Vina Morales sets limits to closeness with ex-boyfriend Robin Padilla

Vina Morales on closeness with ex-boyfriend and leading man Robin Padilla: "We’re very comfortable working with each other, being friends, napakakumportable ko sa kanya. I can even tell him kung ano ang problema ko, we can talk about that. Iba lang yung level ng friendship namin ngayon than before. Kasi noon, may pagnanasa si Robin. So, iba na yung noon, ‘di ba? Ngayon naman, nandodoon naman yung kilig, but there’s always a limit, ‘di ba?&am


Inaasahan na raw ni Vina Morales kung sakaling may lalabas na intriga sa kanila ni Mariel Rodriguez dahil sa muli nilang pagsasama sa proyekto ng asawa nitong si Robin Padilla.

Balik-tambalan sina Vina at Robin sa pelikulang Bonifacio: Ang Unang Pangulo sa ilalim ng produksiyon ng Philippians Productions at sa direksiyon ni Enzo Williams.

Isa ito sa official entries sa Metro Manila Film Festival 2014 at ipalalabas sa mga sinehan sa Disyembre 25.

Sabi ni Vina, “Ako naman, ini-expect ko iyan kung magkakaroon ng issues.

“I also expect that, hindi naman mawawala iyon siguro dahil sa mga intriga na hindi maiiwasan.

“But I’m not really close to her kasi, e. We never became like really close friends.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vina sa grand celebration at commemoration ng Bonifacio Day noong Nobyembre 30 sa Bonifacio Monument Circle sa Caloocan City.

Kasama rin sa programa ang meet and greet at pagpo-promote ng mga artista ng Bonifacio: Ang Unang Pangulo, na bukod kina Robin at Vina ay dinaluhan din nina Daniel Padilla, Jasmine Curtis Smith, Rommel Padilla, RJ Padilla, at Richard Quan.

Naroon din si Mariel para sumuporta sa kanyang asawa.

Ayon kay Vina, nagbatian naman sila ni Mariel sa naturang Bonifacio event. Pero during shooting ay hindi raw dumadalaw si Mariel sa set kapag mga eksena nina Robin at Vina ang kinukunan.

Sabi pa ni Vina, “We never had the chance na maging close.

“’Tapos magkaiba pa kami ng networks. She’s with Channel 5, ako naman Channel 2.”

Pero gusto niya rin ba na maging close kay Mariel?

Sagot ng actress-singer, “If there is a chance, why not?

“But right now, we’re good naman as friends.

“Magkaibigan naman siguro kami, hindi lang kami close.

“But when we see each other, we say, ‘Hi,’ yung ganun, it’s normal.”

Nagpasalamat naman si Vina nang malamang aprubado pala kay Mariel ang balik-tambalan nila ni Robin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ROBIN PADILLA. Magkahalong emosyon ang naramdaman ni Vina noong una niyang matanggap ang offer tungkol sa pagbabalik-tambalan nila ni Robin sa Bonifacio.

Saad niya, “Kinabahan ako, siyempre ang tagal ko na siyang hindi nakatrabaho.

“Pangalawa, excited, ‘tapos natutuwa naman ako dahil it’s been a long time.

“And nakita ko naman na napaka-smooth ng shooting namin, walang problema, napakasaya ng set namin.

“At saka hindi nawala yung kilig na makikita niyo sa screen.

“Yun ang pinakaimportante, e, na hindi nawala sa amin yung chemistry.

“Kaya tuwang-tuwa kami na magandang lumabas ang Bonifacio.”

Naging boyfriend noon ni Vina si Robin. Ngayon bang magkasama ulit sila ay napag-uusapan nila ang nakaraan?

Ayon kay Vina, “Yeah, kami ni Robin… alam mo nakakatuwa nga, e, parating naglalambing sa akin iyan ng kape.

“Oo, sa set, nagre-request iyan, so gagawan ko naman siya ng kape kasi I have a coffeemaker doon sa van ko.

“’Tapos mamaya, tatambay iyan sa van ko, makikipagkuwentuhan.

“Hindi na namin napansin na dalawang oras na pala, kasi yung waiting hours namin sa shooting, ‘di ba?

“Ang dami naming napag-uusapan, napagkukuwentuhan from the past. Kung ano yung mga kalokohan na ginawa niya.

“Pero ngayon kasi, pinagtatawanan na lang namin.”

Ngayon daw ay ibang level na ang friendship nila ni Robin.

“Kakaiba yung level ng friendship namin ngayon because hindi katulad noon naman na, alam mo yun?

"We know naman the situation now, ‘di ba?

“But we’re very comfortable working with each other, being friends, napakakumportable ko sa kanya.

“I can even tell him kung ano ang problema ko, we can talk about that.

“Iba lang yung level ng friendship namin ngayon than before. Kasi noon, may pagnanasa si Robin!” sabay tawa ni Vina bago niya itinuloy ang sinasabi.

“So, iba na yung noon, ‘di ba?

"Ngayon naman, nandodoon naman yung kilig, but there’s always a limit, ‘di ba?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil ba pareho na silang masaya sa kani-kanilang mga buhay?

Sagot ni Vina, “Siya, oo, kasi may Mariel na siya, e.

“Ako kasi wala pa rin akong lovelife. I hope soon.”

May mga bagong na-discover ba siya kay Robin sa muli nilang pagsasama?

“Ganun pa rin naman siya, e. Kasi sa set namin, napakamaasikaso pa rin niya.

“Never nawala kay Robin yung hindi niya ako inasikaso or yung ibang kasamahan niya, yung staff niya inaalagaan ako.

“Hindi nawala kay Robin yun, napaka-sweet pa rin ni Robin sa akin.

“Siguro ano lang talaga is yung limitation namin.

“Kung minsan, ‘pag medyo beyond the line na siya, talagang, ‘O, ano?’

“I get to remind him na, ‘O, hindi puwede!’

“Yun ang mga sitwasyon na nabibiro na namin ang isa’t isa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN