Ariella Arida evasive about real reason for breakup with Ervic Vijandre: “Masasabi ko lang talaga I’m happier now.”

Ariella Arida remains tight-lipped about why she broke up with former flame Ervic Vijandre: “’Eto lang ang sasabihin ko, I’m happy I’m out of the relationship, period.”


May isang taon na mula noong pumuwesto si Ariella Arida sa Miss Universe 2013 pageant sa Russia.

Ang pagmu-model daw at iba pang raket na may kinalaman sa pagiging beauty queen niya ang pinagkakaabalahan nito sa kasalukuyan.

Pero tila hindi kuntento si Ariella sa takbo ng kanyang karera.

Lahad niya tungkol sa kanyang nararamdaman, “Actually, hindi ko nga alam kung ano ang susunod kong gagawin. Acting? Singing? Hosting? Dancing?”

Pero ipinaalala namin sa kanya na sa mga huling panayam niya ay bukas naman siya sa pagpasok niya sa showbiz, at sa iba’t ibang aspeto nito na maaari niyang pasukin kung saka-sakali.

“Oh, yeah, open na open,” mabilis niyang sagot sabay tawa nang malakas sa pagiging prangka niya.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ariella sa nakaraang Post Paris World Fashion Week send-off show noong November 24 na ginanap sa Grand Ballroom ng New World Hotel sa Makati City.

Isa si Ariella sa mga beauty queens gaya nina Marina Benepayo, Patty Betita, Lara Quigaman-Alcaraz, at ang aktres na si Maricar De Mesa na nagmodelo ng mga creations ng international designer na si Pia Gladys Perey.



WAITING FOR OPPORTUNITIES. Anong nangyari at hindi nagkaroon ng katuparan ang mga showbiz plans niya?

Bulalas niya, “I’m waiting! Hahahaha!

“Okey lang naman po. Gano’n talaga, e. Kailangang maghintay.”

Ang kapwa niyang beauty queen na si Venus Raj ay patuloy ang pamamayagpag sa showbiz, at ngayon nga’y pati pagkanta at recording ay pinasok na rin nito.

Sambit ni Ariella, “I did acting workshops. O, ’di ba? Hahahaha!”

Alam ba ng mga TV networks na gusto niyang umarte?

“Siguro ngayon alam na nila,” sabay tawa niya ulit.

“Kasi mahirap din. Hindi ko alam kung kanino ako, yung mga tipong ganon, alam mo?” na ang ibig niyang sabihin ay kung sino ang magha-handle ng kanyang showbiz career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gaano ba siya kaseryoso pagdating sa pag-arte?

“Ready naman akong i-take. Kasi yung beauty pageant bagung-bago sa akin na nakayanan ko.

“So what more pa yung another venture, ’di ba? Feeling ko naman keri, basta idi-dedicate mo yung sarili mo doon,” lahad niya.



LIMITATIONS. Payag ba siya sa pagpapa-sexy?

“Ay, bawal! Bawal sa Iglesia [Iglesia ni Cristo].

“Hindi ko rin keri. Yung pagpapa-sexy ko pang-beauty pageant lang. Hindi na keri nang pangmatagalan. Hahaha!”

Ibig sabihin, hindi rin siya puwedeng mag-pose para sa mga adult entertainment magazines gaya ng FHM?

“Ay, hindi po puwede! Hindi ko rin kaya. Hindi talaga kaya. Yung mga parents ko conservative sila,” pahayag pa niya.



REASON FOR BREAKUP WITH ERVIC. May bali-balitang ang religion ni Ariella ang rason kung bakit naghiwalay sila ng GMA-7 actor na si Ervic Vijandre.

Bagamat hindi naman ito ang sinabing rason ni Ervic kung bakit nahinto na lang ang communication nila ni Ariella. May mga naniniwalang ang magkaibang relihiyon ang rason ng kanilang hiwalayan.

Gulat na tumugon si Ariella habang nangingiti, “Oh my God, ang tagal na n’yan…ahhm, anong sasabihin ko?

“Be honest,” ang nangungumbinseng sabi ng PEP kay Ariella.

“It can be. Pero ang masasabi ko, I’m happy now,” sabay halakhak niyang muli.

Kapansin-pansin na idinadaan ni Ariella sa tawa ang mga sagot niya sa mga inaakala niyang intriguing questions.

Halos tumagal ng dalawang taon ang pagiging malapit sa isa’t isa nina Ariella at ni Ervic.

Akala ng marami magtutuluy-tuloy na ang kanilang samahan pero biglang napabalitang pinutol na nila ang anumang ugnayan nila sa isa’t isa.

Ano talaga ang tunay na dahilan?

“Yun na lang po ang sasabihin ko. Basta, I’m happy like this, nandito na ako,” naiilang na sagot nito habang nangingiti.



NO REGRETS. Hindi ba siya nagsisisi sa pinagsamahan nila ni Ervic?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Puwede. Pero ang masasabi ko lang talaga I’m happier now. Cheers to that! Hahahaha!

“Masaya po talaga ako now.”

Kumusta naman sila ni Ervic ngayon?

“Hindi na kami nagkikita from the last time na hindi naging okey.

“Pero I think we’re fine, we’re friends. Nag-greet siya sa akin noong birthday ko (November 20). OK, thank you.

“I think okey kami,” tugon niya.

Gaano katagal na ba silang hiwalay?

“Matagal na, kaya nga nung lumabas [sa PEP, interview with Ervic], ’Ay teka lang? Bakit ngayon lang ito?’

“Hahahaha! Parang... yung totoo? Nalimutan ko na ’ata yung date! Hahaha!”

Masasabi bang two months, three months na silang walang communication?

“Parang gano’n,” estima niya.

Bakit madali siyang nakapag-move on?

Sagot niya, “Grabe naman yung gano’n. Kailangan lang nating tanggapin ang lahat. Kaysa naman maging malungkot ka, ’di ba?

“So kailangang accept and move on.”



STILL FRIENDS. Kung meron kang panghihinayang sa hiwalayan ninyo, ano yun?

Ani Ariella, “Siguro yung pinagsamahan namin. Sayang din naman.”

Pero puwede pa rin ba silang maging friends ni Ervic?

“Oo naman, friends kami. Virtual friends kami,” sabay halakhak uli ng masayahing beauty queen.

“Feeling ko naman friends kami. Ako nga ’pag makikita ko siya, alam mo yung feeling na okey na. Alam mo yun?

“Okey na sige, tsikahan tayo.”

Paano siya nakapag-move on agad-agad?

“Mukha lang gano’n. Pero deep inside o, may ganun-ganon pa? Hahaha!

“Hindi. Kasi friends naman kami. Hindi ko alam, e. It comes naturally,” medyo seryoso na niyang sagot.

Hindi ba naging painful yung hiwalayan?

Birong sagot agad ni Ariella, “Baka nasanay na rin ako sa pain? Chos! Hahahaha!”

May mga pinagdaanan ba siyang pain?

“Nung time namin. Joke! Hahahaha, oh, my God! Nasanay na sa pain! Joke, hahaha!

“Naku, baka mamaya... Oh, my God!

“Oy, naturally bubbly ako, masayahin, palabiro, yung personality ko ganito,” paglilinaw niya sa mga binitiwang punch line dahil sa pag-aalalang baka mabigyan ito ng kulay ng ibang makakabasa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy niyang sabi, “Siguro yung tingin ko sa mga bagay-bagay, positive.”

Panay ang bitiw ng mga salita ni Ariella tungkol sa naging samahan nila ni Ervic pero sinabi naman nitong nagbibiro lang raw siya.

“Oy, wait lang, pakisabi na lang d’yan [sa write-up], tawa lang ako nang tawa, ha?”



STILL EVASIVE ABOUT REAL REASON. Tinanong namin si Ariella kung paano nila pinag-usapan ang break-up? May naging emosyonal ba? Magaan bang tinanggap ng isa’t isa?

“’Eto lang ang sasabihin ko, I’m happy I’m out of the relationship, period,” sabay tawa niya muli.

Umiiwas si Ariella na sabihin kung ilang buwan na silang hindi nagkikita ni Ervic.

Bulalas pa niya, “Matagal na. Naku, ire-recall ko pa...

“Pero kasi when you’re happy, you don’t remember the time. Chos! Hahahaha!

“Basta, months na po. Mga three months na, mga gano’n. Hahaha!”

Wala raw dini-date ngayon si Ariella dahil gusto niyang mag-concentrate sa kanyang career at sa pina-planong pagpasok sa showbiz.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN