Christian Bautista clueless about Rachelle Ann Go’s rumored boyfriend in London: “Hindi ko alam, hindi ko talaga alam.”

Christian Bautista on Rachelle Ann Go’s rumored boyfriend in London: “Siguro kung totoo man ’yan e hindi pa nasasabi sa amin, kung totoo man. So ganito na lang ’yan, makikita natin ’pag andun na ako, ’di ba?”


Handa raw si Christian Bautista na talikuran ang kanyang showbiz career dito sa Pilipinas para sa isang magandang oportunidad sa ibang bansa.

Sabi niya, “Nagawa ko na ’yan. Nagawa ko siya sa Singapore for three months, sa Indonesia for three to four months.

“So depende rin naman sa project kung talagang worth doing.”

Pero nasa Asia rin lang ang Singapore at Indonesia. Paano kung sa malayong lugar tulad ng London kung saan kasalukuyang tagumpay na stage actors sina Mark Bautista at Rachelle Ann Go na mga kaibigan ni Christian.

Kapag ganoong kalaayo na ba ay kaya rin ni Christian?

“Yeah! I’ll do it, I’ll do it.

“Kasi in a way ’di ba yung ’pag tayo, ’pag hindi pa natin nagagawa, parang mas gusto nating gawin at subukan?” dagdag pa niya bilang hamon sa sarili.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Christian sa taping ng Strawberry Lane sa Multinational Village sa Parañaque City noong Miyerkules, November 19.

CLUELESS ABOUT RACHELLE ANN’S BF. Speaking of Rachelle Ann, napapabalitang may boyfriend na sa London ang dating girlfriend ni Christian.

“Ah, hindi ko alam ’yan,” ang tumatawang bulalas ni Christian.

Kung meron nga, ano ang masasabi niya?

“O, ’di maayos!

“Sabi ko nga kay Mark, ‘Kung kayo ang magkatuluyan, walang problema,’” ang muling tumatawang sinabi ng singer/actor/host.

NO CONFIRMATION. Wala raw siyang balita kung may boyfriend na nga si Rachelle Ann o wala.

Kahit raw sa kanilang magkakaibigan na nasa isang Viber group ay wala namang ibinabalita si Rachelle Ann.

Patuloy pa niya, “Wala, very private.

“Siguro kung totoo man ’yan e hindi pa nasasabi sa amin, kung totoo man.

“Hindi ko alam, hindi ko talaga alam.

“So ganito na lang ’yan, makikita natin ’pag andun na ako, ’di ba?”

Balak pumunta ni Christian sa London sa January para panoorin sina Mark [sa Here Lies Love] at Rachelle Ann [sa Miss Saigon].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung may boyfriend na nga si Rachelle Ann, hindi ba magseselos si Christian?

“Hindi naman,” at muli itong tumawa.

“Ano naman, move on na naman. As friends na lang.

“Kasi kung ’di naman ako maka-move on, hindi naman ako pupunta dun, e. Bakit ko papanoorin?”

GOOD BREAKUP. Halos apat o limang na taon na silang break ni Rachelle Ann at nananatili silang magkaibigan.

Paano nila itong nagawa?

Kuwento niya, “Well, hindi naman nung madali nung una. Kasi nung una siyempre mahirap pa.

“Pero after a few years, ang maganda naman kasi I call it a good breakup.

“So parang if it’s a good break-up, yung hindi yung talagang, ‘Ahhhh!’

“Alam mo yun?

“Hindi yung away na, ‘Ahhh!’

“I mean masakit pero okay, ganun.

“Ang maganda kasi whether with Rachelle or with Carla, nag-start kami sa friendship pareho.

‘So minsan, hanggang ngayon si Carla magte-text kami, kumustahan, ganyan.”

STILL FRIENDS WITH CARLA. Magkaibigan pa rin sila ng huli niyang nakarelasyon na si Carla Dunareanu.

“So far thank God… ang hirap ’pag may kagalit ka. Ang hirap ’pag may baggage ka.

“E, lalo na siguro kung same show pa kayo.

“Well, honestly nung nasa ASAP ako, nung unang... nung first few months ng break-up with Rachelle, mahirap!

“Kasi same show, papakantahin pa kasi together kahit na alam na break pero hindi pa namin masabi kasi alam mo yun, may mga timing pa.

“Parang ayoko na ng ganun, nakakapagod!” lahad niya.

HAPPY FOR MARK AND RACHELLE ANN. Masaya raw si Christian sa takbo ng international careers nina Rachelle Ann at Mark.

Pag-amin niya, “Although minsan iniiisip ko rin, sana andun din ako.

“Pero kanya-kanya naman ’yan, e.”

Sikat na sikat naman si Christian sa Indonesia at Malaysia.

“Kanya-kanya naman nga,” ulit niya.

ON JED MADELA’S CONTROVERSIAL COMMENT. Natanong naman si Christian tungkol sa isyu ng kapwa nila male balladeer na si Jed Madela at ng kanyang controversial “bunch of monkeys” post sa Facebook.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Jed Madela refutes calling ASAP 19 co-performers, Cagayan de Oro residents ‘bunch of monkeys’

Hindi alam ni Christian ang tungkol doon at nang maikuwento namin sa kanya ang tungkol doon ay nagulat siya.

“May ganun?! Ano ’yan?! Ano ’yan?”

Kaibigan at dating kasamahan ni Christian sa A.S.A.P. si Jed.

“Ayokong mag-comment. Ayokong mag-comment,” tugon ni Christian since hindi naman daw niya alam ang tungkol sa isyu.

Sa tingin ba niya ay capable si Jed na gumawa o magsalita ng ganoon?

“Ayokong mag-comment,” ang muli niyang isinagot.

“Ayokong makisawsaw, e.”

DANCE SHOW. Samantala, bukod sa Strawberry Lane ay napapanood rin si Christian bilang host ng Saturday dance show ni Marian Rivera sa GMA.

Dati ay silang dalawa ni Paolo Ballesteros ang male co-hosts ni Marian sa show bukod kay Julie Anne San Jose, pero lately ay hindi na napapanood si Paolo sa Marian.

“Hindi kaya. Kasi ’di ba location yung Juan For All [All For Juan na segment ni Paolo sa Eat Bulaga!]?

“E, dati nung kasama namin si Paolo dadating siya ng siguro mga four na, five, dahil sa location ng Juan For All.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN