Robin Padilla rejects teleserye projects to make wife Mariel Rodriguez happy


Marami ang nakaantabay kung kailan magkaka-baby ang mag-asawang Robin Padilla at Mariel Rodriguez.

Sabik na silang makita kung ano ang magiging hitsura ng kumbinasyon ng kaguwapuhan ni Robin at kagandahan ni Mariel.

Pero ayon kay Robin, “E, hindi pa namin kaya, kasi sa schedule.

“At saka si Mariel, unang-una, ayaw niya ng magya-yaya, ayaw niya.

“Ako naman, nakikita naman niya na busy pa ako dun sa mga anak ko. ’Tapos sa trabaho.

“Ang hirap naman nung mag-aanak lang, ’tapos hindi mo naman nakikita yung anak mo.

“Ito nga lang mga anak ko na malalaki na kung magkita kami, hello at hi lang."

May apat na anak ni Robin sa datin niyang asawa na si Liezl Sicangco—sina Queenie, Kylie, Zhen, Zhen, at Ali; may-tig-iisa naman siyang anak sa mga dating aktres na sina Jobelle Salvador at Leah Orosa.

Patuloy ni Robin, “Siguro next year... tingnan natin.

“Busing-busy kasi, ‘tol. Wala akong ano… hindi magkakaroon ng lugar, e.

“Namimili na nga kami ng project para lang… kasi kapag hindi namin ginawa, baka maghiwalay kami.

“Hindi kasi pupuwede na puro walang plano, ayaw naming maghiwalay.”

Pero kung sakali, ilang anak ba ang gugustuhin nilang magkaroon?

“Wala namang number ‘yon, ’di ba?

“Ang pinag-uusapan ay yung kapag nagkaanak kami.

"Kailangan yung anak na lang ang iintindihin, wala nang trabaho talaga.

“Iba kasi ang showbiz, e. Iba.

“Definitely, magkakaroon kami ng anak. Pero hindi namin minamadali.

“Hindi kailangan kasi sa ngayon talaga, kahit saan namin tingnan…

“Magkasama pa kami sa Talentadong Pinoy, isipin mo ‘yon?

"Kung hindi pa sa Talentadong Pinoy, hindi pa kami magkikita sa isang linggo.

“Oo, kasi uuwi ako, tulog na siya, may ganun.

"Paano pa kung nagtrabaho na siya, e, di lalo na, ‘tol. Mahirap!”

MAKING SACRIFICES. Pero at least, nananatiling matibay at solid ang pagsasama nila bilang mag-asawa.

Saad ni Robin, “Nagsasakripisyo siya. Nagsasakripisyo din ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi sa katunayan niyan, ang isa sa sakripisyo ko, yung teleserye. Ayoko nang tumanggap ng teleserye.

“Iba ang teleserye, 36 hours minsan ang trabaho nun. No way!

“Kasi nung nagsunud-sunod ako ng teleserye, nag-away kaming dalawa.

"Ayoko nang maulit ‘yon.

“Nag-asawa ka ng bata, naku, siyempre, kailangang ibigay mo lahat ng oras mo diyan.

“Bata ‘yan, e. Hindi marunong humingal ‘yan.

“Ikaw ang hahabol.

"Kaya kapag naghiwalay kami, ako ang may diperensiya nun, sigurado.”

Pero younger-looking siya ngayon. Dahil siguro mas bata sa kanya ang asawa niya?

Pagsang-ayon ni Robin, “Siguro nga dahil nagsasakripisyo kami.

"Kasi kung ako naman dire-diretso ng trabaho, hindi naman ako magmumukhang ganito."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN