Bianca Gonzalez and JC Intal agree to put baby plans on hold as they relish wedded bliss

Bianca Gonzalez and husband-to-be JC Intal have agreed to put their baby plans on hold while they relish their "couplehood" for some time: “I wouldn’t say I’m not ready, pero parang for me gusto ko yata muna i-enjoy na kaming dalawa lang before we’re having another responsibility.”


Back to work na raw agad sina Bianca Gonzalez at JC Intal pagkatapos ng kanilang kasal sa December 10.

Saad ni Bianca sa selebrasyon ng 25th anniversary ng Backroom, Inc., noong nakaraang Martes, sa susunod na taon na sila magha-honeymoon dahil hindi raw puwedeng iwan ni JC ang team niya sa PBA, ang Barako Bull Energy Boosters, at siya naman ay may taping din.

Pahayag ni Bianca, “Sadly, may season sila ngayon, so we have to wait until next year to go on a honeymoon.

“Actually, the day after the wedding, back to work na kaming dalawa.

"Back to training siya, ako I have tapings, so agad-agad."

ENJOY NOW, BABY LATER. Sa South America raw ang napagkasunduan nilang honeymoon dahil mas gusto nilang puntahan ang ilang lugar na hindi pa nila nagalugad.

Patuloy pa ni Bianca, “Habang bata pa kami, habang may pera pa, habang wala pang anak, dun na kami sa pinakamalayo, sa pinakamahal.

“Kasi, ’di ba, ’pag may family ka na, medyo iba na yung gastos mo sa buhay?”

Napag-usapan na rin daw nila ni JC na kung maaari ay huwag muna siyang mabuntis dahil mas gusto naman daw nilang ma-enjoy na sila munang dalawa, dahil tiyak na maiiba na ang focus nila kapag may baby na silang inaalagaan.

“I wouldn’t say I’m not ready, pero parang for me, gusto ko yata muna i-enjoy na kaming dalawa lang before having another responsibility.

“Pero ang sinabi ko naman kay JC, kahit one year, hindi naman yung matagal, kasi I’m getting older na rin.

"So, kailangan na…but not long,” saad ng 31-year-old TV host.

Alam daw ni Bianca na mag-iiba na rin ang mga priority niya kapag isa na siyang ina.

“Kasi parang it’s a totally different ballgame na kapag may anak na. Iba na ang priorities ninyo, iba na yung finances.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sana ma-bless ni God agad. Kasi I know some friends na nahirapan din, so mahirap ding sabihin.”

LAST-MINUTE DETAILS. Ngayong malapit na ang araw ng kasal, nagsimula nang magdatingan ang ilang miyembro ng kani-kanilang pamilya na naka-base sa ibang bansa. Kaya lalo raw siyang nae-excite.

Saad ni Bianca, “Super happy and excited, ngayon ko pa lang nararamdaman yung term nila na nasi-sepanx [slang for separation anxiety]

“Kasi yung ilang details ng wedding na ako ang nag-aasikaso.

“So, may feeling na a few weeks from now, hindi ko na gagawin yun.

“Enjoy na enjoy ako with little things. I’m enjoying planning kasi, e,” saad pa nito.

Unti-unti na raw siyang nagkakaroon ng mga realization na papasok na siya sa panibagong chapter ng kanyang buhay. Kaya alam daw niyang maiiba na ang pananaw niya bilang isang maybahay.

Ani Bianca, “For me kasi, ever since I started working, very driven akong tao.

“Very career-oriented, very career-focused, workaholic nga ang tawag sa akin ni JC.

“So, na-realize ko sa sarili ko is siyempre when I get married, my priority should change.

“Siyempre, I will still work kasi kailangan ng hanapbuhay.

"But I realized about me na I came to the point na willing na ako na i-share ang buhay ko with someone.

“Kasi, ’pag single ka, kung may gusto kang gawin, wala kang kailangang paalamanan.

“But now, I’m willing to kumbaga share half of my life, yung kumbaga lahat na desisyon ko sa buhay ko ngayon, may ikukonsulta na ako.

“Siguro maturity.”

Kaya naniniwala siyang si JC daw talaga ang taong ibinigay sa kanya ng Diyos.

IN GOD’S TIME.” May ilang nakarelasyon daw siya noon na ang buong akala niya ay ito na ang lalaki para sa kanya, pero hindi pala.

Naniniwala siyang dapat hintayin talaga kung sino ang ibibigay sa ‘yo ng Diyos, at huwag magmadali.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I think talagang totoong-totoo yung saying na ’in God’s perfect time.’

"Kasi siyempre, may relationships ako in the past na, ‘Ay, ito na yun,’ pero hindi.

“So, sobrang totoo yung saying na in God’s time talaga. Yung hindi mo ini-expect saka dadating,” nakangiting pahayag ni Bianca.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN