Marian Rivera on Dingdong Dantes: "Habang patagal nang patagal, lalo akong nai-in love sa kanya. Nakakaloka!"


Muling magkakaroon ng despedida de soltera sa Miyerkules, December 3, ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera, ilang linggo bago sila ikasal ng fiancé niyang si Dingdong Dantes.

Maliban dito, ang balita ay may tatlo o apat pa yatang bridal showers na ibibigay sa kanya ang mga kaibigan niya. Siya na nga raw ang tumatanggi minsan.

Pahayag ni Marian tungkol dito, "Ang alam ko nga, ang bridal shower isa lang, pero alangan namang tanggihan ko kapag ibinibigay."

Pero iba naman ang dating nito sa ilan, na siya lamang daw ang tanging ikakasal na ilang beses nagkaroon ng bridal shower.

Pero ayon kay Marian, “Ayoko namang mag-entertain ng mga bashers.

"Pero nagkataon lang din siguro na artista ako at maraming gustong magbigay ng bridal shower.

“The point is, kahit sino naman sigurong ikakasal, kung bibigyan naman siya ng mga kaibigan niya, wala naman siyang karapatang tumanggi.

"Now, bilang artista ako at public figure ako, medyo nabibigyan ng, ’Ay, ang OA naman ni Marian!’

“Dapat maging thankful ako, yung nagsasabi nito, katiting lang naman sila.

"Ang importante, nagga-gather ang mga mahal ko sa buhay.

"Like, for example, si Tita Celia [Rodriguez], unexpected.

"Nandoon ang batch 2005 na mga classmates ko.

“Unti-unti, dumarating sila, ha. Wow!

"’Tapos sinurprise rin ako ng mga pinsan ni Dong na hindi ko ine-expect na nandoon din.

"Alam kasi niyang mahilig ako sa mga sama-sama, may kinuha siyang tatlong girls na nagsasayaw at tinuruan kami.

“Talagang sobrang enjoy na enjoy talaga ako noong gabing yun.”

Dagdag pa niya, “Alam mo, hindi masamang mainggit sa kapwa mo, pero in a nice way.

"Kung magiging dahilan yun para maging inspirasyon mo, bakit hindi?

“Pero huwag lang dumating sa point na ibang level na, yung medyo nakakatakot na.

"Dapat maging inspiration yun dahil walang masama.

"Kahit ako sa sarili ko, sobrang nao-overwhelm din ako sa ginagawa ni Dong sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko nga, in time talaga, kasi before, ako yung very vocal sa relationship namin.

"Naa-appreciate ko naman, kasi bilang lalaki, hindi naman kailangan talaga na maging madaldal.

“Pero ngayong magpapakasal na kami, naiba naman ang sitwasyon. Siya na ang very vocal.

"May pagka-conservative kasi si Dong.

“Siguro may mga bagay na ayaw niya munang sabihin... mga bagay-bagay na gusto niyang sabihin sa tamang panahon.

"Which is, ngayon ang tamang panahon."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marian sa last taping ng kanyang dance program na Marian, noong Sabado, November 29.

BRIDEZILLA, NOT. Madalas sabihin ni Marian na masaya lang siya, pero kung may bagay man na nakakapagpa-stress sa kanya sa preparasyon ng kasal, ano yun?

Sambit ng bride-to-be, “Stressed? Parang bridezilla? Wala, e, wala!

"Kahapon nga, nasa meeting ako, wala talaga.”

Iiyak kaya siya sa kasal niya?

“Ay, mas feeling ko, siya [Dingdong] ang una. Iyakin din yun, e!

“Pero feeling ko, pareho.

"Hindi naman paligsahan ito ng iyakan, pero the mere fact na bababa ako ng kotse, suot ko ang dream gown ko at pupunta ako sa altar, kasama ko ang mga mahal ko sa buhay, lola ko, mama ko, at si papa papunta kay Dong, yun palang siguro, ’Waaah!’"



MORE IN LOVE. Naisip ba niyang magkakaroon siya ng ganito kabonggang kasal?

“Hindi naman siguro bongga,” sabi ni Marian.

“Ano lang, simple lang naman ang pangarap ko na sinasabi ko kay Dong.

"Ang pangarap ko lang, maisuot ko ang dream wedding gown ko.

"Makasama ko ang mga mahal ko sa buhay. Umuwi si Papa at nandiyan ka, okey na ako dun.

“Siguro, ang laking pasasalamat ko lang na sobra-sobra yung ginagawang effort talaga ni Dong para sa akin.

"Kasi palagi niyang sinasabi sa akin na, ’Gusto ko, ikaw ang pinakamasayang babae sa araw na yun.’"

Mukha namang hindi lang sa araw ng kasal nila sinisigurado ni Dingdong kay Marian na siya ang magiging pinakamasayang babae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Naku, habang patagal nang patagal, lalo akong nai-in-love sa kanya. Nakakaloka!"

Maraming sorpresa sa kanya si Dingdong. Si Marian ba ay marami ring sorpresa sa kanyang mapapangasawa?

“Siyempre kapag isinulat mo, wala na!” mabilis naman niyang sagot.

“Siyempre, ayoko naman na siya lang ang may surprise. Ayoko naman na nganga lang ako.

“Sobrang natutuwa ako, sobrang looking forward talaga ako.

"At halata naman na masayang-masaya talaga ako," nakangiti niyang sabi.

May itinerary na raw sila ng kanilang honeymoon, at sa Spain ang huli nilang destinasyon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN