Ai-Ai delas Alas’s message to bashers of boyfriend Gerald Sibayan: “They just know your name but not your story.”

Sa mensahe ni Ai-Ai delas Alas, 50, sa boyfriend na si Gerald Sibayan, 21, sa kaarawan nito, nagpasalamat ang komedyana na dumating sa kanyang buhay ang kasalukuyang minamahal. May mga pinagdadaanan man daw sila sa kanilang pag-iibigan, sinisikap daw nilang malampasan ito.


Noong nakaraang Sabado, November 29, ay nagdiwang ng kanyang ika-21 kaarawan ang boyfriend ni Ai-Ai delas Alas na si Gerald Sibayan.

Sa Japan nag-celebrate ang magkasintahan kasama ang ilang kaibigan.

Sa pamamagitan ng Instagram, binati ni Ai-Ai ang nobyo ng isang mahabang mensahe kalakip ang isang photo-collage sa saliw ng awiting Ngiti ni Ronnie Liang.

Ani Ai-Ai, “THIS IS YOUR SPECIAL DAY MR GERALD SIBAYAN (partner, boss, baby, bebe, coronel , pringles and ang latest babs 😀)...

"’lam ko mahirap ang dinaanan naten at dinadaanan pa din pero may kasabihan nga LOVE CONQUERS EVERYTHING—kaya natin to sobrang dasal lang at malalampasan naten to lahat—at parate ko sinasabi sayo at sa sarili ko iam always thankful to GOD dumating ka pinasaya mo ang buhay ko at iniba ang pananaw sa pagibig ( lumang salita te hayaan mo na parang nerbyos din yan dapat kinakabahan.. pambata hahaha)...

"...you walk into my life and make me realize why it never worked out with any one else 😘maraming salamat sayo and on this special day i want to greet you A HAPPY HAPPY HAPPY BIRTHDAY —🍰🍨🍦enjoy your happy bday with me—enjoy life—✔️✔️always be thankful to GOD -- and if sometimes nasasaktan ka na hinga ng malalim at isipin they just know your name but not your story ..

"I LOVE YOU SO MUCH 💚💚💚💚GOD BLESS YOU SO MUCH BEBE 👼🌺"

Unang umamin si Gerald sa relasyon nila ni Ai-Ai sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong September 15, sa pamamagitan ng Facebook messaging.

Read: FIRST READ ON PEP. La Salle badminton player Gerald Sibayan confirms relationship with Ai-Ai delas Alas

Ayon naman sa komedyana, walang problema sa kanila ng boyfriend ang 30-year-old age gap.

Noong November 10, nag-celebrate si Ai-Ai ng kanyang ika-50 taong kaarawan.

Read: Ai-Ai delas Alas on 30-year age gap with boyfriend Gerald Sibayan: "Ang pag-ibig naman, wala ‘yan sa edad, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN