I’ve learned from them and that’s important as an aspiring actor.

“I’m really happy I’m here right now and, hopefully, malayo pa ang marating ko.

"Since I’m new, I hope can learn a lot, talk to other actors, actresses, to friends, and ask for tips.”

SINGLE. Nang tanungin namin tungkol sa kanyang lovelife, sinabi ni Andre na wala siyang girlfriend sa ngayon.

“I’m single. Hanap ko sa girl? I’m not sure.

"Basta one who can understand my career, sana athlete din ’cause I’m an athlete.

"If I’m not here for her, she will understand.

"Right now, I’m concentrating muna sa Half Sisters and other projects that have been given to me.

“Wala akong nililigawan, no time for date."

Nilinaw rin niyang malapit lang silang magkaibigan ng kapareha niya sa Half Sisters na si Barbie Forteza.

"Si Barbie? We’re a loveteam naman.

"Barbie is always there for me and for everyone.

"Most of them, for everyone.

"It’s great ’cause sa set nagkukulitan lang so ang saya ng chemistry namin.”

Sa huli ay sinubukan naming tanungin si Andre tungkol sa kanyang tunay na ina na si Jackie Forster, pero agad siyang umiwas na pag-usapan ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, “No comment po, sorry.

"If it’s that, hopefully, you guys understand. Thank you.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN