Aiko Melendez sweet talking ex-hubby Jomari Yllana for a baby

According to Aiko Melendez, being a Christian has restored order in her life through all the challenges that beset on all fronts—emotionally, financially, physically, spiritually.


Sa unang pagkakataon ay papasukin ng aktres na si Aiko Melendez ang mundo ng konsiyerto.

Kaugnay ng pagdiriwang ng kanyang ika-39 kaarawan, sasabak si Aiko sa kantahan through her first-ever solo concert sa The Crowd Madison sa Boni, Mandaluyong City, on December 16.

“Yeah, may birthday concert ako!” excited na balita ni Aiko sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng presscon ng bago niyang drama series sa ABS-CBN, ang Give Love on Christmas Presents Gift Giver.

Guests daw niya sa concert sina Richard Gomez at si Jomari Yllana, her ex-husband.

“Ako ang producer kaya malakas ang loob ko na ako ang kakanta. Kasi wala silang choice.

"It’s not a very big venue pero pupunuin ko yun na parang levelling with Araneta Coliseum!" humahalakhak na sabi pa niya.

Ano ba ang forte niya sa pagkanta?

“Naku, manood kayo, grabe! Hindi ninyo akalaing, ’Ay, si Aiko pala can!’ You know?

“But more on ano ako, standard.

"Kasi yung mga kinakanta ko is... ano ba ang key ko?

"Kailangan ko bang i-reveal ngayon? Huwag na, para manood kayo.”

Ano ang title ng concert niya?

Aiko Na. Parang ‘Ako Na.’ Parang it’s time to shine, Aiko Na.”

MAMA AND DADA ALWAYS. Speaking of Jomari, what’s the real score sa pagiging close nila ulit ngayon ng ama ng panganay niyang anak na si Andrei?

Sabi ni Aiko, “Oo nga, e. Hindi ko rin alam kung ano ba talaga ang kulang sa amin.

"Pero sinabi ko sa kanya, kasi nga sa birthday ko sa December 16, sabi ko sa kanya...

"Hindi ba, kapag magti-thirty-nine, ‘pag nine, not so good? So you have to say it, 40.

"Sabi ko, ‘Dada, sana ‘pag 40 ko, magkaroon pa ako ng isang anak.

"’Ayokong magka-anak sa iba na naman, ‘di ba?

“’Gusto ko naman, kung sakaling 40 years old, single ka at single ako, bakit hindi natin subukan na tayo na lang?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, siyempre, sabi niya, tinawanan na naman ako ng lolo mo at nag-wet na naman ng lips niya, ‘di ba?

"Na very Jomari Yllana acting. Sabi ko, ’Huwag ka namang kiligin diyan!’

“’Baliw ka talaga!’ sabi niya.

"Sabi ko naman sa kanya, ’Kaya mo nga ako mahal kasi baliw ako, ’di ba?’

"Sabi niya sa akin, hindi naman daw magbabago ang pagtingin niya.

"So, kesehoda raw na mag-39 ako, 40 or 50 years old ako, mahal pa rin naman daw niya ako.”

Until now, "Mama" at "Dada" pa rin ang tawagan nila sa isa’t isa?

“Oh, yeah, he will always be my Dada,” ngiti ni Aiko.



EVERYTHING IN PLACE. Paano nila na-maintain ni Jomari ang maganda nilang relasyon? May sikreto ba sila at friends pa rin sila hanggang ngayon?

“Prayers, kasi mas pinagdasal ko talaga na maging okey ako, not only kay Jomari, ha.

"But also kay Martin [Jickain], ‘yung tatay naman ni Marthena.

“And then the wife of Martin, si Maggie, who I love and respect so much.

"Kasi sobrang close kami ni Maggie, yeah, right!

"Parang unconventional na parang how in the world that I’ll be okay and friends-friends with the wife of my ex, ‘di ba?

“Ka-text ko. Every time na meron akong project and secrets, Maggie knows that. I love and adore her.

"At lahat ’yan, ipinagdasal ko.

“That’s one thing na siguro na iniregalo sa akin ng Diyos.

“When you have that faith, when you go through so much trials, you have to pray for it.

"And, you know, have faith na malalampasan mo yun.

“’Eto nga, God has restored everything.”

So, by next year, magkaka-baby na siya?

“Ay, sorry. Kasi, ‘di ba, 39 pa lang ako?

“Magti-thirty-nine, so meron pa akong one year.

"Nagkakaroon pa naman ako, e. So, hindi ko kailangan ma-bother!” sabay tawa ni Aiko sa kanyang pagpapatunay na hindi pa siya menopausal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

KEEPING HER FAITH. Sa presscon ng Give Love on Christmas Presents Gift Giver naging very emotional si Aiko sa pag-alaala sa kanyang yumaong ama na si Jimi Melendez.

At the same time, very thankful siya at nabigyan ng project sa Kapamilya network.

“Oo, kasi I started my year, not so good, so I think I’m ending it, hopefully, very, very good.

"Because nga ang Dreamscape, binigyan ako ng opportunity na magkaroon ng trabaho, soap [opera].

"At hindi lang basta trabaho, kundi isang dekalidad, kaya nagpapasalamat ako."

Ano ang ibig sabihin niya na "not so good" ang beginning ng career niya ngayong 2014?

Paliwanag ni Aiko, “Kasi I’ve gone through so many trials this year.

"In fact, hindi naman lingid sa kaalaman ng iba, na-distort ang mukha ko, ‘di ba?

“Nagkaroon ng problema sa weight ko.

“Maraming tests and trials this year—emotionally, financially, spiritually.

“That’s why I got baptized as a Christian because nga ni-lift ko yung ano, yung pag-cure ng mukha ko.

"Kasi nga, for an artist, it’s an odd situation na makikita ka ’tapos distorted ang mukha mo dahil nga may nagawang mali.

“So, yun, ipinagdasal ko kay Lord yun na ayusin lang niya yung buhay ko this year.

"And then, you know, ibibigay ko rin ang buhay ko bilang Kristiyano sa Kanya.

"So, ’eto ngayon, okey na, hopefully tuluy-tuloy na,” masayang sabi ni Aiko.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN